Chapter 19 - Kasunduan

1107 Words
"Naaksidente ang kapatid ko no'ng bata pa lang kami." Nararamdaman ko ang sakit sa bawat salitang binitawan n'ya. Parang nahihirapan pa s'yang magsalita. Nagsisisi na tuloy ako, dahil 'yon pa ang pinili kong kondisyon. Wala na rin akong magagawa, dahil hindi na s'ya nagpaawat pa sa pagsasalita. "Masakitin ako, samantalang s'ya, nagagawa n'ya ang lahat ng gusto n'ya." Dumaan ang katahimikan. Para bang sinasariwa n'ya ang mga alaala ng kahapon. "Nakakatawa nga, eh. Ako 'yong panganay, pero s'ya laging nagtatanggol sa 'kin kapag may umaaway sa 'kin sa eskwelahan." Nakita ko ang pait sa ngiti n'ya. Parang papel na nilamukos ang puso ko. Ang isang top player ng Armenza ay may ganitong bigat na dinadala. "May sakit ako sa puso, kaya hindi ako p'wedeng mapagod." Nagulat ako sa narinig. Pero nanatili akong tahimik. "Nakahiligan n'ya ang paglalaro ng archery. To think, he was only five years old. I was two years older than him. Pero, mas madami na s'yang nagawa kaysa sa 'kin." Hindi ko alam kung pa'no mag-comfort ng isang taong nalulungkot, lalo na sa lalake. Wala akong ibang magagawa ngayon, kung hindi ang tumahimik at makinig. "Kaya gusto kong subukan ang archery, para kahit papa'no, matupad ko man lang ang pangarap n'ya. Pero hindi ko alam, kung ba't sa t'wing susubukan ko, naduduwag ako. Natatakot. Napag-aralan ko na lahat ang tungkol sa archery, pero hindi ko pa nasubukan sa aktwal o kahit dito man lang sa loob ng Armenza." Sinong mag-aakalang ang tinitingala ng buong Armenza ay may ganitong kahinaan. "H'wag kang mag-alala, susubukan kong sundin lahat nang ituturo mo." Sa wakas, nahanap ko na rin ang tamang sasabihin, "Tuparin natin ang pangarap ng kapatid mo." Kaagad n'ya akong tiningnan. Hindi ko mapigilang mailang sa mga titig n'ya. Gaya ng mga titig ni Zeshue. Anak ng kangaroo! Ba't biglang pumasok sa isip ko ang pasayan na 'yon! "Maraming salamat." Kaagad ko s'yang nilingon, "Wala pa nga akong nagagawa at higit sa lahat, HP level 5 pa lang ako. Saka ka na magpasalamat kung napantayan na kita." "Nagawa mo ang itinuro ko sa 'yo, kaya unang hakbang na 'yon." Hindi na ako nakipagtalo pa, "Oo na, oo na. Pero, teka. Hindi ba nahahawakan ng iba ang mga weapon natin?" Pahihiramin ko sana sa kan'ya si Armia. "Hindi," mahina n'yang sagot, "Pero, sa Archade City, p'wedeng maglaro ng kahit anong weapon do'n." "Talaga!" Na-excite ako bigla, "Nasubukan mo na ba ang bow and arrow ro'n?" Umiling lang s'ya. "Bakit naman?" "Hindi ko alam, pero hindi ko talaga kaya." Ang bigat talaga ng nararamdaman n'ya. "Pasyal tayo ro'n!" masigla kong sabi sa kan'ya, para sana mabawasan man lang ang nararamdaman n'yang lungkot. Pero, saka ko lang na-realized na parang iba 'ata ang dating nang sinabi ko, "Ang-Ang i-ibig kong sa-sabihin—" "Niyaya mo ba akong mag-date?" Nanlaki bigla ang mga mata ko, "A-Ano! Hi-Hindi 'yan ang i-ibig kong sa-sabihin!" Parang gusto ko na lang biglang maglaho sa harapan n'ya. Nakakahiya! Isang malutong na tawa ang pinakawalan n'ya. Natulala na lang ako sa kan'ya. Parang bumabagal ang pagtawa n'ya at kahit ang bawat galaw n'ya ay parang biglang nag-slow motion sa paningin ko. Biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni Zeshue. Anak ng kangaroo! Ba't kanina pa s'ya daan nang daan sa utak ko? May ibang lalake kang iniisip habang ibang lalake ang kasama mo. Muntik ko nang ihagis si Migron sa malayo, dahil sa sinabi n'ya. Manahimik ka, kung ayaw mong gawin kitang inihaw na dragon! Ano nga tawag d'yan? Two-time? Ay lechong dragon! Kung hindi lang nagsalita si Saishu ay natapon ko na talaga ang madaldal na dragon na 'to! "Sige. Wala ka bang gagawin bukas?" "Ahm, hindi ko pa alam." "P'wede bang makuha ang number mo? I mean, 'yong cellphone number mo sa labas ng Armenza." Patay. "Always remember the number one golden rule, walang dapat na makaalam na may BAS..." Umalingawngaw sa isipan ko ang sinabi ni Dok Jamaica. Isa lang ang ibig sabihin no'n, bawal din may makaalam na member kami ng BAS. Hay naku, sabihin mo na lang kaagad sa kan'ya na bawal. Kaunting pagpipigil pa, baka may isang dragon akong mapatay. "Ay oo nga pala, nakalimutan ko. Bawal sa amin na ipagsabi sa mga nasa labas ng Armenza na player kami." Para akong nabunutan ng tinik, "Sa 'min din, eh." "Ayos lang. Kita na lang tayo rito bukas." Tumango-tango na lang ako. Nang may bigla akong maalala, "Pa'no mo nga pala nakilala ang leader ng BAS?" "Sikat ang pangalan ni Raffa sa buong GSO. Pero, simula no'ng umalis s'ya at lumipat ang BAS dito sa Armenza, naging kulelat na sila," paliwanag n'ya, "Isa s'ya sa mga gusto kong matalo no'n, pero dahil nasa ibang virtual world sila, hindi ko s'ya mahahamon. Kaya nang mabalitaan kong nasa Armenza na ang BAS, natuwa ako. Pero, wala na pala s'ya." Ibig sabihin, malakas din si Raffa. Ilang oras pa kaming nag-usap ng mga bagay-bagay, bago makarating sina Yuri. Wala pang nagsasalita sa kanila, dahil palipat-lipat ang tingin nila sa 'min ni Saishu. "May nangyari bang hindi namin alam?" Basag ni Shin sa katahimikan. "A-Anong nangyari ang pi-pinagsasabi n'yo?" nagtataka kong tanong. "Tinulungan ko lang s'ya, dahil sinugod s'ya ng mga Poisoner," kalmadong sagot ni Saishu, hindi tulad no'ng una ko s'yang nakita. Ang yabang n'ya talaga no'ng araw na 'yon, "Sorry nga pala sa lahat." Hindi lang sila ang nagulat, kung hindi pati na rin ako. "Matapos mo kaming hamak-hamakin noon, bigla ka na lang magso-sorry?" May pang-uuyam sa tono ni Rim. Kung hindi pa s'ya nagsalita, hindi ko pa s'ya mapapansin. "Bawal na palang mag-sorry ngayon?" Kalmado pa rin si Saishu. Magsasalita pa sana si Rim, pero naunahan na s'ya ni Zen, "Dahil tinulungan  mo naman si Ashrah, ayos na sa 'min ang sorry mo." Napataas pa ang kilay nina Yuri habang hindi makapaniwalang nakatingin sa dalawang lalakeng suplado noon, pero nagiging kalmado ngayon. Inilahad ni Zen ang palad n'ya sa harap ni Saishu at tinanggap naman 'yon ng huli. "Ayon, oh! Baka p'wede kaming makapasyal sa mansyon n'yo, Saishu?" sabi ni Jio at kaagad naman s'yang nakatanggap ng sapak galing kay Sharee, "Joke lang, eh!" "Sure, walang problema." Sa sinabing 'yon ni Saishu ay nakita kong natuwa naman sila, "Isa pa, may usapan kami ni Ashrah na tuturuan ko pa s'ya ns ibang techniques." Isang nakakalokong ngiti at tingin naman ang itinapon nina Yuri sa 'kin. Pero masaya ako. Magkaibigan na ang Kings at BAS. "Isa na ba 'yang kasunduan, Saishu?" kantyaw pa ni Shin. Anak ng kangaroo! Kung p'wede lang biglang matunaw rito. Nakakahiya! "Well, payag ako sa kasunduan," nakangiting sagot ni Saishu. Anak talaga ng kangaroo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD