"Ano na?" Nakatutok pa rin kay Kareem ang baril na hawak ni Saishu. "May araw ka rin!" Isa-isa silang naglaho. Hanggang sa kami na lang ni Saishu ang natira. Umiwas ako ng tingin nang tinitigan n'ya ako. Pa'no s'ya nakapunta rito? Gumamit s'ya ng teleportation skill na nasa level 10 na. Saishu HP level 150 Squad tournament - 214 wins - 20 losses Daily task - 568 wins - 5 losses Facts : Masyadong magaling sa lahat. Magaling sa strategies at pagpaplano. Sa sobrang galing, nagiging mayabang, kung kaya nawawala sa focus ang mga kasamahan sa squad. Natawa ako sa huling sinabi ni Migron sa isipan ko. Nakita kong napataas ang kilay ni Saishu habang nakatingin pa rin sa 'kin. Kaagad ko namang hinanap si Migron. Napapikit na lang ako. Nagmukha pala akong tanga, dahil hindi n'y

