Chapter 22 - Paano at Kailan

1259 Words
"Hoy, Inday!" Nagulat ako sa biglaan n'yang pagsigaw, "Kanina pa kita kinakausap." Lumapit pa s'ya lalo sa 'kin at napaatras naman ako, "Lu-Lumayo ka nga!" Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha n'ya at mataman akong tinitigan, "Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Gusto ko lang sabihin na I'm starting to like you." Anak ng kangaroo! Kahit nasa open space naman kami at malayang umiihip ang hangin, pakiramdam ko nasa loob ako ng isang kwarto na saradong-sarado, mainit at parang walang hangin. Umiwas ako ng tingin, hindi ko talaga kayang makipagtitigan sa kan'ya kapag ganito s'ya kaseryoso. "Sa ngayon, hayaan mo lang muna akong lumalapit sa 'yo at kilalanin ka pa. Pasensya na rin, kung sa tingin mo masyado akong mabilis. Eh sa crush na kita, eh." Is he confessing? "Teka, ang baduy naman ng crush," sabi n'ya at kinakamot ang ulo, "Ahh, basta 'yon na 'yon." Hindi ko pa rin alam kung ano ang dapat na sabihin, kaya nanatiling tikom ang bibig ko. "Hoy, Inday, magsalita ka naman!" Sigaw n'ya sa 'kin. "Ba't ka naninigaw!" Gulat kong sigaw rin sa kan'ya. "Alam mo bang nakakahiya 'tong ginagawa ko? Tapos wala ka man lang sasabihin?" He looked frustrated now. "A-Ano naman ang sa-sabihin ko? Wala akong a-alam sa mga ganito." Nakakahiya man, pero nasabi ko na. "Aist! Kahit isang salita lang, wala talaga?" Para na s'yang mukhang nalugi sa isang pustahan at natalo ng limang piso. "Oh sige, thank you," sagot ko, "Okay na ba 'yan?" Nagsalubong ang mga kilay n'ya at nakasimangot akong tiningnan, "Hindi ko alam na ang isang babaeng nakakuha ng 98% na result no'ng entrance examination ay ganito kat*nga." Ako naman ang nagsalubong ang mga kilay, "Sino mas t*nga ang nagsabing crush n'ya ako!" Unti-unting namula ang mga pisngi n'ya at hindi ko alam kung ba't ako napapangiti. Bago n'ya pa makita ay kaagad na akong tumalikod at handa na s'yang iwan, pero dahil s'ya si dodong hila, hindi na ako nakahakbang pa. "Seryoso nga kasi!" "Alam mo, hindi ko maintindihan kung anong gusto mong sabihin ko," nakakunot-noo kong sabi sa kan'ya. "Na pumapayag ka sa gusto ko na kilalanin ka pa at... at..." Tinaasan ko s'ya ng kilay, "At ano?" "Aist! Nakakabobo kang kausap!" Kaagad n'ya akong hinila palabas ng university, "Sa'n mo na naman ako dadalhin?" Nilingon n'ya ako at nakita ko ang pagngiti n'ya, "Samahan mo akong subukan ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa." Ano na naman kaya ang trip ng pasayan na 'to? Dahil wala rin naman akong gagawin ay hinayaan ko na lang s'yang hilain ako. Ilang minutong paglalakad lang at nakatayo na kami sa isang food stall. Kahit na maunlad na ang Pilipinas, ang Pilipinas ay Pilipinas pa rin, dahil nagkalat pa rin ang mga street food. Nilingon n'ya ako, "Hi-Hindi ko pa nasusubukan kumain ng street food." Tiningnan ko s'ya na ngayon ay nakaharap na sa mga sari-saring pagkaing nakatuhog sa stick. I don't want to sound exaggerated, pero kulang na lang talaga kumislap 'yong mga mata n'ya at maghugis-heart. One thing I like about him, hindi tulad ng ibang lalake na puro papogi points lang ang alam. Si Zeshue kasi, walang pakialam kung magmukha na s'yang katawa-tawa. Lumapit s'ya sa 'kin saka bumulong, "Ano ngang tawag do'n sa tinae ni manok?" "Isaw." "Eh, 'yong ulo?" "Ulo pa rin." Tumango-tango s'ya na para bang mahalagang impormasyon ang nalaman n'ya, "Eh, 'yong paa?" "Adidas." Mabuti na lang at laking probinsya ako, kaya kahit hindi ko pa natitikman lahat ay alam ko naman kahit papa'no. "Parang sapatos lang, 'no?" Natatawa n'yang sabi, "Eh, 'yong balat?" "Chiken skin." "Eh, 'yong liver?" "Atay." "Tinagalog mo lang, eh." Nakasimangot s'yang lumingon sa 'kin. "Ano ba? Magku-quiz bee ba tayo o bibili at kakain?" Kaagad na nga s'yang bumili at wala pang twenty minutes ay nakailang balik s'ya at bili. Samantalang hindi ko pa nauubos ang dalawang isaw na hawak. "Hoy, dahan-dahan lang!" Saway ko sa kan'ya, "Nguyain mo naman, parang nilulunok mo lang kaagad eh!" "Ang sarap pala!" sabi n'ya habang nakahawak sa tiyan n'ya. Naglalakad kami ngayon sa gilid ng daan. Hindi ko alam kung sa'n kami papunta. Kanina pa kami naglalakad. Ayos na rin 'to, para matunawan naman 'tong pasayan na kasama ko. Nang may isang kotse ang tumigil sa gilid namin. Tumigil si Zeshue kaya natigil na rin ako sa paglalakad. Nilingon ako ni Zeshue na may nag-aalalang tingin. Kinabahan ako bigla. May isang babaeng bumaba sa kotse at napansin kong may isa pang bumaba. Mas lalo akong kinabahan ng makitang si Shaine 'yon. Tiningnan ako ng babaeng kasama ni Shaine mula ulo hanggang paa. Sa tingin ko, mama s'ya ni Shaine. Nilipat n'ya ang tingin kay Zeshue, "Get in the car." "Pero, Tita—" "Gusto mong mapahiya 'yang mamamatay tao rito sa daan!" Ano raw? Mamamatay tao? Bumilis ang t***k ng puso ko at unti-unting nagdidilim ang paningin ko. Nang hindi sumunod si Zeshue sa utos ng tita n'ya, ay naramdaman ko na lang ang higpit ng hawak nito sa braso ko at marahas akong tinulak nang malakas. At dahil wala na ako sa tamang huwisyo ay kaagad akong napasalampak sa sementadong daan.  Natanggal ang salamin ko sa mata at nahulog. Naging malabo na ang paningin ko. "Tita!" Sigaw ni Zeshue. "I said get in the car!" Wala na akong ibang marinig, kung hindi ang bilis ng t***k ng puso ko at mga paulit-ulit na sinabi ng tita ni Zeshue. Mamamatay tao. Mamamatay tao. Mamamatay tao. Hindi na ako makahinga nang maayos. Nanginginig na rin ang mga kamay ko. Pinagpapawisan na ako nang malamig. Ang duwag mo Xielo! Mabuti pa si Ashrah! Habol ang hininga ay kaagad kong kinuha sa bag ko ang gamot ko. Sa sobrang pagkataranta ay nahulog pa 'yon. Sa nanginginig na mga kamay ay kinapa ko kung sa'n nahulog ang bote ng gamot ko. May isang kamay na humawak sa kamay ko at naramdaman kong lalagayan ng gamot ko 'yon. Kaya kaagad akong kumuha ng isang capsule at nilunok. Ssobrang tuyo ng lalamunan ko ay halos hindi ko 'yon malunol ng diretso. "Nabasag ang salamin mo, Xielo." "Ho-Honey?" Tinulungan n'ya akong tumayo, "May salamin ka pa ba?" "Me-Meron, sa-sa ba-bag..." Halos hindi ako makapasalita nang maayos, dahil pati bibig ko ay nanginginig na rin. Naramdaman ko na lang ang pagsuot n'ya ng salamin sa mata ko. Pumikit ako at hinahabol pa rin ang hininga ko. Hindi pa rin ako kumakalma. Isang yakap ang nagpatigil sa 'kin, "Shh... kumalma ka." Hinagod n'ya ang likod ko at ilang minuto pa ay unti-unti na akong kumakalma. Umepekti na siguro ang gamot at samahan pa ng yakap ni Honey. Nang bumalik na sa normal ang paghinga ko ay dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Honey. "Sa-Salamat... Ho-Honey... " At tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. Baka kung hindi s'ya dumating. nagmukha na akong katawa-tawa rito sa gilid ng daan. Masaya pa kami kanina, pero sa isang iglap lang, naputol ang kasiyahan nami. Para bang pinaasa lang ako na magiging tuloy-tuloy na ang mararamdaman kong saya. Pero hindi pala. Akala ko, kaya ko nang maging si Ashrah sa tunay na buhay. Akala ko, magiging okay na kami Zeshue bilang magkaibigan. Akala ko lang pala. Mamatay tao. Napapikit ako ulit, habang wala pa ring tigil sa pag-agos ang mga luha ko. Wala na naman akong nagawa para iligtas ang sarili ko. Pa'no ba maging si Ashrah? Pa'no ba maging matapang? Kailan mawawala 'tong kaduwagan ko? Paano at kailan? Dalawang simpleng tanong. Pero, hanggang ngayon, wala pa ring mga kasagutan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD