Chapter 1 - Loser

2669 Words
Sa ilalim ng madilim na kalangitan, na tanging mga bituin at sinag ng buwan lang ang nagiging liwanag, nakaupo ako sa damuhan at tinatanaw ang lawak niyon. Gan'yan kalawak ang buhay ko at gan'yan din kadilim. Pero, ang pinagkaiba lang, walang liwanag na makikita sa 'kin. Sabi nila, kapag mayaman ka, you have everything, a man that could ever wish for. Kapag matalino ka, kaibigan mo ang lahat. Kapag lagi kang nangunguna, hahangaan ka ng lahat. Pero, kabaliktaran ang nangyayari sa 'kin. I am always rejected. Inaamin ko, kapag may mga activity sa school, lagi akong kulelat. Kaya ayaw nilang maging kagrupo ako. Laging natatalo ang team, dahil sa 'kin. Matalino lang daw ako, pero mahina naman. Weakling. That's me. Kapag outdoor activities na, nagiging duwag ako. Okay naman ako sa loob ng classroom. Ako ang laging nasa top. Pero, kapag nasa labas na, isa akong walang kwentang estudyante. Kung isa man itong cancer, siguro nasa stage four na ako at may taning na ang buhay. Sana nga magkasakit na lang ako at bigla na lang mamatay. Unti-unti na akong kinakain ng kalungkutan at pag-iisa. Nagsimula ang lahat noong pre-schooler pa lang ako, I was just four years old that time. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan kahit pa ilang taon na ang lumipas. Nagkaroon kami ng outdoor activity. May nakita akong bola sa playground at nilaro ko iyon kasama ng isa kong kaklase. Nasipa n'ya ang bola nang medyo may kalakasan kaya napunta iyon sa gitna ng kalsada. Tinakbo n'ya iyon at pinulot. Humarap s'ya sa 'kin at nakangiting pinakita ang bola. Pero... Bumuntonghininga ako at tumingala pa sa kalangitan saka pumikit nang mariin. May isang lasing na driver ang nakasagasa sa kaklase ko at kitang-kita ko mismo kung paano tumilapon ang bata n'yang katawan. Naputol ang kamay at binti n'ya. Nakaharap pa mismo sa 'kin ang mga mata n'yang may dugong umaagos. Sinisisi ako ng iba na kasalanan ko ang aksidenteng nangyari. Sinisisi ko rin ang sarili ko. Dahil, kung hindi ko nakita ang bolang iyon, walang... walang... Napabuga ako nang marahas na para bang may maitutulong iyon para mawala ang bigat na pinapasan-pasan ko simula nang araw na iyon. Kaya, mas pinili ko na lang na lumayo sa lahat. Natatakot akong baka mangyari ulit. Nang nag-elementary na ako, sinubukan kong makisama, pero natutuod lang ako sa kinatatayuan ko at nagsisimula nang mag-panic. Kaya kapag may outdoor activity, hindi ako masyadong gumagalaw. Lumalayo ako sa kanila. Doon nagsimulang bansagan nila ako ng loser at ma-bully araw-araw. Sawang-sawa na akong matawag na ganoon at kung ano-anong mga nakakapangliit sa sariling mga salita. Nang tumuntong ako ng high school, mas lalo akong naging aloof. Walang kaibigan. Nakalimutan na ng pamilya ko ang tungkol sa traumang nangyari sa 'kin. Akala nila, ayos na ako. Dahil sabi ng doktor ko, p'wede na akong hindi uminom ng pangpakalma. Pero hindi nila alam, nagpa-panic pa rin ako kapag nabu-bully ako at sa t'wing may outdoor activity. So, kumunsulta ako ng ibang doktor at itinago sa kanila iyon. Ayaw kong malaman nila at kaawaan ako. Baka mas lalo lang akong mabaon sa nakaraang pinipilit kong makaahon. Wala na rin akong pakialam kung nakalimutan na nila iyon. Lugmok na ako sa pagiging talunan. Wala na akong pag-asang makaahon sa dagat ng pag-iisa. Tanggap ko na ang kapalaran ko. "Xielo, anak, tara na." Nilingon ko si Daddy at tipid na nginitian. Kaka-graduate ko lang kahapon as senior high student. I decided to continue college sa Manila. Iiwanan ko ang haciendang naging saksi rin sa mga pinagdaanan kong pag-iisa. "P'wede ka pang magbago ng isip, anak," pangungumbinsi pa rin ni Daddy. They want me to study abroad—Los Angeles, California. Si Kuya Xander ay roon nagtapos sa kursong Medicine. He's taking his doctoral studies now. Si Ate Xiarra naman doon din nagtapos sa kursong Architecture at isang taon na lang, ganap na siyang Architect. Ang bunso naming kapatid, si Xyro ay nasa grade ten pa lang at doon din nag-aaral. Mukha na nga silang foreigner. "Dad, I want to study here, saka na kapag nagsawa na ako sa Pilipinas," sagot ko sa kaniya. Pero, ang totoo, naduduwag lang ako. Hindi ko nga kinaya rito, ano na lang kung mga foreigner student ang makakasalamuha ko. Aalis ako rito sa hacienda para takasan ang mga masasamang alaala. Magsisimula ng bagong buhay sa lugar kung saan walang nakakakilala sa 'kin. Kakalimutang isa akong loser at mahinang nilalang. Binilhan ako nila Mommy ng condo, dahil ayaw nilang mag-dorm ako. I think it's good that way. Makakalabas ako kahit anong oras ko gusto. "Just call us often," sabi naman ni Mommy na kakalabas lang sa loob ng bahay namin. Pinagmasdan ko sa huling pagkakataon ang kabuuan ng hacienda. Wala naman akong masasayang alaala rito, so I think hindi ko ito gaanong mami-miss. Pinili kong gabi ang alis ko. Ayaw kong may makakita sa 'kin. Baka mas lalo nilang isiping talunan talaga ako. "Umuwi ka t'wing may break kayo, okay?" bilin pa ni Mommy. Nasa loob na kami ng kotse at three hours na byahe lang, makakarating na kami sa airport. Bayan ng Sta. Lucia is located at the south part of La Union. Hindi na rin matatawag na malayo sa kabihasnan, dahil sa pagdaan ng maraming taon, nakikisabay rin ang bayan namin sa pag-unlad ng Pilipinas. 2050 is a year of new generation. Nakikisabay na ang Pilipinas sa pagiging high-tech ng Japan. Marami ka nang makikitang AI robot sa paligid. It was implemented by the president of the Philippines. Pero, kung wala kang pera, hindi mo maa-afford. Kahit pa sabihing, maunlad na ang Pilipinas, marami pa ring naghihirap. Katulad ko, hirap pa rin akong takasan ang pagiging duwag ko at sa alaalang hindi ako nilulubayan. Iniabot sa akin ni Mommy ang isang susi at napabuntonghininga ako nang malaman kung para saan ang susi na 'to. "Mom, I don't need a car." Akma kong ibabalik sa kan'ya ang susi pero pinigilan ako ni Daddy. "Kung hindi mo 'yan tatanggapin, ipapadala ka namin sa LA, whether you like it or not." "You're already eighteen at may driver's license na rin ang national id mo. Isa pa, marunong ka nang mag-drive. It's our graduation gift to you, Iha," sabi ni Mommy na pinalungkot pa ang boses. Mabait silang magulang. Pero bakit hindi nila napapansin ang tunay na pinagdadaanan ko? Kahit pa hindi ko sinasabi, dapat alam mismo nila iyon. Bakit hindi nila makita na I was bullied ever since that accident happened? Dahil ba wala akong palya sa pagiging top? Dahil ba matalino ako? Dahil ba achiever ako? Hindi lahat nang nasa top, ay hindi nakakaranas ng pagkatalo. I am a living proof, that even you got everything, you still have this weakness that made you a loser. My past is still haunting me, telling me that I will never feel happiness and will never be able to move on and continue life. I am a loser. I am a coward. I am a mess. "Enjoy your college life, Iha," bilin ulit ni Mommy bago ako tuluyang pumasok sa loob ng airport, hila-hila ang maleta at bitbit ang gitara ko. Napangisi ako. I want to enjoy life as much as I want to enjoy the things I have. But life doesn't want me to, and feel the abundance I have. Umupo na ako sa nakalaang upuan sa 'kin sa loob ng airplane. In-open ang cell phone ko at nilagay ang earphone sa tenga ko. Listening to Avril Lavigne's songs. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at naalimpungatan sa ingay ng katabi ko. Inayos ko ang pagkakalagay ng reading glass sa mga mata ko. Nag-try akong gumamit ng contact lense, pero buong araw akong lumuluha. Kaya, hindi ko na sinubukan ulit. Baka iyon pa ang dahilan nang tuluyang pagkasira ng mga mata ko. "Guys, nakabili na kayo no'n!" sabi ng katabi kong lalake sa katabi niya rin. "Oo naman! Pinabagong GSO. Upgraded, tol!" sagot naman ng katabi nito, "Armenza : World of Heroes at cefyus ang headgear no'n!" GSO Parang narinig ko na iyan. Isa yatang online game na ginagamitan ng headgear. Hindi ako sigurado, pero isa raw virtual world ang mayroon sa likod ng headgear na iyon. Ilan sa mga kaklase ko may ganoon, pero hindi ko alam kung GSO ba ang tawag doon. Isa pa, masyadong mahal. Hindi basta-bastang laro, dahil kailangan ng malaking halaga para makabili nang ganoon. Such a waste of money. I'm not into online games. Mas prefer kong magbasa. Narinig kong nag-announce ang isa sa mga flight attendant na malapit nang mag-landing ang eroplano. This is it. Hindi ko alam, pero napangiti ako nang wala sa oras. Ngayon lang ako na-excite nang ganito. Siguro, dahil wala na ang mga mapanlait kong mga kaklase. Pero, nagulat na lang ako nang sa pagbaba ko ay nakasabay ko ang isa sa mga numero unong bully ng buhay ko. Ang pinsan ng kaklase kong naaksidente. S'ya rin ang nagpakalat na kasalanan ko ang pagkamatay ng pinsan n'ya. "Look who's here?" Shaine said while giving me her signature devilish smile. Anak ng kangaroo! Hanggang dito ba naman? Nakaukit na ba sa tadhana ko ang pagiging talunan? O sadyang hinahabol lang ako ng tadhana para ipamukha sa 'kin na hindi ko matatakasan kung ano talaga ako—loser forever. Na hinding-hindi ko rin matatakasan ang kahapong naging sanhi ng mga paghihirap ko. I ignored her and walk my way out of her sight. "Wow! The confidence!" Sinundan n'ya ako at hindi ako tinantanan, like what she always doing, "Akala ko ba sa abroad mag-aaral ang pinakamayamang anak sa Bayan ng Sta. Lucia na isa namang loser at walang kwentang nilalang?" Katulad ng Pilipinas, umunlad din ang babaeng 'to. Umunlad ang ugaling namana n'ya yata kay satanas. "I'm talking to you, loser!" Hindi pa s'ya nakuntento at hinarangan ang dinadaanan ko, "Ah, tinatakasan mo ang kasalanang ginawa mo? Sana ikaw na lang 'yong namatay, kasi wala ka namang silbi!" Ano bang problema ng buhay sa akin? Ano ba ang dapat kong gawin para lang makatakas sa nakaraang ayaw ko nang balikan? Harapin mo Xielo. Sabihin mong hindi mo kasalanan. Ito na naman ang inner self ko. Tiningnan ko nang walang kabuhay-buhay si Shaine at napataas naman ang kilay n'ya. Pero, kung anong cheer up ang ginagawa ng inner self ko, ganoon din kaduwag ang binibigay ng outer self ko. Hindi ko maibuka ang bibig ko. Napako ako sa kinatatayuan ko. Nagsimula nang manlamig ang mga kamay ko at bumibilis na ang t***k ng puso ko. Parang may nakabara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. Hinahabol ko na rin ang hininga ko. Nanginginig na ang mga kamay ko. "Loser as ever, walang kwenta!" she said and then left me speechless, "Makaalis na nga!" Marahas akong napabuga ng hangin na kanina ko pa gustong ilabas. Habol ko pa rin ang hininga ko at kinuha sa loob ng bag pack ang pangpakalmang gamot. Mapakla akong napangiti. Hanggang ngayon, hindi alam ng pamilya ko na umiinom pa rin ako nito. Sinubukan kong hindi uminom nito nang minsang palibutan ako ng grupo ni Shaine. I fainted and was rushed to the clinic. Akala ko, titigilan na nila ako dahil sa nangyari, pero mas lalo lang lumala. Ganito lagi ang nangyayari. I can't even talk back and defend myself. An illness without cure. An illness I'll live for the rest of my life. Sabi ng doktor na kinunsulta ko, she wants to make some test and diagnose me again. Pero, I refused. Malalaman nina Mommy kapag nagkataon. So, I don't have a choice but continue to take this bluish capsule. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang kumalma na ako at pumara ng taxi. Kanina lang ang saya ko na. Away from Bayan ng Sta. Lucia gives me a new life. Pero, hinabol pa rin ako ng katotohanang duwag talaga ako at ang alaalang ayaw akong tantanan. Sana, hindi na magtagpo ang landas namin ni Shaine. Malaki naman ang Manila, so fifty percent gave me the hope na sa ibang school mag-aaral si Shaine. May gusto na akong papasukang University—Axfhell University. Magte-take ako ng entrance examination bukas. Gusto nina Daddy sila na ang gagawa ng paraan para makapasok ako at hindi ko na kailangan mag-exam. Pero, I disagreed. I want to be independent. Their financial support is enough, but I need to live my life my own way. Napatingala ako sa kalangitan, hindi tulad sa hacienda, nakikita pa nang maayos ang mga bituin. Dito sa syudad, marami ng nagliliparang sasakyan sa himpapawid. Kaya hindi traffic dito sa baba. Maunlad na nga ang Pilipinas. May mga tren din na lumilipad. May mga single motor na napapalibutan ng salamin. May mga kotse rin na walang gulong, kung hindi pakpak na katulad sa eroplano, mga elise naman na katulad ng sa helicopter. Kahit na nakakita na ako ng mga ganito, nakakamangha pa rin. Sa pagkakaalam ko, mga private service ito ng mga mayayamang tao. Hindi naman ito maa-afford ng mga walang kaya sa buhay. Dumaan sa isip ko ang sasakyang bigay nina Daddy. Ano kayang klaseng sasakyan 'yon? Nasa parking lot na siguro 'yon ng building kung nasaan ang condo unit ko. Ilang minuto lang at nakarating na ako. Nagbayad at saka bumaba. "Good evening, Ma'am," bati ng security guard at tiningnan ang dala kong maleta, "Pangalan po, Ma'am?" "Xielo Raine Arzamella," sagot ko at kinuha sa bag pack ang national id ko at iniabot sa kan'ya 'yon. Nagsimula s'yang mag-type sa isang tablet na nakadikit sa dingding ng sliding door at ni-swipe ang id ko sa id swiping. Confirmed Nagsasalitang dingding. Kung nabuhay lang ako sa makalumang panahon, kanina pa siguro ako napatakbo sa gulat. The benefits and advantages of living in a generation where in life is in its better state and easy to live, is what I can say I'm still lucky enough, though I'm not in other way. "27th-floor po, Ma'am, unit 1107," sabi ng guard at binalik sa 'kin ang id ko. "Thank you po," tugon ko, "Punta lang ako ng parking lot. Gusto kong tingnan ang kotse ko." "Just take the elevator, Ma'am," sagot n'ya at tinuro ang elevator na nasa right corner ng lobby. Ngumiti ako at saka tinungo ang elevator. Nang makapasok na ako, hindi ko makita ang mga button. Pambihira naman. Akala ko ba high-tech na ang Bayan ng Sta. Lucia? Bakit walang ganitong elevator doon? "Paano ba kasi 'to," I said out of frustration. /We can't detect that floor Ma'am / Nagulat ako sa biglang pagsasalita nang hindi ko nakikita. Anak ng kangaroo! Naka-voice assistance! Napahinga ako nang malalim at saka nagsalita nang hindi sigurado, "Parking lot?" /Right away Ma'am/ Ilang minuto lang at bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas na ako at saka nilibot ang tingin. Ang daming magagarang kotse. May kotseng mililiit ang gulong at mayroon ding malalaki. May mga limousine pa. Ang yayaman naman ng nakatira rito. May mga big bike at mayroon din akong nakitang mga kotse na katulad sa mga nakita ko kanina. Kinuha ko ang susi na binigay ni Mommy saka pinindot ang power on button. Napalingon ako sa kotseng tumunog sa kanan ko, kaya kaagad ko iyong pinuntahan. And I was surprised. It's a blue sports car! Sh*t! Bigtime! Lumapit pa ako lalo at bigla iyong bumukas at muntik na akong mapatalon. Tagasaang parte ba ako ng daigdig at nagugulat ako sa mga ganitong bagay. Puro touch screen ang mga gamit namin sa hacienda. Pero, wala kaming gamit na nagsasalita at bigla na lang bumubukas. Sana ma-enjoy ko ang buhay ko rito pati na rin ang kung anong mayroon ako ngayon. Dahil kung hindi, wala ring kwenta. Pero, bakit hindi ako nati-trigger kahit alam kong maaari kaming maging magka-schoolmate ni Shaine? Dati, ayaw kong pumasok, dahil alam kong magiging pangit lang din ang araw ko. Pero, bakit ngayon iba na ang iniisip ko? Pakiramdam ko, mae-enjoy ko ang college life ko, kahit nand'yan pa si Shaine. So weird of me. I let out those thoughts and just walk my way to my unit. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD