"Ako si Migron." "Oo nga, ikaw si Migron." "Ako si Migron." Tuluyan na akong napasimangot. Kanina n'ya pa 'yan inuulit. "Nakuha na namin ang helepad, papunta na kami d'yan." Dahil once a week lang ang teleportation skill ko, hindi na ako makapag-teleport pabalik sa bahay ng BAS. Mabuti na lang din at kaagad na nilang na-claimed ang premyo ng squad—ang helepad. "Migron," tawag ko sa alagang dragon. Kung matatawag nga ba s'yang alaga. Nilingon n'ya ako, kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita, "Ilang oras papunta rito galing sa Main City, gamit lang ang helepad?" Nabigla ako dahil nagkulay asul ang mga mata n'ya. Ilang saglit pa at sumagot s'ya, "Limang oras, anim na minuto at isang segundo." Napataas ang kilay ko, hindi dahil sa matagal pa pala silang makararating dito, kung hindi dahil

