Iniwan ako ni Orion sa kusina at sinabing maliligo daw muna ito tutal wala din naman daw itong gagawin. Tumango lang ako. Nung natapos ko na ang pagluluto ng breakfast niya ay nagpakulo na ako ng tubig para sa lasagna.
Mag-iisang oras din ata ako doon bago lumabas para tawagin ang lalaki para kumain ng breakfast. Napatingin ako sa hagdan at iniisip kung aakyatin ba ito o ano kasi unang beses ko pa lang doon baka kung ano ang isipin pero wala pang ilang minuto na nakatingin ako doon nakarinig ako ng paggalaw sa itaas maya-maya pa niluwa si Orion na prekong presko.
Nagulat ito ng makita ako sa dulo ng hagdan.
"Uh, luto na ang pagkain." sabi ko na lang saka itinuro ang kusina.
He nodded pero my dinaanan muna ito sa sala bago sumunod sa akin sa loob. Naupo naman agad ito sa upuan nilagyan ko na yun kanina ng plato. Ako naman ay nagtungo sa kalan para ilagay na ang lasagna noodles sa pinapakuluan kong tubig. Isusunod ko ang pagluluto ng sauce para mabilis.
Sinulyapan ko si Orion pero namataan ko siyang nakatingin din sa akin at hindi ginagalaw ang pagkain. At hayun na naman ang suplado niyang mukha. Normal na ata yun sa kaniya.
"Bakit hindi ka pa kumakain?"
"Inaantay kita."
Napakurap ako. "Ah, hindi ako kakain. Kumain na ako ng pandesal kanina, remember?" kahit nakaka-tempt na sabayan siya ayoko parin. Baka mas marami pa akong magain na calories ngayon imbes na magbawas dapat. Lalabas na pinagod ko lang ang sarili ko sa pag-jogging kanina.
Mas lumalim ang pagkunot ng noo nito.
"Kailan pa naging breakfast yun? Kumain ka." tumayo ito at kumuha ng isa pang plato na pinigilan ko naman.
"Orion, ayoko nga."
Iritableng tiningnan niya ako pero hindi din ako papatalo.
"Kumain ka na lang, magluluto din kasi ako."
"Buto't balat ka na nga hindi ka pa kakain. Why did you even jog? Wala ka naman nang ibu-burn na fats. And please next time, magdala ka ng jacket, you're showing too much skin. Tingnan mo nangyari kaninang umaga. Hindi ka mababastos kung maayos ka magdamit."
Hindi ko alam dahil imbes na magalit, kinilig ako. Para tuloy akong tanga na nakangiti habang nakaharap sa kalan. Hindi naman kasi ako buto't balat no.
Ang ganda nga ng katawan ko maraming naiinggit at naglalaway dito no pero hindi ko pinagbigyan, ikaw lang.
Gusto kong isumbat pero nang mabalik sa huwisyo ay gusto kong sabunutan ang sarili ko kasi alam ko namang ako lang ang nagbibigay ng malisya sa lahat ng yun. Dahil ang totoo talaga wala naman yun sa lalaki. May Gian parin ito. Ang babae parin ang laman ng utak nito.
Sana naman kasi kung friendship lang ang mai-ooffer, siguraduhin na pang friends lang din ang conversations no. Don't send us mixed signals boys. Kaya kami nag-assume din e. Mga galawan niyong kay gulo.
Pareho kaming tahimik. Hindi ko siya nililingon pero alam ko na nag-umpisa na itong kumain dahil naririnig ko ang ingay ng kutsara. Kumalat ang amoy ng sauce sa kusina, nag-uumpisa na rin akong maglaway dahil sa cheese. Nang matapos ay ifinile ko na yun alternately para maipasok sa oven.
Lumapit ako sa sink para maghugas ng kamay sakto namang naghuhugas si Orion ng plato na kinainan kanina. Pinasingit niya naman ako. Lalayo na sana ako pero napansin ko ang braso nuya na dumudugo.
Nakumpirma kong iyon ang sugat niya noong nakaraan. Pagaling na iyon pero may dugo paring nalabas. Siguro tinanggal nito ang bandage kanina nung naligo.
Mukhang hindi ata yun napansin ng lalaki. Hinawakan ko siya sa braso. Tiningnan naman niya ako ng may bahid ng gulat at pagtataka.
"Yung sugat mo dumugo." turo ko.
Sinilip niya iyon at parang wala lang na tumango.
"I'll clean it later. Sorry for the mess." saka ibinalik ang tingin sa hinuhugasan.
"N-nasaan ang bandage? Ako na lang maglilinis." lakas-loob kong sabi.
Baka kasi mapasukan ng bacteria o ano. Dapat hindi yun hinahayaang nakaganun lang.
"Nasa sala."
Tumango ako. Nilagay ko muna ang lasagna sa oven at isinet iyon bago tinungo ang sala. Naalala kong may nilagay ng lalaki dito kanina baka ito yun. Lilinisin ata nito ang sugat kanina pero tinawag ko siya para kumain.
Hindi ko na kailangang bumalik pa kasi sumunod naman pala si Orion. Umupo ako sa tabi niya at inumpisahan nang linisan ang sugat. I wonder how many bullets touches his body.
Bakit may mga taong gustong gusto ang ganitong propesyon? Nakalibing na sa lupa ang isang paa nila sa oras na pinili nila to.
I was being careful dahil baka masaktan siya. Nang matapos ay tinakpan ko iyon ng bandage.
"Thanks."
Inayos ko ang gamit at binalik iyon sa lalagyan.
"Sige, titingnan ko lang ang niluluto ko."
He just nodded and open his laptop. Hindi na ako nagtanong pa kung trabaho na naman iyon o ano. Bumalik na lang ako ng kusina. Nakatanga lang ako doon at nililibot ang tingin sa paligid habang inaantay tumunog ang alarm ko.
Nang mabored ako ay lumabas ako para sana mag-ikot ikot pero nakita kong nakahiga na si Orion sa couch at mahimbing na natutulog. Nakasampay ang paa nito sa dulo nun. Nilagpasan ko siya at tinungo ang sliding door sa likod. Ang una ko talagang napansin ay ang mga bulaklak na kapareho ng bulaklak sa museleo ni Gian. Mukhang dito iyon galing.
Siguro lagi dito ang babae at gustong gusto ang bulaklak na to. Umupo ako sa nakita kong upuan at nagstay doon ng ilang minuto at umalis lang ng tumunog ang alarm ko. Hindi ko namalayang forty five minutes agad ang nakalipas. Nakangiting inilabas ko sa oven ang lasagna at pinalamig. Damn, it looks delicious. Excited na siyang ipatikim iyon sa lalaki.
Natigilan ako ng biglang tumunog ng doorbell sinilip ko si Orion pero tulog parin ito kaya ako na lang ang nagpuntang pintuan.
Maliit na siwang lang ng binuksan ko saka sinilip kung sino ang nasa labas. Baka kasi mga relatives yun ng lalaki baka magtaka kung sino ako at bakit nandito ko.
Pero mas nagulat ako ng makita si Lauren doon. She looked shocked too upon seeing me. Hindi tulad ng unang pagkikita namin, hindi na ito naka-uniform. She's beautiful wearing her floral dress. Mukhang nagpaganda ito ng sadya. Sa isang kamay nito ay isang paper bag.
"Hi, Emilia right?"
I frowned when I heard my name.
"Em na lang." Hindi naman tayo close.
Ngumiti ito at tinuro ang pintuan. "Ah, sorry." ani ko saka siya pinapasok. Nakita ko pa ang pagsulyap niya sa suot kong shirt ni Orion.
"Nasaan si Orion?"
Tinuro ko ang couch kung nasaan ang lalaki. Her mouth formed an O before nodding. Nag-iwas ako ng tingin ng lapitan nito ang lalaki at halikan sa pisngi. May sinasabi pa ito sa lalaki pero hindi ko na pinakinggan kasi naiirita ako. Nagtungo na lang ako ng kusina.
"Hindi ko alam na nandito ka pala. Hindi kasi nagdadala si Orion ng babae dito." anito ng sumunod sa akin sa kusina.
Napatingin ako sa paperbag na dala nito, may pagkaing dala ang babae. It's homecook too.
"Ah, oo. May sinauli lang siya sa akin."
Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa mailabas ang pinalamig kong lasagna sa ref. Kuryoso itong napatingin doon.
"What's that?"
Inilapag ko iyon sa mesa at binuksan ang foil. Nagningning ang mata ko ng makita ang kinalabasan.
"Oh, lasagna?"
Buong pagmamalaking tumango ako. "Oo. Pinaluto sa akin ni Orion kanina. He's craving so I..." naiwan sa hngin ang sasabihin ko sana ng kunin niya sa akin ang kutsilyo.
"Great. Ako na ang magpapakain sa kaniya mamaya pagkatapos naming kainin tong niluto ko sa kaniya."
Natahimik ko at napatiim-baga. Para akong inagawan ng laruan. Tangina niluto ko yun. Gusto ko ring matikman. Pero tumango lang din ako at pilit na ngumiti kahit na asar na asar ako.
"Nga pala, thank you sa pagbantay sa kaniya nung nasa hospital siya. I heard Yvo just asked you because he don't have someone to ask help that time. Natatawa nga ko nung sabihin ni Orion na hindi naman daw kayo close pero pumayag ka parin. Though umalis ka kaagad nung araw na yun. Tinutukso pa ni Yvo na may gusto ka daw kay Orion. He's gentlemen and good looking but he's still mourning for Gian. I hope you don't took his friendliness to something else." gets ko kaagad ang gusto niyang iparating.
Pero sana nagets niya rin ang sinasabi. Saka niya iapply sa sarili.
"Oo naman. Wala naman akong ini-expect na kapalit." pekeng nginitan ko siya. Kung sabihin ko kaya sayo ang nangyari sa amin ng lalaki? Makakangiti ka pa ba ng ganiyan?
I sighed and looked the food. Nakakahiya namang magsabi na pwedeng magbalot. Ako yung nageffort pero bakit nakakahiyang tumikim ngayon?
"I guess, I'll go. Nandito ka na rin naman. Yan na lang din naman ang hinihintay ko maluto. Ikaw na lang ang bahala sa kaniya. Kailangan ko na din kasing umuwi." saka hinanap ng jacket ko.
Lauren smile widely. "Sure."
Tinanguhan ko siya at lumabas na ng kusina. Sinulyapan ko pa si Orion na tulog parin hanggang ngayon.
"I guess this will be the last."
Ayoko nang makigulo pa. Sinigurado kong wala na akong naiwan ni isa para wala na akong balikan pa. Ako na rin ang nagsara ng pintuan dahil naupo sa tabi ng lalaki si Lauren at nakuha pang kawayan ako. I heaved a sighed at diretsong lumabas ng bahay. Ni hindi ko alam kung anong sasakyan ko palabas ng village. Nagkunwari na lang akong nag-jogging kahit na ang taas na ng araw.
Pero hindi ko na kinaya mabuti na lang at may nagpasakay sa akin na mag-asawa. Buntis ang babae at ang gwapo ng asawa.
"Ngayon lang kita nakita dito." lingon nito sa akin. She's pretty and simple looking.
"Ah, may dinalaw lang ako." Itinuro ko ang bahay ni Orion. "Hindi talaga ako taga dito."
"Kay Orion? Kaibigan ka ba niya?"
Mukhang kakilala pa ng babae ang lalaki. She look at me with curious eyes.
"Hindi rin. Kakilala lang." tipid kong sabi.
"Oh," kita ko ang pagsulyap ng babae sa asawa nito na tahimik lang nagmamaneho.
Actually ang gwapo ng asawa nito yung tipong mapapalingon ka pag dumaan sa harap mo. Yun nga lang tulad ni Orion mukhang seryoso sa buhay. Pero bagay sila. Siguradong maganda at gwapo ang magiging anak ng dalawa.
Marami bang gwapo sa village na to?
Ibinaba nila ako sa labas ng village tulad na rin ng sinabi ko. Lumabas ako at nagpasalamat sa dalawa.
"Maraming salamat..."
Nagulat ako ng biglang ilabas ng babae ang kamay niya sa bintana. Parehong nakatingin sa akin ngayon ang dalawa. Este yung babae lang pala kasi yung lalaki nasa asawa ang tingin.
"Azul." ngiting sabi ng babae.
Tumango ako at tinanggap naman yun. "Em. Thank you, Azul at sa asawa mo."
"See you around, Em!" she bubbly waved her hand.
Napangiti na lang din ako nakakahawa ang maganda niyang ngiti. Maybe it's her pregnancy that makes her look blooming.
__
"Maraming salamat, Em!"
Nginitian ko at nagpasalamat din sa phographer at ilang staff. I just finished the photoshoot, pagkauwi ko kanina sa bahay ni Orion, naligo lang ako at nagbihis saka nagtravel na. Buti na lang at hindi traffic at nakarating ako agad sa tamang oras.
Kinausap ko sandali si Miss Frea bago nagpuntang dressing room para sa mga gamit. Napakunot-noo ako ng makita ang magkasunod na missed call ni Patricia. Kumaway ako sa mga staff at nagpaalam habang papalabas ng studio. Nasa akin na rin ang bayad kaya wala nang problema.
Pinipigilan pa nga ako ng mga ito at doon na daw muna kumain pero sabi ko may dadaanan pa ako saka kailangan ko agad makauwi dahil kailangan kong habulin ng huling bus.
Tinawagan ko si Patricia habang sakay ng jeep. Pansin ko pa ang pagtingin ng mg pasahero sa akin siguro dahil sa suot ko.
"Saan ka? Wala ka daw sa boarding house mo tapos sa shop?"
"Out of town ako, may photoshoot. Pero pauwi na naman. Dadaan lang ako sandali kay Papa."
"Ay, tama. Ngayon nga pala ang schedule mo diyan no? Akala ko..."
"Akala mo ano?" nagtatakang tanong ko.
"Wala. Sige, see you later. Ingat sa biyahe."
"Okay?"
That was weird. Ibinaba ko ang phone. Nagbukas ako saglit ng social media ko saka mga messages. Minsan kasi doon ko kausap ang mga related sa pagmomodelo ko.
Napansin ko ang message request ko na may nadagdag sa bilang nun. I check who message me and I was shock when I saw a familiar name..
Orion Monteagudo
This is the second time. Are you a fan of walking away?
Sent 9:25 a. m
Accept Decline
Kumabog yung dibdib ko. Umiling ako, no Emilia. Wag mo nang pansinin yan. Last na yung kanina, remember?
Pikit matang inexit ko yun at nagkunwaring hindi nabasa kahit na makikita nitong naseen niya ang menshe. Paasa ampotek.
"Kumusta si Papa?"
Tanong ko kay Ezekiel, ang pangalawang kapatid ko sa ama. Nakatanaw kami ngayon sa papa ko na nakasakay sa wheel chair at nagpapahangin sa labas.
"Ganoon parin ate. Hindi niya parin matanggap na hindi na siya makakalakad ng maayos."
I sighed. "Ang mga gamot niya?"
"Papaubos na rin, ate. Namomroblema na nga si mama kung saan kukuha ng pera. May kamahalan din kasi yung mga resetang gamot niya. Naubos na rin kasi yung huling bigay mo."
Tahimik na binuksan ko ang bag ko at inilabas ang sobreng binigay kanina ni Miss Frea. Ni hindi ko pa yun nabubuksan at nasisilip kung magkano ang laman pero hindi na ako intresado alam ko din na malaki yun. Inabot ko yun sa kapatid.
"Heto. Ibili niyo ng gamot niya at iba pang kakailanganin."
Nakatingin lang doon si Ezekiel. "Ate..."
Kinuha ko ang kamay niya at nilagay doon ang sobre.
"Sige na. Pag kulang pa tumawag ka na lang sa akin." sinilip ko ang oras sa relo. Ginulo ko ang buhok niya. "Kailan ko nang umalis. Alagaan mo si Papa."
"Hindi mo ba talaga siya kakausapin ate? Ni hindi niya alam na sayo galing ang pera na pinapambili namin ng gamot."
Umiling ako sa labing limang taong gulang na kapatid at muling tiningnan ang ama. "Hindi na. Isa pa, nakita ko na rin naman siya."
Nagpaalam na ko at lumabas ng bahay ng pangalawang pamilya ng papa ko. Nagkasalubong pa kami ni Tita Sarah, ang asawa ni Papa na kabababa lang ng tricycle.
Dati hindi niya ako pinapansin pero nung nalaman nitong sa akin galing ang pera na binibigay ni Ezekiel ay kahit papaano kinakausap niya na ako.
"Em, nandito ka pala. Dinalaw mo ba ang papa mo?" medyo alangan pang sabi nito.
Tumango lang ako.
"K-kinausap mo ba?"
Umiling lang ako. "Aalis na po ko tita."
"Kumain ka na ba? Ipagluluto kita."
"Hindi na po. Hinahabol ko kasi ang last trip. Mauna na ho ako."
Ngumiti ang babae pero hindi iyon umabot sa mata. Hindi man niya sabihin, alam kong nahihiya ito sa akin. Kasi ni piso walang naitulong ang papa sa akin simula nung iniwan nila ako pero nung naaksidente ito ako lahat naglabas ng kusing. Nagbayad ng bills at bumili ng gamot.
Pinilit ko noong magmatigas din gaya ng ginawa nila dati pero naawa ako kay Ezekiel. Sa mga anak ni papa siya lang ang close ko palihim ko pa itong kinikita at binibigyan ng pera dati. Kaya yung makitang namamalimos ang kapatid mo sa harap mo para ipambayad sa ospital ay tila pinipiga ang dibdib ko. Hindi ko kayang makita siyang ganun kaya kahit galit ako sa papa tinulungan ko parin sila.
"Mag-ingat ka."
Hindi na ako sumagot at sumakay na sa tricycle na sinakyan nito kanina. Hindi ako lumingon, for what?
Matagal nang hiwalay ang mama at papa ko at pareho na ring may iba't ibang pamilya. Noong naghiwalay sila naiwan akong mag-isa. Walang gustong kumuha sa akin dahil parehong ayaw daw ng mga bagong pamilya nito.
Wala na akong balita sa mama ko. Hindi ko na rin sinubukang alamin pa. They abandoned me like I was not made from their flesh and blood. Iniwan nila ako sa lola ko na hindi rin tumagal sa mundo. But still, I was lucky kasi napaaral niya ako hanggang makapagtapos ng high school.
Nung nawala siya, maaga akong natutong magtrabaho para may makain. Nagsumikap ako at naghanap ng raket hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo. Patricia and Prince were with me ever since. Araw araw akong nagbebenta ng munchins sa klase para lang may kakarampot na ipon.
Naaalala kong kinukuha nila iyon at sila mismo ang nagpapabenta sa ibang section dahil ayokong bilhin nila lahat. Sila ang nagsuporta sa akin nung panahon na tingin ko hindi ko na kaya. Kulang na lang noon patirahin ako ni Patricia sa kanila.
Naaalala ko pa noon na kinausap ako ng mga magulang nito kung gusto ko ba daw doon na manatili sa kanila. Gustong gusto ko nun pero hindi ako pumayag.
“Ganito na lang, dahil ayaw mong tanggapin ang pera na binibigay ko. Kukunin na lang kitang modelo sa isang shop ko. Kukunan ka lang ng litrato suot ang mga damit tapos siswelduhan kita.” ani ng mama ni Patricia. Alam nitong hindi ko yun papalagpasin.
Doon ako nagsimulang matuto. Kahit wala akong hilig sa ganun ginawa ko kasi wala akong inaasahan at nangangailangan ako.
Alam kong sobra yung binibigay niya minsan kaya binabawi ko na lang sa pagtulong sa trabaho sa bahay ng mga ito. Kahit minsan pinapagalitan nila ako kasi hindi naman na iyon kailangan pa.
Kaya ko na naman. Malaki na ako. Kaya nga isa sila sa mga naging proud sa akin ng matanggap ko ang diploma ko. Because they know I worked hard for it. And I deserved it.
Iniwan man ako ng dalawang taong nagbigay ng buhay sa akin, marami namang dumating para punan ng pagmamahal ang espasyo na dapat naging responsibilidad nilang punan.
But I'm still thankful, kasi kung hindi nangyari yun, I won't be who I am today. Naisip ko noon na hindi pa naman huli ang lahat. Iniwan lang ako, pero hindi tumigil ang buhay ko. I still have my life and I will make sure to enjoy it.
Kung hindi man nila nakita yung halaga ko it's not my loss. It's them.
And I think I got my biggest revenge — my success.