Chapter 39 - Sino ang Top One?

1429 Words
"Ngayon naman, kilalanin natin kung sino ang gustong talunin ng top six," anunsyo ni Irmee, "Ang Warriors Squad!" Napansin kong napatango-tango sina Yuri at Sharee. Kaagad namang nagsalita si Sharee, "Hmm, sila ang grupo na puro espada lang weapon." Si Yuri naman ang nagsalita, "Magaling sila kapag teamwork ang pag-uusapan." "Sinong gusto n'yong makalaban?" tanong ni Irmee na nakatingin na sa lalakeng naka-black jacket at may matutulis na buhok. Parang tambay lang sa kanto na handa nang mambulabog. Nagsalita ulit si Migron. Rigor Sword user HP level 98 Squad tournament - 132 wins - 30 losses Daily task - 236 wins - 37 losses Facts : Isa lang ang kulang sa kan'ya—diskarte. Sumagot naman kaagad si Rigor, "Syempre, ang hari ng mga espada, si Tresus!" Umingay ulit ang mga manonood. "At bakit?" tanong ulit ni Irmee kay Rigor. "Alam n'ya na ang rason!" tanging sagot ni Rigor. "Oy, Kiri?" tawag ni Shin kay Kiri na nakayuko at magkadaop ang mga palad, "Narinig ko sa mga chismosa sa Main City, may gusto ka raw kay Tresus. Kaya raw naglaro ka ng Xusha : World of Blades at hanggang ngayon, espada pa rin gamit mo, dahil daw sa kan'ya." Ibig sabihin... "Matagal nang naglalaro 'yong Tresus?" Hindi ko napigilang itanong. Umangat ang ulo ni Kiri at nakangiting tiningnan ako, "Oo, dalawang taon nang nai-launched ang GSO, bago binuksan ang Xusha. Nagkataong naglalaro ang Kuya ko, at si Tresus ang top one blader, o top hero kung tawagin dito sa Armenza. Saktong ni-recruit ako ng BAS, kaya hindi na ako nagdalawang isip na subukan. Kasama pa namin si Raffa at Melody. Pero, dahil umalis si Raffa, lumipat kami rito sa Armenza. Hindi ko naman akalain na lilipat din si Tresus dito." Melody? Ibig sabihin... Member din s'ya ng BAS? "Akala ko ba, sampu lang ang original member ng BAS?" kuryuso kong tanong. Nakita kong natigilan si Kiri, "Hala?Hindi n'yo pa pala alam?" "Marami pa kayong hindi alam sa BAS, lalo na sa GSO. Pero, hindi 'yan ang priority natin ngayon, kaya mabuti pang isantabi na lang ang mga bagay-bagay na walang kinalaman sa squad tournament," mahabang litanya ni Zen. Mas lalo kong gustong malaman, kung sino nga ba talaga si Melody. "Pasensya na," mahinang tugon ni Kiri. Wala nang nagsalita, dahil inanunsyo na ni Irmee ang top five. "Soul Killer Squad!" Gano'n na lang ang gulat ko na kalansay ang kaharap ni Irmee, "Ba-Bakit pu-puro buto lang?" "Nagsasalitang kalansay 'yan, Ashrah," natatawang sagot ni Irchy, "Baka magulat ka pa lalo kapag isang grupo ng kalansay ang kaharap mo!" "Ibig sabihin... puro sila kalansay?" gulat na tanong ni Jira, na katulad ko rin 'atang nawindang sa nakikita. "Yep!" sabay na sagot nina Shin at Irchy. "At para mas magulat kayo," dagdag na sabi ni Xy, "Spear and shield ang weapon nilang lahat!" Anak ng kangaroo! "Seryoso?" sabay na sabi namin nila Bree, Krix, Jira at Aruz. At tinawanan lang kami ng iba. Halos lumuwa na siguro mga mata namin nang magsalita ang kalansay, "Yow, wazzap!" Kasabay nang pag-ingay ng mga manonood ay ang pagsalit ni Migron. Rip Spear and shield user HP level 105 Squad tournament - 138 wins - 40 losses Daily task - 254 wins - 28 losses Facts : Isang suntok lang at tumba kaagad. Pero... Bali rin ang buto mo  at sabay kayong mawawalan ng life. Anak ng kangaroo! Totoo ba 'to? Top five pa lang, pero ganito na katindi! Ano na lang ang natitirang apat? "So, sinong gustong ninyong makalaban?" tanong ulit Irmee kay Rip. Pangalan n'ya pa lang parang nasasaktan na ako. "Syempre, ang top hero ng Armenza! Sinong may ayaw na matalo s'ya?" Dobleng ingay ang lumunod sa 'min. Si Saishu. Napapikit na lang ako nang maalala ko ang paghalik n'ya sa 'kin. Bumibilis na naman ang pagtibok ng puso ko. Hay naku Xielo! Ito ka na naman! Hindi ko alam, pero sa hindi mo mapigilan na isipin si Saishu, kahit na inamin ko na sa sarili kong si Zeshue ang gusto ko. Pakiramdam ko tuloy nagiging taksil na ako. Haist! Pambihirang utak 'to! "Narito na ang top four! Death be with you Squad!" muling anunsyo ni Irmee. "Ang DBU," mahinang sabi ni Zen, pero sapat na para marinig naming lahat, "Nakalaban namin sila sa Xusha." "Sinong gusto n'yong matalo?" tanong ni Irmee sa katabing lalake. Walang espesyal sa anyo at hitsura n'ya. Parang simpleng lalake lang. Pero... Ayaw ko ang mga mata n'ya. Para kang nililibing nang buhay sa paraan ng pagtitig n'ya. Nagsalita si Migron. Gunner Gun user HP level 137 Squad tournament -  205 wins - 29 losses Daily task - 199 wins - 25 losses Facts : Walang pakialam kung mamatayan ng kakampi. Sa madaling salita, sarili n'ya lang ang mahalaga sa kan'ya. Hindi man 'yon nararamdaman ng mga kagrupo n'ya, pero alam 'yon ng lahat. Makasarili pala kung ganoon. Ang mga ganitong kalaban ang madaling matalo. Puntiryahin mo lang ang mga kasamahan n'yang mahihina, tiyak kong hindi n'ya mapapansin na nag-iisa na lang pala s'ya. Depende na lang kung may kasama s'yang magaling magplano. Nagulat ako sa sagot ni Gunner. "Si Raffa talaga ang gusto kong matalo. Pero, dahil wala na s'ya, patutbahin ko na lang ang Aces." "Oohh, Blue Ace Squad." Nakaharap na ngayon si Irmee sa camera at para bang sa 'min talaga s'ya nakatingin, "Maghanda na talaga kayo, dahil ang dami na nilang gusto kayong patumbahin. I wonder why, kung bakit gusto nila kayong makalaban, gayong wala pa kayong naipapanalong squad tournament. Hmm. Nahihiwagaan na ako sa inyo Aces, ha." "Blue Ace Squad ang nangungunang squad sa Xusha : World of Blades. Nagbago ang lahat nang iwan kami ng isa sa mga top blader ng Xusha." Si Raffa ba ang ibig sabihin ni Zen? "Nasanay kaming lagi s'yang nand'yan, kaya nalugmok kami nang sobra no'ng iniwan n'ya kami." May halong pait sa boses ni Zen. Pinagsamang galit at lungkot. "Ngayon naman, ang top three! Tripple D Squad!" Parang pamilyar sa 'kin. Sa'n ko nga narinig ang pangalang 'yan? Pero bago ko pa maalala ay nagulat ako sa lalakeng sumulpot sa tabi ni Irmee. Kaagad namang nagsalita si Migron. Riyu Gun user HP level 100 Squad tournament -  180 wins - 40 losses Daily task - 389 wins - 35 losses Facts : Binansagang 'The Illusionist'. Wala pang nakakatalo sa kan'ya, dahil sa illusion skill n'ya. Isa s'ya sa mga player na ayaw makalaban ng iba. Kahinaan? Hindi nagseseryoso sa laban, kaya pati mga ka-squad ay nawawala sa focus. S'ya nga. "Riyu 'The Illusionist'! May gusto ba kayong matalo?" kaagad na tanong ni Irmee. "Nangako ako kay Ashrah na maghaharap kami sa squad tournament," diretsong sagot ni Riyu at humarap sa camera, "Ashrah... hihintayin kita sa squad tournament sa susunod na buwan." "Ashrah na naman!" Halatang excited si Irmee na sinang-ayunan ng mga manonood, dahil sabay-sabay nilang sinisigaw ang pangalan ko. "Ashrah!" "Ashrah!" "Ashrah!" Anak ng kangaroo! "Parang gusto kong mag-set ng interview kay Ashrah!" sigaw ulit ni Irmee at mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga manonood. Napayuko na lang ako at sinapo ang noo. Bakit ba kasi natalo ko ang Serfix. Parang nilagay ko lang sa alanganin ang buhay ko rito. "Naalala ko na," biglang sabi ni Yuri, "Si Mirya na humamon sa 'yo ay miyembro ng Tripple D squad." Kaya pala pamilyar, dahil nabanggit na pala ni Migron sa 'kin. "Okay, move na muna tayo kay Ashrah at kilalanin natin kung sino ang gustong talunin ng top two!" Hindi ko alam kung ba't biglang bumilis ang pagtambol ng puso ko. Nagulat na lang ako sa sumunod na inanunsyo ni Irmee, "The Eminent King Squad!" Ano raw? Ibig sabihin, hindi sila top one? Kung gano'n, sino? Kaagad natuon ang mga mata ko kay Saishu na kaagad ding nagsalita, kahit hindi pa tinatanong ni Irmee, "Si Rim ng Aces! Ipakita mo kung hanggang saan 'yang yabang mo!" Nabalot na naman ang buong Armenza ng ingay mula sa mga manonood. "Woah, kalma! Gigil na gigil, ah!" bulalas ni Irmee, "Pero kahit ako, gigil na ring makilala ang Blue Ace Squad!" Kaagad na nagsalita si Migron. Saishu Gun user HP level 150 Squad tournament - 214 wins - 20 losses Daily task - 568 wins - 5 losses Facts : Masyadong magaling sa lahat. Magaling sa strategies at pagpaplano. Sa sobrang galing, nagiging mayabang, kung kaya nawawala sa focus ang mga kasamahan sa squad. Narinig ko ang mahinang tawa ni Rim, nang-uuyam, "Sinong mayabang?" "Handa na ba kayong makilala kung sino ang gustong makalaban ng top one!" tanong ni Irmee sa mga manonood. Sino nga ba? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD