Chapter 23 - Angelo

1083 Words
Nagising ako, dahil sa maliit na sinag ng araw, na nakalusot sa mga makakapal na kurtina sa bintana ng kwarto ko. Naalala ko, nag-collapsed pala ako kahapon habang papasok kami ni Honey sa condo ko. Napabalikwas ako ng bangon nang maalalang kasama ko pala si Honey. Kaagad kong nilibot ang mga mata sa kabuuan ng kwarto ko, pero hindi ko makita si Honey. Baka umuwi na. Bumuntonghininga ako. Nakakahiya ang nangyari sa 'kin kahapon. Mabuti na lang talaga, nakita ako ni Honey. Hindi ko alam kung nakita ba ni Zeshue ang nangyari sa 'kin. Hindi ko naman s'ya masisisi kung iniwan n'ya lang ako bigla. Hindi ko rin alam, kung ba't ang lalim ng galit ng tita ni Zeshue sa 'kin, gayong sabi ni Zeshue hindi galit ang daddy n'ya sa 'kin. Sadyang may mga tao talaga na kapag nilamon na nang matinding galit, mahirap nang ialis sa kanila 'yon. Dahil una, bulag na sila sa katotohanan, at pangalawa, paninindigan nila ang galit nila, dahil pride naman nila ang masasaktan. Hihiga sana ako ulit nang may marinig akong ingay sa labas ng kwarto ko. Hindi ako sigurado kung anong klaseng ingay, kaya bumaba ako sa kama ko at lumapit sa pintuan. Dahan-dahan kong idinikit ang tainga ko sa pinto at nakinig. Kumunot ang noo ko nang wala akong marinig na kahit ano. Hindi ako p'wedeng magkamali at lalong hindi ako bingi. May narinig talaga akong ingay kanina. Gano'n na lang ang gulat ko nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Kaagad akong napaatras at itinaas ang dalawa kong kamay na handa nang makipagsuntukan, kung sakaling pumasok man ang magnanakaw. Teka... May magnanakaw bang kumakatok? "Xielo? Gising ka na ba?" Boses ni Honey. Napahinga ako nang maluwag at ibinaba ang dalawang kamay. Para akong tanga sa naging reaksyon ko. Lumapit ulit ako sa pinto at binuksan 'yon. "Nanggugulat ka naman, Xielo!" bulalas ni Honey at napahawak pa sa dibdib n'ya. Sapakin ko kaya ang babaeng 'to? Hindi n'ya ba alam, kamuntikan na akong mahimatay, dahil sa biglaan n'yang pagkatok? "Ahm, akala ko umuwi ka na." "Alangan namang iwan kitang walang malay?" Lumapit s'ya sa 'kin at hinila ako papalabas ng kwarto ko, "Nagluto ako ng sopas. Nakialam ako sa kusina mo." Nalalanghap ko na nga ang amoy ng sopas, "Nag-abala ka pa." Nang nasa kusina na kami ay kaagad n'ya akong pinaupo, "Ako na maghahanda." Hindi ko alam kung anong tawag sa nararamdaman ko ngayon. Unang beses ito na may ibang taong nagpapakita ng pag-aalala nila sa 'kin. Unang beses ito na may ibang taong nag-aasikaso sa 'kin. "Naaawa ka ba sa 'kin?" Bigla na lang 'yon lumabas sa bibig ko. Nilingon n'ya ako at seryosong tiningnan, "If it's what you think, then be it. Pero hindi lang 'yon awa. Parang nakikita ko 'yong sarili ko sa 'yo." Ibig bang sabihin, parehas kami nang pinagdaanan? Pero kung titingnan naman s'ya ngayon, parang okay naman s'ya. Hindi tulad ko, palangiti s'ya. "Ten years ago, isa akong babaeng nasa sulok lang ng classroom. Walang kaibigan. Walang kausap. Walang lumalapit." Sa pagkakatanda ko, two years ahead sila sa 'kin. Siguro nasa twenty or twenty-one na s'ya. Ibig sabihin, eleven years old pa lang s'ya, naglalaro na s'ya ng GSO. "I was bullied. To the point na umuuwi akong may sugat. Tinago ko lang 'yon kina Mommy, dahil ayaw kong malaman ng mga nang-aaway sa 'kin na sumbungera ako." I am speechless. Hindi pa naman ako nasusugatan, dahil sa mga pambu-bully nina Shaine. Kaya ang malamang mas malala pa pala ang pinagdaanan ni Honey ay talagang nakakagulat. "Nagsimula 'yon no'ng nasa grade five ako. Nagkaroon kami ng field trip outside the city. Puro mga lalake kaibigan ko dati, pero alam kong straight ako. Mas gusto ko lang kasama ang mga lalake, kaysa sa mga classmate kong babae na sa murang edad namin ay puro na mga lalake ang pinag-uusapan. Sa katunayan, lalake ang best friend ko, si Angelo. Sa location ng field trip namin, may waterfalls. Alam ni Angelo na hindi ako marunong lumangoy, kaya nang magyaya ang buong klase na maligo, ay hindi s'ya nakisali. Sinamahan n'ya akong manood lang sa mga kaklase namin na naliligo na. Nasa taas kami ng waterfalls ng mga oras na 'yon. Pero..." Nagulat ako sa biglaang pag-iyak ni Honey. Akma akong tatayo, para sana daluhan s'ya, pero kaagad n'yang tinaas ang kamay at nagsimula ulit magsalita. "Umalis saglit si Angelo at nilapitan ako ng kaklase kong si Abby. May gusto pala s'ya kay Angelo at galit na galit s'ya sa 'kin. Tatalikuran ko na sana s'ya, dahil ayaw ko ng away. Pero... hinila n'ya ako at sinimulang sabunutan. Nanlaban ako. Dumating si Angelo na may bitbit na pagkain, pero kaagad din n'yang nabitawan, dahil inawat n'ya si Abby at pilit na nilalayo sa 'kin. Nagpupumiglas si Abby at... at... natulak n'ya si Angelo. Dire-diretso ang pagbagsak ni Angelo sa ilalim ng waterfalls. Hindi ako masyadong Nag-aalala, dahil alam ko namang marunong s'yang lumangoy. Pero nagkamali ako." Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ni Honey. Wala akong magawa kung hindi ang makinig lang sa mg hikbi n'ya. "Na-comatose si Angelo. Napuruhan ang likod n'ya, apektado ang spinal cord n'ya at ang ulo n'ya." Nanindig ang mga balahibo ko sa narinig. Pero, mas nakakagulat ang mga sumunod n'yang sinabi. "Ten years na rin s'yang hindi pa nagigising. Tanging makina na lang ang bumubuhay sa kan'ya. Nabaliw ang nanay n'ya, kaya nagdesisyon ang papa n'ya na hindi tanggalin ang makina. Baka kapag nagising s'ya, babalik sa katinuan ang mama n'ya." Napanganga ako sa narinig. "Hindi ko alam, pero sinisi ako ng mga kaklase ko at dinadala ko 'yon hanggang ngayon. Kaya ang laki ng tulong ng GSO sa 'kin. Nailalabas ko ang galit, sama ng loob, lungkot at paghihirap, sa t'wing nakikipaglaban ako. Gumagaan ang pakiramdam ko. Gusto ko nga na sa Armenza na lang manatili habang buhay. Alam mo bang, gusto ko na lang na tanggalin ang mga makina sa katawan ni Angelo. Sobrang nakakaawa ang kalagayan n'ya. Ako ang nahihirapan sa t'wing nakikita ko s'ya, halos buto't balat na lang s'ya." Hindi ko na napigilang tumayo at lapitan si Honey saka niyakap. Pati mga luha ko ay nakikiramay sa nararamdaman ni Honey at nagsituuan na rin sila sa mga mata ko. Akala ko, ako na ang may pinakanakakaawang pinagdaanan. Wala palang binatbat ang nangyari sa 'kin sa nangyari kay Honey. Kapwa kami luhaan at tangng mga paghikbi namin ang s'yang maririnig sa kabuuan ng condo ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD