Chapter 2 - Axfhell University

2573 Words
Naalimpungatan ako sa maingay na bagay at sa biglaang pagbukas ng window blindfolds. Napabalikwas ako ng bangon at tiningnan nang masama ang alarm clock. "Ahh!" I shouted in annoyance, "Pambihira! Orasan lang ang in-alarm ko, bakit pati bintana automatic na bumukas!" Hindi pa rin tumitigil sa pag-ingay ang alarm kaya tiningnan ko ulit ng masama ang alarm clock na nasa bedside table ko, "Itatapon kita!" Siraulong Xielo! Binagsak ko ang sarili sa kama at napatulala sa kisame. Napangiti ako sa kawalan. Bakit ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon? Dahil ba sa kaisipang malayo ako sa lahat? Mas lalong lumawak ang ngiti ko at kaagad na bumangon. Plano ko pa lang mag-grocery ngayon. Mamaya pang alas dos ang entrance examination, kaya may oras pa para gumala. Gagamitin ko ang kotse para mabilis akong makabalik dito at magko-commute na lang papuntang university. Ayaw kong dalhin ang kotse roon, ayaw kong maging usap-usapan. Kahit pa sabihing may mas mga magagarang kotse pa kaysa sa kotse ko, ayaw ko pa rin. Wala talaga akong guts sa kahit maliliit na mga bagay. Simple lang naman ang condo ko. May dalawang kwarto at may sariling cr. Pagkapasok mo pa lang sa pinakapintuan ng condo ko, sasalubong na ang salang may apat na single couch. Sa left corner ay may isang common comfort room. Sa tabi nito ang open kitchen. May isang maliit na hallway sa gilid ng kitchen patungo sa guest room. Sa right corner naman ay may isa ring maliit na hallway papunta sa kwarto ko. Black and white ang theme ng condo ko, with a small touch of dark blue. I want it that way. Ganoon din ang kwarto ko, pero with a touch of sakura pink instead of dark blue. Binuksan ko ang sliding door papunta sa terrace na nasa harap lang ng queen size bed ko. Nilanghap ko ang sariwang hangin. Mabuti na lang at naka-locate ang building sa isang mataas na bahagi, at hinding-hindi ako magsasawang langhapin ang hangin dito. Kita rin mula rito ang lawak ng karagatan. Nakakamangha lang, dahil kahit nasa syudad ako, mararanasan ko pa rin pala ang nakakagaang pakiramdam sa tuwing pagmamasdan ko lang ang likas na yaman—the wide blue ocean and the wide blue sky. I can imagine already the sun's kissing the ocean in the afternoon. The color orange of its rays meeting the color blue of the ocean is giving me excitement and can't wait to witness it. Ganito ang lagi kong ginagawa sa aming hacienda. Pumupunta ako sa dulong bahagi niyon na kita ang lawak ng dagat ng La Union, dahil malapit lamang sa aming hacienda ang Aureo Beach Resort. Doon lang ako nagpapalipas ng buong araw, na ang akala nina Mommy ay gumagala lang ako kasama ang mga kaibigan ko. Which is not, dahil wala naman akong kaibigan. Mas gugustuhin ko pang mag-isang pinagmamasdan ang kalikasan at namnamin ang malamig na hangin kaysa ang makipag-usap sa iba. Matapos lunurin ang sarili ko sa magandang tanawin, nagdesisyon na akong maligo. Sa labas na lang ako magbe-breakfast. Nagsuot ako ng camouflage jagger pants, white lose t-shirt at sneakers. Matapos i-blow dry ang buhok ko, nagsuot ako ng kalo. Mukha lang akong tomboy, pero lalake pa rin naman ang gusto ko. Don't take me wrong. Puro anime characters ang mga crush ko. Nilagay ko sa maliit na bagpack ang cellphone, wallet at national id ko saka isinuot ang bagay na hindi dapat mawala sa akin, ang salamin ko sa mata. Marami akong spare eyeglass. Nakagawian ko nang magdala lagi nito, dahil laging nababasag ang suot kong eyeglass sa tuwing may mga nangbu-bully sa akin. Pero, dahil malayo ako sa mga bully, I think I don't need to bring some spare eyeglass. Bitbit ang bag at susi ng kotse, lumabas na ako ng condo unit ko at nag-auto lock kaagad ito. Face recognition naman ang mag-o-auto unlock nito. Nang makaupo na ako sa driver's seat ay kaagad na may nagsalita. /Where to, Ma'am Xielo?/ Kung hindi ko lang naisuot kaagad ang seat belt ay kanina pa ako napatalon palabas ng kotse. "P'wde bang huwag kang nanggugulat!" /There's no such place, Ma'am Xielo./ Anak ng kangaroo! Magiging peaceful ba buhay ko rito? *—*—*—*—*—*—*—*—*—* Tulak-tulak ang shopping cart na puno ng groceries, nagpalinga-linga ako sa paligid, baka sakaling may makita akong kailangan pang bilhin. My eyes were busy roaming around when suddenly, my cart bumped into another cart. I was caught off guard, so my belly hit the handle of the cart and my eyeglass fell on the floor, creating a shattering sound that made my eyes widen. "Sh*t!" I cussed out loud, lalo na at hindi ako nagdala ng spare eyeglass ko. Nagsisi tuloy ako! "Sh*t!" Sa nanlalabong mga mata, tiningnan ko ang lalakeng may hawak ng cart na nakabangga ko. Hindi ko man siya naaaninag nang maigi, I know he's arrogant. Lumalakas na ang t***k ng puso ko. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko. Sh*t! Wala akong dalang gamot, dahil akala ko, magiging maayos ang araw na ito. "Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo!" Narinig kong sabi ng aroganteng lalake at naramdaman kong paalis na siya. Hindi ko na siya pinansin at umupo para kapain kung saan tumilapon ang salamin ko. "Ah, Sir?" Narinig kong may babaeng nagsalita at sa tingin ko ang lalakeng arogante ang kausap niya, "Mawalang galang na, Sir, pero ikaw 'yong hindi nakatingin sa dinadaanan, busy kayo sa kakapindot sa cellphone n'yo." Gusto kong matawa, dahil wala akong narinig na sagot galing sa aroganteng lalake, ngunit mas nangingibabaw pa rin ang pagkabalisa ko. Paano ako makakauwi nito? Pero, nakakapagtaka lang, dahil kalimitan, nagpa-panick na ako kaagad at hindi na makahinga. Pero, ngayon, mild lang itong nangyayari sa akin. Nagsalita ulit ang babae, "Kaya, responsibilidad ni'yong tulungan s'ya. Nabasag 'yong salamin n'ya sa mata, oh." Hindi ko na pinansin kung anong sasabihin ng aroganteng lalake, dahil kinakalma ko pa ang sarili ko. "Okay, fine!" Nagulat na lang ako nang may humawak sa braso ko, kaya napatayo kaagad ako. Arogante talaga! "Halika na sa counter, Ma'am," sabi ng babae at siya na ang tumulak sa cart na may laman ng groceries ko. "Thank you," pagpapasalamat ko sa babae. "Sa akin, 'di ka magpapasalamat?" He said sarcastically. I don't know where did I get the guts to talked back, but it just came straightly from my mouth, "Kailangan kong ipagpasalamat na nabasag ang salamin ko?" Hindi ko man maaninag nang maigi ang ekspresyon niya, pero alam kong salubong na ang kilay niya at masama akong tinitingnan. Binigay ko na lang ang atm ko nang nasa counter na kami. Nakaalalay pa rin ang aroganteng lalake sa akin. Dinaanan namin ang bag ko sa baggage area bago naglakad papalabas ng supermarket. Tulak-tulak niya ang cart habang nakahawak pa rin sa braso ko. "Sa'n ang bahay mo?" I can still feel the annoyance in his voice. Parang napipilitan lang siya. "Misccorro Building," maiksi kong sagot. "Naka-condo ka?" Ngayon naman, I can feel disbelief in his voice. Mukha ba akong hindi maka-afford ng condo? "Mukha ba akong pulubi?" Gusto ko na yata magpa-party, dahil nagagawa ko nang sumagot. But, I can still feel the fast beating of my heart and my hands are still sweating and cold. "Sige, tatawag na lang ako ng taxi." Still arrogant as ever. "I'm with my car." "Okay," he said and sounds like holding his temper. Ilang segundo ang lumipas nang may kausap na siya sa cellphone niya, "Manong, puntahan mo ako rito sa Dallaz Supermarket. May spare key ka naman ng kotse ko, kaya pakikuha na lang dito, nagkaroon lang ng problema. Magta-taxi na lang ako pauwi." Pinikit ko ang mga mata ko at dahan-dahan iyong minulat, baka sakaling mawala ang panlalabo ng mga ito. Pero, bigo pa rin ako. Nasalo ko yata lahat ng sakit. Isang buntonghinga ang pinakawalan ko. I faced the arrogant man when he cleared his throat, "Sa-Saan naka-park ang kotse mo?" Parang nag-iba yata ang mood ng isang 'to? Kinuha ko ang susi ng kotse sa bag ko at kaagad na pinindot ang power button. Kahit na malayo ay narinig ko pa rin ang tunog ng kotse ko. Kaagad niya naman akong inalalayan papunta sa kotse ko and as expected kusa itong bumukas. "Nice car." Napataas ang kilay ko sa narinig. Kanina lang arogante ang isang 'to. Iba siguro ang hangin sa labas ng supermarket. Walang sabi-sabi niyang kinuha ang susi sa kamay ko at binuksan ang compartment para ilagay ang mga groceries ko. Arogante na, wala pang modo! Kung hindi ko lang talaga kailangan ng tulong! Kaagad siyang bumalik sa pwesto ko at inalalayan akong pumasok sa passenger's seat. Tahimik lang kami buong byahe. Akala ko magiging maayos ang paghihiwalay ng landas namin. Not until he let those words that made me realize I'm really a loser. "Sana hindi na tayo magkita pa. Ang malas ng araw ko, dahil sa 'yo." Kung hindi pa ako nilapitan ni Kuyang guard, hindi pa ako babalik sa katinuan. Hinatid ako ng guard hanggang sa unit ko. Napasandal kaagad ako sa pinto at natutulala sa kawalan. Ang labo nga ng mga mata ko. Pero, sinliwanag naman ng sikat ng araw sa tanghaling tapat ang mga alaala sa nakaraan ko. Sa araw-araw na panlalait sa akin ng mga kaklase ko, nasanay na ako. Pero, bakit ganito pa rin ang epekto ng mga sinabi ng aroganteng lalakeng iyon? Malas. Tumulo ang isang butil ng luha sa aking mga mata. Malayang lumandas sa aking pisngi. Buti pa ang luha ko, malaya. Ako? Kailan ako magiging malaya sa sakit na dulot ng kahapon? Kailan ako magiging malaya sa mga alaalang hanggang ngayon ay kinukulong ako sa dilim? Kailan? Gustuhin ko mang magmukmok sa kwarto ko buong araw, pero hindi p'wede. Kailangan kong mag-take ng entrance examination. Nagdala na ako ng spare eyeglass at hinding-hindi na ako magiging kumpyansa, dahil pinanganak na yata akong kakambal ang salitang malas. So, as what I've planned, magko-commute lang ako. Hindi rin naman ganoon kalayo ang Axfhell University, kaya wala pang twenty minutes ay nasa harap na ako ng isang magarang gate. Axfhell University (International School) Parang ayaw kong pumasok. Hindi ko alam kung bakit. Excited naman ako, kahapon pa. Pero, bakit parang naduduwag na naman ako? Marami akong nakitang nakapila sa may gate. Bago pa tuluyang maghari ang kaduwagan ko, naglakad na ako papunta sa gate at nakipila na rin. Ni-swipe ko ang id ko sa log in swiping device at pinapasok na ako nang magkulay berde iyon. Tumambad sa akin ang mga nagtataasang building, sobrang lawak na quadrangle, mga roofed-path way, mga taong nakaupo sa mga kiosk—hindi ko pa matukoy kung mga estudyante ba o mga propesor, dahil naka-colorum pa ang lahat. Pero, isa lang ang masasabi ko. Panibagong yugto ng buhay ko. Kinuha ko sa loob ng bag na dala ang recommendation letter galing sa dati kong school. Nakalagay rito na I'm qualified to take the entrance examination. Naglakad na ako papunta sa pinakagitnang building, dahil kahit malayo ako, nababasa ko ang nakaukit na mga salita sa pinakataas niyon. Administration Building I take the roofed-path way leading to  the center building. Ang ganda ng ambiance ng University na ito. May mga potted flower sa magkabilang gilid ng path way. I can smell the scents of flowers in the air and it's giving a relaxing feeling. It's calming. Sana maging maayos ang pag-aaral ko rito. Walang bullies. Walang mapanghusgang mga tao. Walang— "Hanggang dito ba naman?" Napalingon ako sa lalakeng nagsalita mula sa likuran ko. Kumunot ang noo ko, dahil hindi ko naman siya kilala. Kaya napabalik ang tingin ko sa harapan, baka iba ang kausap niya. Pero, twenty meters away yata ang taong nasa unahan ko. Nilingon ko ulit ang lalake at kahit malabo ang mga mata ko, alam kong hindi ko siya kilala at hindi ko pa siya nakita. Pero, bakit pamilyar ang boses niya? "Nakalimutan mo na bang naghasik ka ng kamalasan mo kanina?" Anak ng kangaroo! Ang aroganteng lalake! Pero, bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? I'm not panicking, I'm sure of it. "Tss, malas." Dahil siguro naiinis ako sa kaniya? Nakatingin lang ako sa likod niyang papalayo. Malas Sinisi talaga sa akin ang pagiging tanga niya? Arogante talaga! "Punta ka sa third floor ng building na 'to, hanapin mo ang examination room and mag-log in ka lang using your id sa nakadikit na swiping machine sa tabi ng pinto," sabi ng staff na nakausap ko, "Sa tabi ng swiping portion, may dalawang mahabang bar, sa unang bar may lalabas na test paper sa exit portion at pagkatapos mong mag-exam, isa-submit mo sa pangalawang bar, kung saan may submission portion na nakalagay. Lalabas kaagad ang resulta sa exit portion. Balik ka rito para sa schedules mo sakaling makapasa ka." "Salamat po." Kaagad ko nang inakyat ang third floor at hinanap ang examination room. May swiping machine nga ang nakadikit sa tabi ng pinto at sa tabi naman ng swiping machine ay may dalawang bars. Nag-log in na kaagad ako at may lumabas na papel sa unang bar, binasa ko muna. Xielo Raine Arzamella First row Seat 17 May kailangan pang i-fill out, kaya pumasok na ako sa loob at tumambad sa akin ang ingay galing sa mga taong nasa loob. Bigla silang nanahimik nang mapansin nila ako. Anak ng chicken! Pakiramdam ko maiihi ako nang wala sa oras. I gritted my teeth to release the uneasiness I'm feeling. Bago pa ako mag-break down ay kaagad ko nang hinanap ang naka-assigned na upuan sa akin. Napahinga ako nang maluwag nang makaupo na ako. Bumalik naman sa pag-iingay ang iba. I held my hands together to refrain it from trembling. Natataranta talaga ako kapag nakatuon lahat ng atensyon sa akin. "Anong problema mo?" Napataas ang tingin ko sa nagsalita. Foot spa! Ilang beses pa ba kaming magkikita ng lalakeng 'to ngayong araw? "Ba't nanginginig 'yang mga kamay mo?" Iniwas ko ang tingin sa kaniya at mas lalong diniinan ang mga kamay kong pinagsaklob. I can sensed he's still looking at me. Sa nanginginig na mga kamay, kinuha ko ang gamot ko sa loob ng bag na dala at walang paliguy-ligoy iyong nilunok. After one minute, the fast beating of my heart suddenly came back to normal. The shaking of my hands stopped slowly. Ganiyan kabilis umepekto ang gamot ko and I'm thankful for that. Kusang umangat ang mga mata ko sa aroganteng lalake at sumalubong sa akin ang mga mata niyang bangko. I don't know how to interpret it, pero parang sa sobrang dami nang emosyon sa mga mata niya, hindi ko na mapangalanan ang mga iyon. Isang taong ang sumulpot galing sa likuran niya at bumalik na naman ang bilis ng t***k ng puso ko. Si Shaine. Pero mas dumoble ang kabog ng dibdib ko sa mga binitawan niyang salita, "Ba't ka nakikipag-usap sa babaeng naging dahilan nang pagkamatay ng kapatid mo?" Ano raw? Kapatid? Mabuti na lang at biglang umandar ang LED screen sa harap, dahilan kung bakit umalis na si Shaine at umupo sa naka-assigned na upuan sa kaniya. Mulinh bumalik sa normal ang t***k ng puso ko, pero ang kaisipang kapatid ng lalakeng arogante ang kaklase kong nasagasaan, parang ayaw ko na lang magpatuloy sa examination na ito. P'wede pa akong umatras. Umalis sa kwartong ito. At maghanap na lang ng ibang University. Ang liit talaga ng mundo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD