Chapter 21 - Two timer

1089 Words
"May alam ba kayo tungkol sa Tripple D Squad?" kaagad kong tanong sa kanila nang makapasok na kami sa loob ng bahay. "Ahh, bagong member pala s'ya ng Tripple D," tumatango-tangong sabi ni Yuri. "Ang leader nila ay si Paria, isang gun user. Sa pagkakatanda ko no'ng huling match namin sa solo tournament, HP level 45 na s'ya. Nauna siguro sila ng isang taon sa 'min dito sa Armenza," salaysay ni Zen. "Lamang tayo sa points kung HP level ang pag-uusapan, pero lamang pa rin sila, dahil may panalo na sila sa squad tournament," dagdad pa ni Shin. Nalingunan ko si Rim na tahimik na nakaupo sala at may katabi s'yang babae na ngayon ko lang nakita. Baka si Aileen? Binasa ko ang pangalan na nakalutang sa taas ng ulo n'ya. Bree HP level 0 Nasa harap nila si Jio na may kinakalikot sa nag-iisang big screen dito sa loob ng bahay. Tumabi sa kan'ya si Yuri kaya nakisali na rin ako. Gumagawa si Jio ng research. Biglang lumabas sa screen ang pangalang Tripple D Squad. Tripple D Squad Created since December 2048 Squad HP level 15 Leader : Paria Members : 20 Squad tournament  - 10 wins - 14 losses (24 matches) Daily Task - 502 wins - 200 losses "Pakihanap na lang no'ng deatails ni Mirya," pakiusap ko kay Jio at ilang sandali pa ay lumitaw na ang pangalan at avatar ni Mirya. Mirya Sword user HP level 5 Squad tournament  - 0 wins - 0 losses  Daily task - 1 win - 0 loss "Yan din ang sinabi ni Migron kanina sa 'kin," sabi ko sa kanila. "Kababago n'ya pa lang pala, kaya sa tingin ko, magiging patas ang laban ninyo." Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala si Zen. "Ano ba ang magiging laban sa loob ng isang tournament?" tanong ng bagong miyembro, si Bree. "Parang squad tournament lang din." Si Irchy ang sumagot na umupo sa tabi ni Bree habang bitbit si Migron, "Ilalagay kayo sa isang lugar at bibigyan ng sitwasyon. Kunwari, sa loob ng isang compound at may nasusunog na bahay. Paunahan kayong iligtas ang isang tao sa loob ng nasusunog na bahay. Kaya, p*****n talaga para makauna. Sa squad tournament naman, dahil sampu ang kasali, paramihan naman kayo ng ililigtas at dahil agawan din, may p*****n ding mangyayari." "May time limit ba?" tanong ko. "Wala at 'yon ang maganda," sagot ni Jio. "Ang magagawa mo na lang sa ngayon ay maghanda," sabi ni Zen, "Move out na ako." "Tara!" halos sabay-sabay na sabi ng lahat. "Nga pala, Ashrah." Hinarap ako ni Zen, "Congratulations." Napangiti ako. At least hindi na s'ya suplado. Nakangiting mukha ni Dok Jamaica ang nabungaran ko nang maisuot ko na ang salamin ko sa mata. Apat na ulit ang mga mata ko. "Ang galing ni Ashrah!" Abot hanggang gate 'ata ng university ang pagkakangiti ni Dok Jamaica, "Hindi nga nagkamali si El, tunay ka ngang matalino." "Hi!" Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Isang babaeng mataba na may bitbit na chips. "Ahh, s'ya pala si Kimberly," pagpapakilala ni Dok Jamaica sa kan'ya. Isa-isa kaming nagpakilala sa kan'ya. "It's nice to be part of this organization!" nakangiti n'yang sabi at sumubo ng chips. Okay... "Guys, may bad news ako para sa inyo," malumanay na sabi ni Dok Jamaica, "Hindi na maibabalik sa inyo ang mga private room ninyo rito sa loob ng university." Naalala ko, nakalagay pala 'yon sa kontrata namin. Natahimik naman sila bigla. Nasanay siguro sila sa VIP treatment ng university sa kanila. "Pero, magkakaroon naman kayo ng bagong bahay outside sa university!" Biglang nagliwanag ang mga mukha nila at nakisali na rin ako sa pangiti. "Pero!" putol ni Dok Jamaica sa kaligayahan namin. "Dok, naman eh!" Halos sabay nilang reklamo. "Kailangan n'yong manalo sa susunod na squad tournament. Ililipat lahat ng gamit dito sa bagong bahay at p'wede kayong tumira do'n hanggang kailan n'yo gusto." "Mananalo kami!" Pursigido talaga silang manalo. Ibibigay ko rin ang lahat. Para hindi mabuwag ang BAS. Para makabalik pa ako sa loob ng Armenza. Pakiramdam ko kasi, mahal ko na si Ashrah. Hipokrita ako kung sasabihin kong hindi ako naging masaya kanina, dahil kilala na ako ng lahat. Ngayon ko lang naranasan ang makilala ng lahat. Ngayon ko lang din naramdaman ang ganitong saya. Ngayon lang ako naging matapang. Kaya gagawin ko ang lahat, manatili lang buo ang BAS. Nagsiuwian na kaming lahat. "Xielo!" Napalingon ako sa likuran ko nang may tumawag sa 'kin. Si Stephen. "Uuwi ka na ba? Meryenda sana muna tayo. Libre ko." Sa totoo lang, gwapo naman si Stephen. Nahihiya nga akong makipagtitigan sa kan'ya, pakiramdam ko kasi para akong tae kung ikukumpara sa kan'ya. Bago pa ako makasagot ay may biglang umakbay sa 'kin, "Kanina pa kita hinihintay, Inday." Nakita ko ang pagsimangot ni Stephen, "Hanggang dito ba naman, may asungot pa rin?" "Hoy? Sinong asungot!" Ito na naman sila. "Eh sino pa ba ang bigla na lang nakikisawsaw sa usapan ng may usapan?" iritadong sabi ni Stephen. "Eh sino naman ang feeling close d'yan!" ganting sabi ni Zeshue. Kulang na lang talaga mapa-face palm ako. Para silang mga kiddie na nag-aaway, dahil sa isang laruan. "Look who's talking?" Hindi paaawat na sabi ni Stephen. "Hindi mo ba nakikita? Close na close kami, ohh!" Mas lalo pa akong nilapit ni Zeshue sa kan'ya. Napansin ko ang biglaang pamumula ng mga pisngi ni Stephen. Kulang na lang may lumabas ng kutsilyo sa mga mata n'ya sa talim nang pagkakatingin n'ya kay Zeshue, "Kung makaasta ka naman. Girlfriend mo ba s'ya?" Nailang tuloy ako sa naging tanong ni Stephen. Kalmado pa rin ako, dahil alam kong itatanggi naman 'yon ni Zeshue. "Nililigawan ko s'ya, bakit ba?" Parang may kampana na tumunog sa tapat mismo ng tainga ko, dahilan para mabingi ako sa sinabi ni Zeshue. Unti-unti ko s'yang nilingon, baka makita kong nakangisi s'ya at nagbibiro lang s'ya. Pero hindi. Walang bahid ng pagbibiro ang ekspresyon ng mukha n'ya. Seryoso s'yang nakatingin kay Stephen. Kaagad kong binaling ang tingn kay Stephen na ngayon ay nakatingin na rin sa 'kin. Walan sabi-sabi s'yang tumalikod at naglakad papalayo. Kaagad kong tinanggal ang kamay ni Zeshue na nakaakbay sa balikat ko, "Tinopak ka na naman ba!" "Mukha ba akong nagbibiro?" Anak ng kangaroo! Sa sobrang seryoso ng tingin n'ya sa 'kin, nakaramdam tuloy ako ng pagkailang. Naalala ko bigla si Saishu. Lihim akong napamura. Naalala ko kasi ang sinabi ni Migron. May ibang lalake kang iniisip habang ibang lalake ang kasama mo. Two timer na ba ang tawag sa 'kin? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD