Chapter 41 - Round One (Part1)

1329 Words
Mula sa kung saan, may umalingawngaw na boses, "Out of 10,891 squads all over the world, there are only 8,439 who are qualified to join the monthly squad tournament. And out of 8,439 squads, there are only 6,280 who joined." Gano'n kadami? "Maliit lang 'yan, kumpara sa unang virtual world na ni-launched nila kasama ang pag-ere ng GSO worldwide, ang Estima : World of Fairies," sabi ni Yuri na ngayon ay nakatutok sa big scree, "Meron silang 30,567 squads at balita ko, dumami pa ngayon." "Ibig sabihin, maaaring nasa milyon ang bilang ng mga player ng GSO?" tanong ni Jira at mababakas mo sa boses n'ya ang pagkamangha. "Baka nga bilyon, eh," sabi naman ni Jio na nakatutok na rin sa big screen. "Ahm, parang narinig ko na 'yong nagsalita," biglang sabi ni Bree. "Sino do'n?" Halos sabay pang naitanong ni Shin at Jio. Kaagad na nagsalita si Zen, "Boses 'yon ng isa sa mga head, pero tinatawag s'yang Aibi, isa sa mga utak ng GSO. S'ya ang naka-assigned dito sa Armenza." "Naglalaro ka na ba dati pa, Bree?" tanong ni Sharee. "Hindi," tipid na sagot ni Bree at sinabayan n'ya pa ng pag-iling. "Sa'n mo narinig ang boses ni Aibi?" Bago pa man makasagot si Bree ay naunahan na s'ya ni Zen, "Kahit pa naglalaro na si Bree noon pa, hindi n'ya maririnig ang boses ni Aibi sa kahit saang virtual world, dahil dito lang sa Armenza maririnig ang boses n'ya. Bawat virtual world ay may iisang head lang. Sa pagkakaalam ko, may sampung head ang GSO, ang tatlo sa kanila ang tinatawag na Creators, sila ang dahilan kung ba't nandito tayo ngayon." "Siguro magkaboses lang sila," mahinang sabi ni Bree, "Hindi ko rin maalala kung sa'n ko narinig, eh." "Simesta, Korusta, Gemista." Nilingon namin si Yuri nang banggitin n'ya ang mga 'yon, "Sila ang Creators." Simesta Korusta Gimesta Bakit parang pamilyar? Kilala mo sila? Tanong ni Migron sa isipan ko. Hindi ko alam, pero pamilyar ang mga pangalan nila. "Nakita n'yo na ba sila?" kuryusong tanong ni Aruz. "Oo naman!" agarang sagot ni Irchy, "Bawat virtual world ay may natatanging lugar, at iisa lang ang pangalan—Creators' Heaven. Parang  mini coliseum. Naroon ang mga picture nila at kung ano pa ang gusto n'yong malaman tungkol sa kanila. Nakakausap din sila ro'n, sa pamamagitan ng voice assistance. " Iniisip ko pa rin kung saan ko narinig ang mga pangalan nila. Baka naman narinig mo lang sa mga kaklase mo dati. Sabi pa ni Migron sa isipan ko. Baka nga. "Matanong ko lang," ani Krix sa tonong seryoso, "Naka-avatar lang din ba ang picture nila o totoong mukha talaga nila?" "Syempre, naka-avatar lang din. For security purposes, gano'n," sagot naman ni Shin. Pero, sigurado akong hindi ko 'yon narinig sa mga kaklase ko... Saan kasi? Isipin mo pa Xielo! Este Ashrah! "Aist!" Hindi ko na napigilang mapasigaw. Natigilan ako, dahil bigla silang natahimik. Anak ng kangaroo! 'Yan kasi, isipin mo pa Ashrah. Kulang na hilain ko si Migron sa pagkakahiga n'ya sa hita ko. Manahimik ka Migron! "A-Ayos ka lang, Ashrah?" halos sabay nilang naitanong. Halatang nagulat sila sa biglaan kong pagsigaw. "Ah, o-oo! Ma-Masakit lang 'yong likod ko kakatayo!" pagdadahilan ko. "Pero, nakaupo ka, Ashrah." Sa sinabing 'yon ni Bree ay bigla akong napatayo at lumipad naman kaagad si Migron, kung hindi nag-lips to lips na sana sila ng sahig. "Ang i-ibig kong sa-sabihin, ma-masakit 'yong pu-pwet ko kakaupo!" Pupunta na sana ako sa likod, pero naagaw ang atensyon naming lahat sa muling pag-anunsyo ni Irmee, "Mayro'ng labing dalawang round bago ang final round. Dalawang round simula ngayon hanggang sa ika-limang araw. Sa ika-pitong araw gaganapin ang final round, at abangan na lang kung anong mangyayari sa ika-anim na araw." "Woah! Anong klaseng upgrade ba ang ginawa nila? Dati dalawang round lang at wala ng final round!" bulalas ni Shin. "Sa squad tournament na ito, may tatlong category : Elimination Round na binubuo ng sampung round at gaganapin sa loob ng limang araw. Bawat round ay isang miyembro ng squad ang lalaban," sabi pa ni Irmee at lumabas sa pinaka-main screen sa Main City ang salitang Elimition Round, "Sa round na ito, pipili ang system ng Armenza o mas kilala sa tawag na systematized match up ng isang miyembro bawat squad. At iyon na ang nangyari kanina sa matching up. Akala ninyo squad matching up iyon. It's a big no. Dahil isang miyembro lang ang lalaban para sa unang round." Napatango-tango ako, dahil sa pumasok na ideya sa isipan ko. "Bakit, Ashrah?" biglang tanong ni Zen. "Sa tingin ko, matira ang matibay," sagot ko naman na nakatingin pa rin sa big screen. "Anong ibig mong sabihin?" tanong naman ni Yuri. "Nakasalalay sa Elimination Category kung aling squad ang magpapatuloy, hindi pa naman ako sigurado—" Naputol ang sanang sasabihin ko nang magsalita ulit si Irmee, "Nakasalalay sa category na ito kung aling mga squad ang magpapatuloy sa susunod na category!" Kasabay nang pag-ingay ng mga manonood ay ang sabay-sabay nilang paglingon sa 'kin. "T*ng ina! Legit ang goosebumps ko sa 'yo, Ashrah!" sigaw ni Irchy at niyakap pa ang sarili. "Pa-Paano mo naisip 'yon?" tanong ni Kiri. "Elimination category, tatanggalin ang mga matatalo, gano'n lang kasimple," direkta kong sagot. "Oo nga, 'no?" sabi ni Shin, "Pero ibang klase ka pa ring mag-isip, Ashrah. Ang bilis pa!" "Guys..." Tumikhim ako at isa-isa silang tiningnan, "H'wag n'yo masyadong gawing kumplikado ang mga simpleng bagay. Nasa harap n'yo na ang sagot, pero dahil iba ang iniisip ninyo, kaya hindi n'yo makita." Ilang minuto rin ang dumaan bago may nakapagsalita sa kanila. "Ang lalim mo talaga, Ashrah!" bulalas ni Jio. "H'wag mo nang ipilit sa 'min 'yan, Ashrah. Kaya mo na 'yan. Ikaw na ang bahala sa utak, back up na lang kami," sabi ni Irchy at mahinang napatawa ang iba. Naputol ulit ang pag-uusap namin nang magsalitang muli si Irmee, "Sa bawat miyembro na matatalo kada round, mai-eliminate na sila. Ibig sabihin, kung ilang miyembro ang natira sa inyo, iyon lang ang magpapatuloy sa susunod na category." Nagsimula na ang bulung-bulungan sa mga nanonood na nasa Main City mismo. Kahit ang mga nanonood sa labas ng GSO ay nagsimula na rin sa kanilang usap-usapan. "Tama nga si Ashrah, matira ang matibay." Hindi ko man nakikita si Zen, dahil nasa likod ko s'ya, pero alam kong seryoso s'ya sa sinabi n'ya. Sa wakas, may nakita ka ring tama sa 'kin Zen. "But there's more to it!" Kaagad nabalik ang atensyon namin kay Irmee, "Limang miyembro pataas ang qualified na makapasok sa susunod na category! Kung may apat na miyembro na lang ang natitira sa isang squad, hindi na sila makakapasok sa susunod na category." "Grabe! Pahirapan!" sigaw ni Aruz, "Kapag nag-upgrade pa sila sa susunod na squad tournament, ewan ko na lang talaga!" "Kiri." Nilingon nila akong lahat, "Pakisulat na lang ang lahat ng kahinaan ni Tresus. Kung pa'no s'ya dumiskarte o kumilos, at kung sa'n s'ya bihasa. Pati mga skill na mayro'n s'ya." "Teka, ba't si Kiri?" tanong ni Shin. "Hay naku, Shin! Mas wala ka pa lang utak sa 'kin." Kulang na lang ay masapak no Jio si Shin, "Eh, 'di ba may gusto si Kiri kay Shin!" "Ho-Hoy..." malumanay na sabi ni Kiri, "Kai-Kailangan ta-talagang isigaw." "Mabuti ka pa, Kiri, kahit indirectly, pero hindi mo naman ikinaila na gusto mo si Tresus," mahinang sabi ni Krix, "Samantalang ako... hay ewan." "Mas maganda kasi sa pakiramdam. Kung magiging denial ka sa isang bagay, it will haunt you. Hindi ka matatahimik. Sabi nga sa bible, Proverbs 27:5, open rebuke is better than secret love. Mahal mo nga, pero hindi mo naman kayang aminin sa sarili mo. Niloloko mo lang sarili mo. Isa pa, what's the point of denying, kung alam naman ng lahat." Open rebuke is better than secret love. Love? Hindi pa. Gusto? Oo... Gusto ko si Zeshue. At nasa round one na yata kami. Ay anak ng kangaroo! Pinagsasabi ko? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD