Chapter 40 - Handa na si Ashrah

1123 Words
"Ngayon, oras na para kilalanin ang top one squad noong nakaraang squad tournament!" anunsyo ni Irmee. "Hindi ko pa rin maintindihan, kung ba't hindi ang Kings ang top one," sabi ni Bree at tutok na tutok sa big screen. Kahit ako, nalilito rin. "Guys, lagi n'yong tatandaan." Ang tahimik na si Jio kanina ay nagsalita na rin, "Hindi ibig sabihin na si Saishu ang top hero, eh makukuha na ng squad nila ang pagiging top one." "Tama si Jio," segunda naman ni Zen, "Iba ang scoring sa squad tournament." "Ibig sabihin..." sambit ko, "Sila ang una nating pag-aaralan." "Bakit?" nagtatakang tanong ni Aruz, "Dapat 'yong madadali lang na kalaban muna." "Bakit mo nasabi, Ashrah?" Tiningnan ako ni Yuri at nasa akin na rin ang atensyon ng lahat. "Sila ang top one. Ibig sabihin, natalo nila ang mga madadaling kalabanin na squad. Kapag napag-aralan natin kung pa'no sila kumilos, at anong mga strategy ang ginagawa nila, mas mabilis na nating mapag-aaralan ang iba pang squad." "Hi-Hindi ko pa rin ma-maintindihan," mahinang sabi ni Jira. "Ang gustong sabihin ni Ashrah, kung napag-aralan na natin ang kilos ng top one squad, alam na natin kung anong mga strategy ang gagamitin para matalo ang iba pang madadaling kalaban na squad," paliwanag ni Rim. "Ayon! Gets na!" bulalas ni Aruz. At nakita ko ring napatango-tango ang lahat. "Simplehan mo lang kasi magpaliwanag, Ashrah," sabi ni Shin na kinakamot pa ang ulo nito. Nagtawanan ang lahat. "Sorry sila, may B-Chick tayo!" Napayuko ako at ipinikit ang mga mata, habang napuno na ako ng mga pang-aasar nila. Anak ng kangaroo! Nakakahiya! At sabay kaming napatingin sa big screen nang banggitin na ni Irmee ang pangalan ng squad, "Morning Thunder Squad!" "Ang mga kidlat." Narinig kong sabi ni Zen na nasa likuran ko. Ang mga kidlat? "Anong masasabi ng hari ng mga espada na nakatsamba lang daw kayo, dahil isang puntos lang ang lamanh ninyo sa Kings?" Hari ng mga espada? Ibig sabihin... Si Tresus ang kausap ni Irmee ngayon? "Isang puntos lang?" Hindi makapaniwalang tanong ni Krix. "Oo," sagot ni Yuri, "Naalala ko kung pa'nong nagwala si Saishu, pagkatapos nilang malaman ang scores." Napapailing na lang ako, dahil parang nakikita ko sa isipan ko ang galit na galit na si Saishu. "Gano'n talaga." Biglang tumahimik ang lahat nang magsimulang magsalita si Tresus. Maamo ang mukha n'ya, pero hindi 'yon nasasalamin sa mga mata n'ya. Para s'yang isang sinaunang prinsipe na sasabak sa madugong labanan. Nakasukbit sa baywang n'ya ang dalawang espada na hindi ko lubos maisip kung ilang buhay na ang tinapos, "Isa, dalawa, tatlo o ilan pa, ang puntos ay puntos. Malapit o malayo man ang lamang namin sa kanila, hindi no'n magbabago ang katotohanang... we ranked top one." At nagsimula na ngang magsigawan ang mga nanonood. Hindi ko alam, kung supporters ba o kalaban. "Kung sabagay, maliit man o malaki, importante ang bawat puntos," sang-ayon ni Irmee sa sinabi ni Tresus, "May gusto ba kayong makaharap o talunin?" Napansin kong saglit na natigilan si Tresus bago humarap sa camera. At gano'n na lang ang pagkagulat ko nang banggitin n'ya ang pangalang, hindi ko aakalaing maririnig ko sa top one squad leader. "Si Ashrah." Kahit nakatutok ako sa big screen ay napansin ko naman ang dahan-dahang paglingon nila sa 'kin. "Sh*t naman!" Hindi ko mapigilang makapagmura, "Bakit ako na lang palagi! Parang gusto ko na lang tuloy isumpa ang araw na natalo ko ang Serfix na 'yon!" "Hindi lang tungkol sa Serfix ito, Ashrah." Kaagad kong nilingon si Kiri na nakatingin pa rin sa big screen, "Kalat na rin ang nangyari sa pagitan ninyo ni Enz at ang pagkatalo ni Riyu sa 'yo." "Sa ayaw mo man o sa gusto, maniwala ka man o hindi..." dagdag ni Yuri, "Isa ka na sa aabangan ng lahat sa squad tournament." "Kailangan ko ba 'yong ipagpasalamat?" wala sa sariling tanong ko. Narinig ko naman ang mahina nilang pagtawa. "Ashrah na naman! Magsi-set na talaga ako ng interview sa 'yo Ashrah!" bulalas ni Irmee, "Pero, p'wede ba naming malaman kung bakit gustong makalaban ng top one squad leader ang isang new player?" "Gusto kong malaman kung hanggang saan s'ya dadalhin ng talino n'ya." Sari-saring bulungan ang maririnig. Pero, nagpatuloy si Tresus sa pagsasalita, "Hindi lalagpas sa limang minuto, nalaman n'ya kung pa'no makalapit sa balon na binabantayan ng Serfix. Hindi umabot ng dalawampung minuto, nalaman n'yang niloloko pala sila ni Enz. Higit sa lahat ang hindi ko pa matalo-talong ilusyon ni Riyu, ay nagawa n'yang wasakin sa loob lang ng sampung minuto." Napatango-tango si Irmee bago hinarap ang camera, "Kung sabagay, sa squad tournament talaga nasusukat ang galing ng isang hero. May gusto ka bang sabihin kay Ashrah, Tresus?" Kaagad na humarap si Tresus sa camera at napayuko na lang ako. Hindi ko kayang tingnan ang mga mata n'ya, "Sa ngayon HP level 5 ka pa lang. Isang skill at 0 level pa ang weapon mo. Magpa-level up ka at hihintayin ko ang paghaharap nating dalawa sa squad tournament." "Woah! Ang dami n'yang alam!" Nilingon ako ni Irchy at napalingon din ako kay Kiri na nasa mga kamay ang tingin n'ya. "So ayon, nakilala na natin ang top ten. Karamihan sa kanila ay si Ashrah ang gustong makalaban." "Kailangan talagang paulit-ulit?" mahina at asar kong tanong. "Kalma, Ashrah," natatawang sabi ni Xy na tinawanan lang ng lahat. "Handa na ba kayo sa matching up?" Nag-umpisa ulit ang ingay galing sa mga nanonood, "Itutok na ang mga mata sa matching screen." Kaagad namang lumitaw sa big screen ang matching screen. "Lagi nating tatandaan na tanging ang system lang ng Armenza ang gumagawa ng matching up. Kahit ang mga may ari o staff hindi ginagalaw ang matching up. Ibig sabihin, walang nakakaalam kung sino ang kalaban ng sino," mahabang litanya ni Irmee, "Kaya mahina man o malakas ang makakalaban ninyo, it's either you'll accept or decline." Mabilis pa rin ang nangyayaring matching up. Nagulat na lang ako nang magkulay-green ang buong matching screen at umingay na naman ang lahat. "Anong nangyayari?" nagtataka kong tanong. At nasagot naman kaagad ni Irmee ang tanong ko. "Matching up successfull!" Mas lalo pang tumindi ang sigawan at ingay sa loob ng Armenza. "Ibig sabihin, saka nila malalaman kung sino ang magiging kalaban nila, sa mismong paghaharap nila?" tanong ni Bree. "Exactly," tipid na sagot ni Zen. "Ngayon, simulan na natin ang Round One!" "Ha?" "Ano raw?" "Bagong proseso?" Sabay-sabay na naitanong nina Yuri. "Mukhang bago lahat ang mga mangyayari sa squad tournament," mahinang sabi ni Rim. "Oo," segunda naman ni Zen, "Mukhang mas mahirap na ngayon." Hindi ko alam... Ayaw ko mang magmukhang mayabang, pero... Na-e-excite ako! Ito ba ang tunay na ang Ashrah? Handang harapin ang lahat. Handang gawin ang lahat. Handa ka na talaga Ashrah! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD