Chapter 28 - Malas

1119 Words
Wala pang kalahating oras ay nasa bukana na kami ng Gimre. Isa pala itong maiit na bayan at gaya nang sa Main City ay may mga tindahan din dito. May mga bahay rin at madami ring tao. "Ga'no ba kalaki ang Armenza?" Walang anu-ano ay naitanong ko. Si Migron ang sumagot, "Higit pa sa inaakala mo." "Ilang players mayro'n ang Armenza?" tanong ko ulit. "Ayon sa huling squad tournament na napanood namin, sampung milyon na," kaswal na sagot ni Jio. Hindi ko mapigilang mapapanganga sa narinig, "Ibig sabihin, gano'n na rin kayaman ang may ari ng Armenza?" "Ng GSO," pagtatama ni Xy sa sinabi ko, "Sobrang yaman! Isa pa, malaki rin sila magbigay ng premyo sa squad tournament." "Magkano?" tanong ni Bree. "Isang milyon para sa overall champion." Halos malaglag na ang panga ko sa naging sagot ni Irchy. Pambihira, gano'n kalaki! "Kaya pala malaki rin ang  benefits na makukuha natin," tumatango-tangong sabi ni Bree. Napatango na rin ako. "Pero, pa'no sila nakakakuha nang ganoon kalaking halaga? To think na buwan-buwan ang squad tournament." "Naka-live stream sa lahat ng social media ang bawat laro sa squad tournament," sagot ni Irchy, "Milyon-milyon ang nanonood, 'yong mga gamer na hindi afford ang bumili, nag-aabang sila sa mga kaganapan sa kahit anong laro sa GSO." Doon pa lang, bawing-bawi na sila. Sa load pa lang na ginagamit nila para makapanood ay may porsyento nang nakukuha ang GSO. So, kung umaabot ng milyon-milyon ang mga nanonood, baka kumita na sila ng bilyon o hindi kaya ay triple pa. "Ang talino pala nang nakaimbento ng GSO," nakangiti kong sabi. "Sobra!" sabay na sabi nina Jio at Irchy. Ayon sa mapa, hindi makakapasok ang helepad namin sa loob ng Gimre. Kaya iniwan na lang namin sa labas ng Gimre ang helepad. Sampung minuto lang at narating na namin ang pasukan sa Wild Forest. "Kailangan ko nang magtago," sabi ni Migron at naglaho na nga s'ya. Papasok na sana kami, nang may humarang sa 'min. Isang matandang babae, "Papasok ba kayo? Kailangan n'yong bumili nito para hindi kayo maligaw." Pinakita n'ya sa 'min ang bitbit n'yang maliit na pouch. "Naku, hindi na namin kailangan 'yan," magalang na tanggi ni Jio. Bumili kayo n'yan. Narinig kong sabi ni Migron sa isipan ko. "Oo nga, Ale," segunda naman ni Irchy. "Magkano po?" Sabay nila akong nilingon. "Anong—" Pinutol ni Bree ang sanang sasabihin ni Jio, "Sabi ni Rim na sinang-ayunan din ni Zen, sundin na lang ang sinasabi ni Ashrah." Oo nga pala, naririnig ni Bree si Rim. "Sabi ko nga," natatawang sabi ni Jio, "Nakalimutan kong may kasama pala s'yang Dragonier." "Magkano po?" tanong ni Irchy sa matanda. "Two hundred coins lang." Binasa ko ang status bar ng matanda. Lia Ba't walang HP level? "May pinasang coins si Yuri sa 'yo, Irchy, galing daw sa pondo ng BAS," sabi ni Bree. Binigay na ng matanda na ang pangalan ay Lia, ang maliit na pouch kay Irchy. "Ang tawag d'yan ay oplim, parang isang candy lang 'yan. Kainin n'yo lang at hanggang limang oras ang bisa ng oplim,"  paliwanag ni Lia. "Salamat po," sabay naming sabi. Nang makaalis na si Lia ay kaagad akong nagtanong, "Ba't wala s'yang HP level?" "Ang tawag sa mga katulad n'yang player ng Armenza ay Murz. Ang GSO ay may sariling charity program, kung saan nagbibigay sila ng hanap-buhay para sa mga mahihirap. Ang mga malilikom na pera ng isang Murz ay nako-convert sa totoong pera." "Wow!" "Woah!" Sabay kaming napamangha ni Bree. "Kung gano'n may magandang benefits din pala ang paglalaro natin," nakangiting sabi ni Bree. "Nakakatulong tayo kahit papa'no," sang-ayon ko. Bubuksan na sana ni Irchy ang pouch pero may bigla na lang umagaw no'n sa kan'ya na hindi  namin nakikita. Ang pouch lang ang nakikita namin na lumulutang sa ere. "Sh*t!" bulalas ni Irchy at sinabayan naman nang malutong na mura ni Jio. "T*ng ina!" "Magpakita ka! H'wag kang duwag!" sigaw ni Irchy. Unti-unting lumitaw ang katawan nang umagaw sa pouch. Kaagad kong  binasa ang status bar n'ya. Enz HP level 80 Anak ng kangaroo! "Siraulo kang g*go ka! Ang taas na ng HP level mo! Maglaro ka nang patas!" Hindi ko na napigilang magalit. "Ay, natakot naman ako," nang-iinis n'yang sabi. Kaagad na s'yang tumakbo papasok sa loob ng Wild Forest, kaya sinundan namin s'ya. "Kapag nahuli kitang hayop ka! Ipapakain ko pati 'yang pouch sa 'yo!" nanggigigil na sabi ni Irchy. "Habulin n'yo muna ako." "Karabaw kang hayop ka, kapag naabutan kita, ipapasungay kita sa toro!" sigaw naman ni Jio. Nagsalita si Migron sa isipan ko. Enz sword user HP level 80 Squad tournament - 50 wins - 60 losses Daily task - 208 wins - 60 losses Facts : Hindi patas makipaglaban. Pero hindi naman ginagamit ang utak, kaya natatalo. Bago pa man ako makaisip ng paraan, nagulat na lang kami nang ihagis n'ya sa ere ang pouch at mas dobleng gulat namin nang may sumalo no'n na hindi namin nakikita. "T*ng ina n'yo talaga!" nanggagalaiting sigaw ni Irchy. "Bye!" Bigla na lang nawala si Enz at hindi na namin alam kung sa'n na pumunta ang sumalo sa pouch. Wala kaming nagawa kung hindi ang magpapadyak sa galit. Hindi naman namin p'wedeng gamitin ang mga weapon namin. Umupo ako sa lupa habang habol pa rin ang hininga, "Ilang oras na ang nabawas, Bree?" Dahil si Bree ang naka-assigned sa daily task na ito, s'ya lang ang nakakakita sa orasan na nasa kalangitan. Tumingala si Bree bago ako sinagot, "Fort-six minutes." "Pahinga muna tayo," sabi ni Jio saka umupo na rin sa damuhan. Umupo na rin sina Irchy at Bree. "Gamitin mo ang isang flying skill mo, Bree. Maghihiwa-hiwalay tayo sa paghahanal, pero hindi gan'on kalayo, 'yong nakikita pa rin natin ang isa't isa. Mahirap na, may hinayupak pa naman na nasa paligid lang." Hindi pa rin maalis-alis ang pagkainis ni Irchy sa Enz na 'yon, "Kapag 'yon talaga nakita ko, tatanggalan ko s'ya ng esophagus." Tatawa na sana ako, pero... Natulala ako sa nakikita ko sa harapan ko. Napalunok-laway pa ako at parang hindi ko kayang magbigkas kahit isang salita. "Ayos ka lang, Ashrah?" nagtatakang tanong ni Jio, "Para kang nakakita ng ahas, ah." Tumango ako, "Hi-Higanteng a-ahas." Kaagad na napatakbo sa direksyon ko sina Jio. "Hayop! Ang malas talaga!" sigaw ni Irchy. "Sisiguraduhin ko talagang mawawalan ng saysay ang buhay ng magnanakaw na 'yon," galit na sabi ni Jio. Sabay pa kaming nagulat at mas lalo pang napaatras nang lumabas ang dila ng higanteng ahas. Napasigaw na kami nang gumalaw 'yon papunta sa 'min. Ang bilis na nang pagtibok ng puso ko. Kapag talaga nakita ko ang Enz na 'yon, papanain ko talaga pati atay n'ya!  Ang malas talaga! Ano nang gagawin namin? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD