Chapter 3 - Blue Ace Squad

2555 Words
Congratulations! You passed the entrance examination! With a score of 98/100... Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o gugulpihin ang sarili.  Ano man ang dahilan kung bakit pinagpatuloy ko ang examination ay hindi ko alam. May kung anong tumulak sa akin na rito mag-aral. Anong mayroon sa 'yo Axfhell University? Na kahit alam kong magiging impyerno na naman ang buhay ko rito, bakit pinagpatuloy ko pa rin?  May biglang humalbot sa result paper na hawak ko.  It was Shaine.  "Wow! Almost perfect!" sabi n'ya saka nilamukos ang papel, "Pero, loser naman!"  Aalis na sana ako, pero kaagad s'yang humarang sa dinadaanan ko. Hindi s'ya nag-iisa. Ang bilis naman n'yang nakasungkit ng magiging mga alipores n'ya.  Lalagpasan ko na sana s'ya, pero marahas n'yang hinablot ang braso ko kaya napaharap ako sa kan'ya.  "Kailan ka pa natutong tumalikod?" sabi n'yang nang-uuyam, "Dapat nanginginig ka na sa takot, 'di ba?"  At sabay-sabay silang tumawa na akala mo wala nang bukas. Ang mga boses nila, palakas nang palakas sa pandinig ko.  Sh*t!  Not again!  Nagsisimula nang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Lihim kong naikuyom ang mga kamao kong nagsisimula na ring manlamig. Unti-unting bumabagal ang kanilang pagtawa pati na rin ang bawat pagkilos nila. Mga tawa na lang nila ang naririnig ko at parang walang ibang tao akong nakikita sa paligid kung hindi sila lang. Nanunuyo na ang lalamunan ko at nararamdaman ko na rin ang unti-unting pamumuo ng mga pawis sa noo ko. Naninikip na rin ang dibdib ko at nagsisimula na ring manginig ang mga tuhod ko.  At ang mga alaalang akala ko hindi na babalik, kusang dumaan sa isipan ko.  "Kaninong bola, 'yan Xielo?"  Hindi ko makakalimutan ang mukha n'ya.  "Tara! Laruin natin!"  Ang mga mata n'yang nawawala kapag ngumingiti s'ya.  "Hala? Nasipa ko nang malakas."  Ang liksi ng bawat paggalaw n'ya na para bang hindi s'ya napapagod.  "D'yan ka lang, kukunin ko lang ang bola."  At ang katawan n'yang tumilapon.  Napaupo na ako sa sahig at tinakpan ang magkabila kong tenga gamit ang aking mga kamay.  Tama na!  Tama na!  Tama na!  Isang announcement galing sa speaker na sakop yata ang buong University ang nagpabalik sa 'kin sa huwisyo.  "Calling the attention of Ms. Xielo Raine Arzamella, please proceed to the Dean's Office right now. Again, calling the attention..."  "Hoy, loser," sigaw ni Shaine, "Bida-bida ka na naman!"  At iniwan nila akong nanginginig pa rin. Saka ko lang napansin, ako na lang pala ang natitira sa floor na 'to.  Kaagad kong kinuha ang gamot ko at lumonok ng isang capsule. Nakakadalawa na ako ngayon.  Tumayo na ako nang makalma na ang sistema ko. Inayos ko ang salamin ko sa mata at ang ilang hibla ng buhok kong dumikit sa pisngi ko.  Napasandig ako sa dingding at napahawak sa dibdib ko. Unti-unting tumulo ang mga luha ko.  Isang mabigat na paghinga ang pinakawalan ko.  Isang panyo ang sumulpot sa harapan ko. Napaismid ako nang makita kung sino ang may hawak niyon.  "Stay away from me." Kaagad akong naglakad papalayo sa kan'ya.  "Suplada!" Halatang inis na inis s'ya, "Daming arte, 'kaw na nga 'tong tinutulungan."  Hinarap ko s'ya at tiningnan nang masama, "Tulong? Tutulungan mo 'yong naging dahilan kung bakit namatay ang kapatid mo?"  Tinalikuran ko na s'ya nang wala s'yang masagot.  Pero, tumatak sa isipan ko ang mga mata n'yang kulay brown. Sari-saring emosyon ang nakikita ko at higit sa lahat...  Napahawak ako sa handle bar ng hagdanan at pumikit ako nang mariin.  Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga matang 'yon.  Nakaharap sa 'kin habang umaagos ang dugo mula sa mga mata ng kaklase ko.  Napabuga ako nang malalim na hininga.  Bakit parehas sila ng mata?  Kulang na lang sabunutan ko ang sarili ko.  Syempre, magkapatid sila.  Isang hingang malalim pa ang pinakawalan ko bago nagpatuloy sa paglalakad papuntang Administration Building, baka nando'n ang Dean's Office.  Pumasok ulit ako sa Registrar Office na pinasukan ko kanina para ibigay ang recommendation letter.  "Hindi ko aakalain na almost perfect score mo," bungad sa 'kin ng staff.  "Pero, paano n'yo po nalaman?" nagtataka kong tanong, "Ahm, na-nabasa ko po 'yong result paper."  "Ang lahat ng result ay kaagad na didiretso sa office ng dean," paliwanag n'ya, "Punta ka na lang kaagad doon, just take the elevator on the left from here, automatic na ihahatid ka no'n sa Dean's Office, naghihintay na sa 'yo si Ma'am Elriza."  Nagtataka pa rin ako nang lumabas at tunguhin ang elevator.  Bakit ako pinapatawag?  Kaagad na akong pumasok sa elevator. Parang 'yong kotse ko lang, kusang bumubukas. Isang mid forties ang nakita ko nang bumukas ang elevator. Naka-bun ang buhok n'ya. Strict yet gorgeous look. Nakaharap s'ya sa 'kin. She's really expecting me.  "Have a seat, Ms. Arzamella."  Umupo naman ako kaagad nang makalapit ako.  "First of all, I congratulate you for being the one who got the highest score."  Hindi ako makatingin sa kan'ya nang diretso. Nakaka-intimate ang mga titig n'ya.  "Sa-Salamat po." Nakatingin lang ako sa mga papel na nasa taas ng office table n'ya.  "Ayaw ko nang magpaliguy-ligoy pa," sabi n'ya pa at napaangat na ang mga tingin ko sa kan'ya, "I want to offer you something confidential."  Dapat kabahan ako, pero bakit iba ang hatid sa 'kin ng mga sinabi n'ya?  May kinuha s'yang itim na envelope sa ilalim ng lamesa at inabot 'yon sa 'kin. Naguguluhan man, tinanggap ko ang envelope. May isang logo sa pinakagitna nito. May initials na...  BAS "It's a contract."  At tuluyan ko na s'yang tinapunan nang nagtatakang tingin.  Kontrata?  "We want you to be part of BAS," dagdag n'ya pa na mas lalong nagpakunot sa noo ko.  Naiilang akong napangiti sa kan'ya, "Ahm, 'di ko po kayo ma-gets."  "BAS is a secret organization. It helps charities and other clubs under Axfhell University in financial matters."  Secret organization?  "Of course legal ang BAS," agap n'yang sabi, "Secret organization s'ya, kasi hindi p'wedeng malaman ng iba ang mga player ng BAS." Player? Hindi na ako nakatiis kaya nagsalita na ako, "P'wede po bang paki-clear out sa 'kin? Wala po akong maintindihan."  "Ang BAS ay binubuo ng mga GSO player—Game Squad Online. Gaya nang sinabi ko, sinusuportahan ng BAS ang mga charity at club na under sa Axfhell University." "Teka lang po," awat ko sa kan'ya, "Player ng isang online game?"  Isang tango lang ang isinagot n'ya sa 'kin.  "Sorry, pero I'm not interested po," walang paliguy-ligoy kong sagot.  "As what I've expected." Hinarap n'ya sa 'kin ang laptop n'yang nakabukas.  Kitang-kita ko sa screen ang walang kalaban-labang ako sa grupo nina Shaine kanina.  "Ayaw mo bang tumapang?" tanong n'ya, "Ayaw mo bang matuto kung pa'no lumaban?"  Kaya ba mas pinili ko pa ring magpatuloy sa examination kanina dahil may offer na naghihintay sa 'kin?  "Pero, bakit ako?" wala sa sariling naitanong ko, "As you can see, I'm a loser."  "But you're intelligent enough," kaagad n'yang sagot, "No, more than enough."  Napako na ang tingin ko sa kan'ya. Ngayon lang may pumuri sa katalinuhan ko.  "Kumuha ka ng tatlong majors at limang minors. Monday, Wednesday, Friday—majors. Tuesday, Thursday—minors. Ang klase mo between six in the morning  to one in the afternoon. Alas dos hanggang alas syete naman sa headquarter ng BAS," mahaba n'yang paliwanag.  "What benefits will it give me?"  "Well, aside sa mga incentive na p'wede mong makuha sa loob ng game, may shares ka rin kapag nanalo ang squad sa tournament," sagot n'ya at bahagyang lumapit sa mesa at itinukod ang mga braso roon, "And of course, the bravery you're wishing for."  Bravery.  Nakatingin ako sa envelope na hawak-hawak. Binuksan ko 'yon at kinuha ang papel.  Armenza : World of Heroes  Hero?  "Nakasulat sa first and second pages ang mga rule and how to play the Armenza : World of Heroes," sabi n'ya ulit, hindi ko pa natatanong ang pangalan n'ya or kung ano ang dapat na itawag sa kan'ya, "Ang last page naman, the contract."  Binuklat ko ang pinakahuling pahina.  Blue Ace Squad Terms and Agreement  That's why it's BAS—Blue Ace Squad.  "Five years?" Binalik ko ang tingin sa kan'ya at napataas pa ang kilay ko, "Gano'n katagal?"  "Of course, we're giving VIP benefits. Nasa third and fourth page ang mga benefit ng isang BAS member."  Tatanggapin ko ba 'to?  Ito ba ang dahilan kung bakit nandito pa rin ako?  "Duwag ka ngang talaga kung hindi mo tatanggapin."  Kinuha ko ang ballpen sa mesa n'ya at binuklat ang huling pahina saka pinirmahan, without even reading all of it.  Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi n'ya, "Well, welcome to BAS. Just call me El. Walang dean at walang ma'am, just El." Kinuha n'ya ang last page kung saan ako pumirma at binalik sa 'kin ang ibang papel, "Basahin mong mabuti, lalo na ang rules and how to play."  Bago ako umalis sa office n'ya, kinuha n'ya ang phone number at address ko.  Pinasok ko ulit ang mga papel sa envelope at nilagay sa bag ko. Masyado pa naman akong malas at baka ano pa ang mangyari sa mga 'yon.  "Expect my call tomorrow," sabi n'ya—ni El bago ko tuluyang lisanin ang office n'ya at pumunta ulit sa Registrar Office.  "Call me Em," bulong na sabi ng staff, "Isa ako sa moderators ng BAS."  El.  Em.  Baka may En pa mamaya. Pambihira!  Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ko.  "Anong course ba ang kukunin mo?"  "Medicine po," maiksi kong sagot. Sigurado akong matutuwa si Kuya Xander kapag nalaman n'yang sumunod ako sa yapak n'ya.  "Three majors and five minors." Hindi na ako nagtaka kung pa'no n'ya nalaman.  Busy na s'ya sa pagta-type sa computer n'ya. S'ya siguro ang naka-assigned sa pag-aayos ng mga schedule ng BAS members.  Dahil naiinip na ako, nagtanong na lang ako sa kan'ya," Ahm, Em? Ilang member na ba mayro'n ang BAS?"  Nakatuon pa rin ang atensyon n'ya sa computer pero sinagot n'ya naman ako, "Pangsampu ka. Hopefully, may ma-recruite pa kami this week."  Kaya pala by schedule ang examination at hindi nila nilahat.  "Basahin mo na lang muna ang mga nakasulat sa papel, medyo matagal pa 'to," she suggested, "Para kapag may tanong ka, masasagot ko."  Tumango-tango ako at kaagad na kinuha ang envelope sa loob ng bag ko.                                          ༄༄༄༄༄༄༄༄༄༄ ARMENZA : WORLD OF HEROES (GAME SQUAD ONLINE 7TH VIRTUAL WORLD)                 ༄༄༄༄༄༄༄༄༄༄ "Ahm, bakit 7th world?" Unang sentences pa lang may tanong na ako kaagad. Buti na lang sinunod ko ang sinabi n'yang basahin na lang muna.  "Ang GSO ay binubuo ng pitong virtual worlds—Estima : World of Fairies, Serenya : World of Ninjas, Jishia : World of Godesses, Zurilla : World of Bullets, Xusha : World of Blades, Krippa : World of Magic at ang Armenza : World of Heroes," mahaba n'yang paliwanag.  Nagpatuloy ako sa pagbabasa.              ༄༄༄༄༄༄༄༄༄༄ *A player should log in the headgear using his/her national id.*              ༄༄༄༄༄༄༄༄༄༄ "Kailangan ko bang bumili ng headgear?"  Sinabi ko ba dati na waste of money lang ang mga larong katulad nito?  "Kinuha ba ni El ang number mo?" Isang tanong din ang sinagot n'ya sa 'kin.  "Oo."  "Tatawagan ka n'ya bukas para sa headgear mo," sagot n'ya.  Kaya pala may 'expect my call tomorrow' pa s'yang nalalaman. Hindi na lang sinabi kung anong mayro'n. Ang mga matatanda talaga.                ༄༄༄༄༄༄༄༄༄༄ *Status bar* - It indicates the HP level of a player together with his/her HN(Hero's Name)  - It appears above the head of a player and is visible to all players.  *Player should create his/her own avatar or hero as well as his/her HN.* *After creating his/her avatar, he/she needs to choose what weapon to use permanently.* Weapons that are available : - Gun - Sword - Bow and arrow - Kunai - Spear and shield  (still upgrading for new weapons)  *Menu* (A swipe up in the air and the menu will automatically pop up)  *What's inside the menu?* a. GPS  - It's a map, where in a player will  know the location of his/her teammates/squad.  b. Weapon - Upgrading - Items that are complete for upgrading will also be found in here.  c. Inventory  - A player can find all the items he/she received from a squad tournament, daily task and solo tournament.  d. Headboard  - All top heroes and top squads will appear in here.  e. Shop  - A player can buy items and skills in here.  f. Skills - Permanent skills are in here.  (examples of skills : regenerate, recall, healing, invincibility, etc.)  - Upgrading of skills can be found also in here.  CATEGORIES  *DAILY TASK* - Each member of a squad will be assign to designated dates.  - If the assigned player can do the task within the time given, he/she will receive skills (not permanent, his/her HP level will increase as well as their squad HP level.  - If the assigned player loses his/her life during the task, he/she will be banned for three days. (Will not be able to log in). - If the assigned player can't make it on time, his/her HP level will decrease as well as their squad HP level.  *SOLO TOURNAMENT* - This tournament is for player who wants to challenge other players.  - The winner will receive items, coins but can't be converted to real money and plus HP level.  - A player that loses his/her life will be banned for three days.  - Sparring or physical combats with or without weapon.  *SQUAD TOURNAMENT*  - Ten member per squad.  - Each member should be at least in HP level twenty.  - Each member should obtain only three skilss. ( Skills are can be use three times.)  - A winning squad will receive coins that can be converted to real money, buy items/skills in the shop, or upgrade their skills.  - Each member will also receive permanent skill.  - A player who loses his/her life will be banned for one week.                 ༄༄༄༄༄༄༄༄༄༄ "Ahm, bakit hindi nakasulat rito kung anong gagawin sa squad tournament?" tanong ko kay Em na busy pa rin sa computer n'ya.  "Ipapakita sa 'yo ni El bukas."                ༄༄༄༄༄༄༄༄༄༄ BANEFITS OF A BAS MEMBER - Yearly vacation out of the country for two months.  - Monthly salary. ( Depends on your performance inside the Armenza)  - Monthly supplies. (Foods and personal things)  - Private room inside the university.                ༄༄༄༄༄༄༄༄༄༄ Gano'n kadaming benefits?  Binasa ko na kaagad ang pinakahuling sentence.               ༄༄༄༄༄༄༄༄༄༄ ONE RULE  YOU SHOULD ABIDE - YOU SHOULD NOT TELL ANYONE THAT YOU'RE A BAS MEMBER OR BAS IS EXISTING.              ༄༄༄༄༄༄༄༄༄༄ Bakit?  "Oh, ayan tapos na," sabi ni Em habang pini-print out ang schedule ko.  "May tanong ka pa ba?"  Kailangan ko bang itanong sa kan'ya?  Bago pa man ako makapagsalita, may pumasok sa office ni Em at napairap ako nang makita kung sino 'yon.  Pambihira talaga.  "Here's your schedule Ms. Arzamella."  Aabutin ko na sana, pero naunahan ako ng lalakeng arogante.  What's his problem!  Tiningnan n'ya ang schedule ko at halatang binabasa n'ya ang lahat ng 'yon.  Nang-iinis na naman ba s'ya?  Binigay n'ya sa 'kin ang schedule ko at inirapan ko lang s'ya. Nakakailang hakbang pa lang ako kaya naririnig ko ang pag-uusap nila ni Em.  "Ma'am, paayos ako ng schedule ko."  "Iho, graduating ka na." Halata sa boses ni Em na natatawa s'ya.  "Kahit 'yong sa lunch lang."  Nakalabas na ako, kaya hindi ko na marinig ang pinag-uusapan nila. Ano naman ang mga mangyayari sa 'kin sa mga susunod na araw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD