Chapter 20 - Mirya

1154 Words
Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Nakatigil ang helepad sa era, habang nakatingin kaming lahat sa malaking LED screen sa pinakagitna ng Main City. Isang video nang pakikipaglaban ko sa Serfix kanina, ilang ulit na niri-replay. At may headline na, 'Isang HP level 0, na natalo ang Serfix sa unang pagkakataon'. Big deal talaga sa kanila na may isang HP level 0 ang may kakayahang makatalo ng isang nakakatakot na nilalang. "Welcome to the club!" Parang iba 'ata ang tono nang pananalita ni Saishu na ngayon ay nakangising nakatingin sa 'kin. Nagtatakang tingin na rin ang ipinukol nina Yuri sa kan'ya. Maliban kay Zen na nanonood pa rin sa video sa ibaba. Nang bigla s'yang magsalita, "Marami nang hahabol sa 'yo at hahamon." Sabay na lumaki ang mga mata namin nina Yuri. "Ha-Hahamon?" kinakabahan kong tanong. "Oo, solo tournament," direktang sagot ni Saishu na ngayon ay nakatingin na ulit sa video, "Kaya ihanda mo na ang sarili mo." "Tinatakot mo ba ako?" tanong ko ulit. Nilingon n'ya ako at mataman na tiningnan, "Hindi. Nagsasabi ako ng totoo. Baka magulat ka na lang, may biglang manghila sa 'yo at bugbugin ka." Napalunok ako ng laway. Parang ngayon pa lang, natatae na ako sa sobrang kaba. Biglang tumawa si Shin at nasundan 'yon ng tawa ng lahat. "Namumutla na si Ashrah!" kantyaw ni Shin. Sinimangutan ko lang sila. "Kaya h'wag kang lalabas ng mag-isa ka lang," sabi pa ni Saishu, "P'wede kitang samahan." "Ayon! Kaya pala!" halos sabay na sabi nilang lahat. Ano raw? "Bakit ikaw pa? Nandito naman ako na ka-squad n'ya. Focus ka na lang sa squad mo," iritadong sabi ni Rim. "Bakit ka nakikialam? Ikaw ba si Ashrah?" ganting tanong ni Saishu. "Bakit ka ba bigla na lang nakikipaglapit sa squad namin? Parang kailan, iniinsulto mo kami." "Bakit, hindi na ba p'wedeng magbago?" Palipat-lipat lang ang tingin namin kina Saishu at Rim. Bakit ang init ng ulo nila sa isa't isa? Okay naman kina Zen na makipag-ayos na kay Saishu, pero ba't parang ayaw ni Rim? "Tama na 'yan, Rim." Saway ni Zen, "Let's just be civil. Isa pa, si Ashrah magdedesisyon n'yan." "Te-Teka," nalilito kong sabi, "Anong desisyon?" "Ang talino mo kanina sa laban, Ashrah," singit ni Yuri, "Ba't bigla kang naging bobo?" "Manhid is the right term, sis," sabi naman Sharee. Mas lalo akong naguguluhan sa mga pinagsasabi nila. Hinarap ako ni Saishu, "Sasama ka ba sa 'kin?" Napataas ang kilay ko sa tanong n'ya. Hindi ko alam kung anong ibig n'yang sabihin, pero sumagot pa rin ako, "May kasunduan tayo, ka-kaya ma-malamang." Kaagad na binaling ni Saishu ang tingin kay Rim, "Ano na?" Nag-aaway ba sila? Hindi na hinintay pa ni Saishu na makasagot si Rim, dahil kaagad na s'yang tumalon sa labas ng helepad, "See you tomorrow, Ashrah!" Muntik na akong mapasigaw kung hindi ko lang nakita na lumilipad pala s'ya, "Nakakalipad s'ya?" "Flying skill, HP level 8," sabi ni Migron. "Ang galing talaga ng mga Dragonier, parang may living searh engine tuloy tayo," sabi ni Kiri at nilapitan si Migron, "Alam mo bang bilang lang ang mga hero dito sa Armenza ang may alagang Dragonier?" "Kasi mahal sila?" Paghuhula ko. "Exactly!" bulalas naman ni Xy, "Malaking tulong ang mga Dragonier lalo na kapag na-surprise attack tayo ng mga may galit sa 'tin, alam kaagad nila kung ano ang mga kahinaan ng isang hero." "Isa pang advantage nila," singit naman ni Zen, "Malaking tulong sila sa paghahanda para sa tournament. P'wede mong itanong sa kan'ya ang kahinaan ng isang hero, nang sa gayon, alam natin kung sino ang mga kaya nating talunin. At higit sa lahat, kung sino ang dapat nating ipagdasal na h'wag nating makalaban. Nga lang, hindi nila malalaman ang mga kahinaan o kahit anong impormasyon kapag hindi nila nakikita." Tiningnan ko si Migron na ngayon ay nakatingin na rin sa 'kin, "Ang swerte ko pala sa 'yo." "Maswerte rin ako sa 'yo." Nagulat ako sa sinabi n'ya. "Ang sweet naman!" natutuwang sabi ni Xy na nginitian lang ng iba. "Sa katunayan, pangsampu akong Dragonier na nagkaroon ng amo," sabi pa ni Migron at natahimik naman ang lahat, "Lahat ng mga kauri ko ay puro salbahe ang mga naging amo nila." Napangiti ako sa narinig, "Aalagaan kita, h'wag kang mag-alala." "Marami kaming mag-aalaga sa 'yo," dugtong pa ni Yuri. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Pero gano'n na lang ang gulat ko na maraming nakaabang sa labas ng bahay ng BAS. "Gracious goodness!" gulat din na sabi ni Kiri. "Pakiramdam ko, artista na tayo!" bulalas ni Irchy. "Ba-Bakit may mga re-reporter?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila. "Trabaho, syempre. Katulad natin, may incentives tayong matatanggap at sweldo na 'yon. Sumasahod din sila. Malalaman mo kung staff sila ng Armenza, kung may pakpak silang kulay ginto," mahabang paliwanag ni Sharee. Oo nga, puro ginto nga mga pakpak nila. Pagka-landing ng helepad na si Jio ang naging pilot, ay kaagad na sinalubong kami ng mga nakaabang sa labas ng bahay ng BAS. "Anong masasabi mo at sikat ka na ngayon?" "Pa'no mo naisip na sa gano'ng paraan lang pala matatalo ang Serfix?" "Handa ka na ba sa mga hahamon sa 'yo?" "Anong maibibigay mong mensahe para sa mga katulad mong bagong hero pa lang?" Sa sobrang dami nilang tanong, hindi ko na alam kung ano ang uunahing sagutin. Biglang may lumapit na isang babaeng mukhang pusa, may buntot at tainga na katulad ng sa pusa at kulay dilaw ang mga 'yon. Kalmado s'yang nagsalita at ngumiti pa, "Hinahamon kita sa isang solo tournament." Biglang tumahimik ang mga reporter sa pagbabato nila ng mga tanong sa 'kin. Kahit sina Yuri sa likod ko ay tahimik lang din. Binasa ko ang pangalan n'ya na nasa taas ng ulo n'ya. Mirya HP level 5 Parehas kaming new hero? Kaagad na nagsalita si Migron sa isipan ko. Mirya Sword user HP level 5 Squad tournament - 0 wins - 0 losses Daily task - 1 win - 0 loss Galing s'ya sa Tripple D Squad na ang ibig sabihin ay, Death Devil Darkness. Facts : - Bagong hero pa lang pa s'ya, kaya hindi pa matutukoy kung saan s'ya magaling at kung ano ang mga kahinaan n'ya. Sword user. Kung tutuusin, dehado ang isang short range user sa isang long range user. Pero 'eto s'ya at hinahamon ako. Pangalan pa lang ng squad n'ya, nakakatakot na, s'ya rin kaya? May narinig akong reporter na nagsalita, "Tatanggapin kaya ni Ashrah ang hamon?" Nakaka-pressure naman 'to! Ano bang dapat sabihin kung tatanggapin ang hamon, Migron? Fist bump, sagot kaagad ni Migron. Anak ng kangaroo! Naloka ako bigla sa fist bump. Ikinuyom ko ang palad ko saka itinaas sa harapan ni Mirya. Umingay ang paligid. Nang nagtama ang mga kamao namin ni Mirya ay mas lalong umingay. "Lunes, ikaw na bahala sa oras," sabi ni Mirya. "After lunch." "See you, then," nakangiti n'yang sabi at tinalikuran na ako. Tama bang tinanggap ko ang hamon n'ya? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD