Chapter 27 - Wild Forest of Gimre

1086 Words
Armenza Dictionary *Right Pronunciation* Gimre (Jim-re) Alycoon (A-li-kun) ------ "Oh? Wala pang sampung minuto, nakabalik ka na kaagad?" nagtatakang tanong ni Yuri. "Ahm... ti-tinawag si Saishu ng mga ka-squad n'ya," pagsisinungaling ko. Alangan namang sabihin kong ninakawan ako ng halik. Aist! "Ba't namumula ka?" sabi ni Sharee na titig na titig sa mukha ko. "Ma-Mainit sa la-labas. Ba-Baka sen-sensitive lang 'yong ba-balat ko ri-rito." Pakiramdam ko, mauubusan ako ng hangin, kaya ipinaypay ko ang kamay ko sa mukha ko, "Ang init!" Ang init talaga! Lalo na kapag naaalala ko ang pagdampi ng mga labi ni Saishu sa 'kin, para akong tubig na sinilihan. Biglang nag-iinit ang malamig. Anak ng kangaroo! "Te-Teka, nasaan si Migron?" Napaatras ang lahat, dahil sa pagkagulat nang biglang lumitaw si Migron sa tabi ko, "Kanina pa ako nakasunod sa 'yo." "Ka-Kanina pa?" "Sa oras na makapasok ka sa Armenza ay kaagad na akong nasa tabi mo," dagdag na sabi ni Migron. "I-Ibig sabihin..." "Oo nakita ko ang—" Bago n'ya pa masabi ang nakakahiyang pangyayaring 'yon ay kaagad ko na s'yang nahila at buong mukha n'ya ang natakpan ng mga kamay ko. "Anong nakita mo, Migron?" Halos sabay na sabi nilang lahat. "Si-Sige, sa-sabihin mo at isang linggo kang hindi kakain!" Pagbabanta ko sa kan'ya. Binitiwan ko naman s'ya nang tumango s'ya. "Alam ko naman kung ano ang dapat na sikreto lang at kung ano ang dapat na isiwalat," sabi n'ya na nakatingin lang sa 'kin, "Pero, nakita kong ang pangit pala ng babae ni Saishu." Muntik ko na s'yang masunggaban ulit. Mabuti na lang at iba ang huling mga sinabi n'ya. "Ahh, kaya pala nakasimamgot ka, dahil may ibang babae si Saishu." Panunukso ni Yuri. "Hi-Hindi, ah!" Pagdi-deny ko. "Tapos ba ba kayong mag-usap? Magsisimula na kami ni Bree," sabi ni Rim sa tonong naiirita. Suplado. Tumahimik na lang ako at tiningnan si Bree na nakaharap na sa malaking monitor. May napansin akong bagong miyembro. Ah, baka si Kimberly. Binasa ko ang pangalan na nasa status bar n'ya. Krix HP level 0 Natuon na ulit ang pansin ko kay Bree nang makita kong pinindot n'ya na ang 'Today's Daily Task'. Binasa ko ang sumunod na mga salita. In the Wild Forest of Gimre, there's a flower that's glowing, it is called Alycoon. Get at least 3 petals. Ang dali naman! Nagkakamali ka. Napalingon ako kay Migron nang magsalita s'ya sa isip ko. Nakatingin lang s'ya sa monitor at tiningnan ko na lang din 'yon, naghihintay sa iba pang explanations. Once updated/scheduled, there's no turning back. It's either you face the challenge or your whole squad will lose the daily task. Press 'continue' for more details about the daily task. Pipindutin na sana ni Bree ang 'continue', pero nagsalita ako kaagad, "Sandali." Nasa 'kin na ang buong atensyon nila, "Nakagawa na ba kayo nang ganitong daily task?" Sabay-sabay silang umiling. "Upgraded 'ata lahat, baka pati squad tournament, gano'n din." Tutok na tutok si Zen sa monitor, "Pero, parang lahat 'ata, mahihirap na." Nakita ko ang pagbaba ng kamay ni Bree. Nagdadalawang isip s'ya. "Nandito naman kami, Bree," kaagad kong sabi, "Tutulungan ka namin." "Ha?" nagtataka n'yang tanong. "Pindutin mo na ang 'continue', para malaman natin." Utos ni Zen. Napakagat-labi pa si Bree, bago pinindot ang 'continue'. Ang Wild Forest of Gimre ay nasa gitnang-silangan ng Armenza. Limang oras kung lalakarin, isang oras kung liliparin, at kalahating oras kung may sasakyan kayong panghimpapawid. Kung panlupang sasakyan naman ay isang oras din ang lalakbayin. Sa task na ito ay bibigyan kayo ng sampung oras para maisagawa ang hinihingi. Ang Wild Forest of Gimre ay isang kagubatan na may iba't ibang uri ng mga bulaklak. Isa na ro'n ang Alycoon—isang common item na nabibilang sa flower dust, na ginagamit sa pag-upgrade ng weapon or skill. Makikilala ang Alycoon, dahil kumikislap ito. May pinakitang picture ng isang bulaklak. Kagaya lang din s'ya nang pangkaraniwang bulaklak kung laki ang pag-uusapan. Pero ngayon lang ako nakakita nang ganito kagandang bulaklak! Polka dots, na may kulay ng puti at ang kulay naman ng mga bilog ay pink. Ito pa ang mas nakamamangha, hugis diamond ang mga petal! "Ang ganda!" sabay na sabi nina Bree at Xy. Nagpatuloy ako sa pagbabasa. Ang Wild Forest of Gimre ay isa sa mga kinakatakutang kagubatan sa loob ng Armenza. Nililigaw nito ang sinumang papasok. Tandaan! Tatlong petals o higit pa ang dapat na kunin. Kapag may kinuha kang hindi naman nakasaad sa daily task, automatic na talo ka sa daily task. *Mga maaaring mapanalunan* Individual - plus 5 HP level - 1,000 coins (convertible) - common items (2x silver dust and 2x plastic dust) - rare item (1x ruby stone) Squad - plus 2 HP level - house upgrade to level 5 May tatlong bilog na kulay itim ang lumitaw. Pumili ng isa Nagsalita si Bree, "Tamang-tama, 'yan ang mga items na kailangan ko para mag-level one na ang espada ko. Kaya, tutuloy ako." Sword user pala s'ya. Sa sinabi n'yang 'yon, naalala kong hindi ko pa pala na-upgrade si Armiya. Pumili na nga si Bree. At lumabas ang skill na magagamit n'ya nang pindutin n'ya ang nasa gitnang bilog. Flying skill x5 with 10 minutes each Kaagad na nagsalita si Rim, "Tamang-tama ang skill, p'wede mula sa taas ka maghahanap, dahil kumikislap naman ang Alycoon, madali mo 'yong makikita." Nagpatuloy kami sa pagbabasa. (Sa daily task lang na ito magagamit ang skill na napili mo.) Kapag natalo : Individual - minus 10 HP level - 3 days penalty Squad - minus 20 HP level NOTE! - Tanging ang mga naka-assigned na heroes lang ang dapat na makakuha o gumawa sa daily task. - Ibig sabihinn, p'wedeng tumulong ang iba, pero hindi ang pagkuha sa nasabing task. Isa pang paalala! Maaaring may ibang squad ang nasa Wild Forest of Gimre na gumagawa rin ng daily task nila, o hindi naman ay naghahanap ng mga item na kailangan nila sa pag-upgrade ng mga skill o weapon nila. At dahil kagubatan, asahan nang maraming ligaw at mababangis na hayop kayong makakasalubong.  "Kailangang mag-ingat, baka mapalaban," saad ni Zen. "Dahil mahabang oras ang ibinigay at may helepad na tayo, p'wedeng sumama ang tatlo sa 'tin kay Bree," suhestyon ni Yuri. "Sasama ako," sabi ni Jio. "Ako rin." Itinaas pa ni Irchy ang kamay. "Me, too." Kaagad nila akong tiningnan na nginitian ko lang. May lumabas na mga salita sa ere. Press 'start' if you're ready. "Let's do this!" Pinindot na ni Bree ang 'start'. Yes. Let's do this! Another adventure Ashrah. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD