Chapter 13 - Zeshue Ralph Salvador

1500 Words
Bago pa ako makapagsalita ay kaagad na akong nahila ng aroganteng lalakeng mukhang kabibe. Gwapong kabibe Ay naloko na! Sira na 'ata utak ko! Nang mapansin kong palabas kami ng university ay kaagad akong tumigil sa paglalakad, kaya napatigil na rin s'ya sa paglalakad, dahil hawak-hawak n'ya ang kamay ko. "Sa'n mo 'ko dadalhin?" Biglang umihip ang hangin at parang nag-slow motion na naman ang paligid para sa 'kin. Malayang tinangay ng hangin ang buhok n'ya. Bakit? Bigla 'atang naging tao ang isang 'to sa paningin ko. Kahit ang mga labi n'ya ay dahan-dahan din sa paggalaw at unti-unting kumukurba, na kalaunan ay nakikita na ang pantay n'yang mga ngipin. Muntik na sana akong mapangiti, kung hindi lang sana s'ya nagsalita, "Sa malamig na lugar." At marahas na dumapo ang kamay ko sa ulo n'ya, "Manyak na kabibe!" "Aray naman! Ilang kilo ba 'yang kamay mo?" reklamo n'ya habang nakahawak sa ulo n'yang nasapak ko, "Sakit, ah!" Akma na akong maglalakad papalayo sa kan'ya, pero kaagad n'yang nahawakan ulit ang kamay ko, "Mas manyak 'yang mga brain cells mo, Inday! Syempre, sa restaurant na malamig tayo kakain!" Wala na akong nagawa nang hilain n'ya ulit ako papalabas ng university. "Pinanindigan mo na talaga 'yang Inday, ah," mahina kong sabi. "Naman!" "Parang no'ng isang araw lang, tinawag mo akong malas." S'ya naman ang napatigil sa paglalakad. Hinarap n'ya ako, "Tungkol do'n, I'm sorry." Nakita kong sinsero naman s'ya sa paghingi ng sorry. Samahan pa ng mga malalalamlam n'yang mata. Pero... "Ito na nga 'di ba? Ililibre na kita ng pancit." At bago pa dumapo ulit ang kamay ko sa ulo n'ya, nahuli n'ya na 'yon kaagad. Para bang bigla akong nakuryente, sa paraan ng paghawak n'ya sa kamay ko, kaya binawi ko 'yon sa pagkakahawak n'ya. "Oh, sige na nga. Special pancit na lang." Hindi ko namalayang napapangiti na pala ako. Anong mayro'n sa lalakeng 'to? Nagagawa ko ang mga bagay na wala akong lakas ng loob na gawin dati. Noon kasi, wala talaga akong makausap na ibang tao, dahil lahat sila nilalayuan ako. Hindi ko rin naranasan na ngumiti sa ibang tao, lalo na sa lalake. But this man in front of me... I feel I am who I am when I'm with him. Knowing that he knew, na ako ang dahilan nang pagkamatay ng kapatid n'ya, pero lapit pa rin s'ya nang lapit. Simula pa 'to no'ng entrance examination. Nawala bigla ang ngiti ko nang may maalala ako. "Graduating ka na, 'di ba?" Kumunot ang noo n'ya saka tumango, "Oo." "Ba't nag-entrance examination ka pa?" Sinamaan n'ya ako ng tingin, saka ulit ako hinila at nagsimula ulit maglakad, "Mag-aaral ka ng Axfhell, pero hindi mo alam mga patakaran nila rito? Nasaan utak mo? Buti na lang maganda ka." Hindi ko narinig ang huli n'yang sinabi kaya hinampas ko ang likod n'ya gamit ang isa ko pang kamay, "Minumura mo ba ako?" "Oo! Sabi ko ang engot-engot mo na nga, ang bingi-bingi mo pa!" Hindi na ako nakapagsalita pa nang tuluyan na kaming makalabas ng university at may kotseng huminto sa harapan namin. May bumaba ro'n na lalake at sa tingin ko, driver n'ya 'yon. Hindi nga ako nagkamali nang buksan nito ang pinto sa backseat. Iginiya ako ng lalakeng arogante na maupo sa backseat. Natawa ako sa isipan ko, dahil hanggang ngayon, hindi ko pa alam ang buo n'yang pangalan. Akala ko tatabi s'ya sa 'kin nang upo, pero kaagad n'yang sinarado ang pinto at binuksan ang pinto ng passenger's seat saka ro'n umupo. Hindi naman sa gusto ko s'yang makatabi nang upo, pero nagmukha tuloy na mga bodyguard ko sila. Hindi na lang ako nagreklmo nang umandar na ang sasakyan. Ilang minuto lang at tumigil ang kotse sa isang Italian Restaurant. Kaagad s'yang bumaba at binuksan ang pinto sa passenger's seat saka ako bumaba. "Salamat po," sabi ko sa driver n'ya at ngumiti lang ang huli. Hindi na ako nakaangal nang hawakan n'ya ulit ang kamay ko at hinila na ako papasok sa restaurant. "Table for two, Sir?" Sinalubong kami ng waitress. Nang tumango lang si kabibe ay kaagad kaming giniya ng waitress papunta sa two seater table. Hinila n'ya ang bangko at do'n ako pinaupo. Kahit arogante ang kabibe na 'to, gentlemen din naman. "Matanong ko lang," sabi ko nang makaupo na rin s'ya sa katapat na upuan, "Anong pangalan mo?" Tumikhim s'ya at napataas ang kilay ko nang isinuklay n'ya ang mga daliri n'ya sa buhok n'ya. Anak ng kangaroo! "Para kang natataeng kabibe," nakataas-kilay na sabi ko sa kan'ya. "Pero, kung 'yong pasayan na 'yon ang kausap mo, ang disente mong tingna. Kapag ako, kulang na lang ilibing mo nang buhay." Hindi ko napigilang tumawa. Hindi ko alam, pero gumagaan ang loob ko sa kan'ya. Nang mapansin kong tahimik lang s'ya ay tumigil ako sa pagtawa. Nakatingin s'ya sa malayo. "Ano nga kasing pangalan mo?" pag-uulit ko sa tanong ko kanina. Kumunot ang noo ko nang humarap s'ya sa 'kin, dahil namumula ang mga pisngi n'ya. Problema nito? Tumikhim s'ya ulit bago nagsalita, "Zeshue Ralph Salvador." Kaagad s'yang tumingin sa menu na nakapatong sa mesa. Kaya gano'n din ang ginawa ko. Pero hindi ko talaga mapigilang magtanong, "Ba't magkaiba kayo ng apelyido ni Jo-Joseph?" Suddenly, I felt uneasiness. Yumuko ako at mahinang napabuga ng hangin. Naalala ko na naman ang kaklase kong namatay. "Kung hindi ka komportable na napag-uusapan s'ya, ba't ka pa nagtatanong? Pinapahirapan mo lang sarili mo." Kaagad s'yang tumawag ng waiter at humingi ng tubig. Nang bumalik ang waiter na may dalang tubig, s'ya na ang um-order para sa 'kin. Uminom ako ng tubig para maibsan ang nararamdaman kong pagkabalisa. Matapos s'yang makapag-order ay kaagad akong nagsalita, "Gusto kong malaman kung bakit." "Ang tigas din ng ulo mo, Inday." "I have my own name—" "Xielo Raine Arzamella." Magtatanong sana ako kung pa'no n'ya nalaman nang maalala kong nasa kan'ya pala ang schedule ko. "Then call me—" "Gusto ko Inday." "I should call you Dodong, then." Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi n'ya, "May endearment ka na kaagad sa 'kin, ah." Sumandig ako sa upuan at napayuko habang minamasahe ang noo ko. Nakalimutan kong wala pa lang kwentang kausap ang kabibe na 'to, "Sagutin mo na lang ang tanong ko, kung ba't hindi kayo magkaapelyido." "Anak s'ya ni Daddy sa ibang babae." Kaagad na umangat ang tingin ko sa kan'ya, "Ahm, I'm-I'm so-sorry." Ngumiti lang s'ya. Pero... Ba't iba ang nasasalamin ko sa mga ngiti n'ya? Hindi 'yon isang pilit na ngiti. Totoong ngiti ang nakikita ko sa kan'ya. Ngiting may bahid ng lungkot. "H'wag ka ngang gan'yan, Inday. Ang pangit ng hitsura mo ngayon." Tipid akong ngumiti. Mabuti pa s'ya, nakakaya n'yang ngumiti ng totoo, kahit may pinagdadaanan s'ya. "Baka magalit parents mo, na nakikipag-usap ka sa 'kin," mahina kong sabi. "Si Shaine lang naman ang galit sa 'yo at hindi ko alam kung bakit. Kahit kailan, hindi ka naman sinisi nina Daddy." Nagulat ako sa sinabi n'ya. Tama ba ang narinig ko? "A-Anong sa-sabi mo?" "Pamilya nina Shaine ang nagpakalat na kasalanan mo. Nang mangyari ang aksidente, gusto ni Daddy na kausapin ang mga magulang mo. Pero, ang mama ni Shaine ang humadlang. Kaya hanggang sa lumaki si Shaine, pati ugali ng mama n'ya, naipamana rin 'ata sa kan'ya." Hindi ko alam anong sasabihin. Parang sa isang libong tinik na nakatusok sa 'kin, natanggal ang limang daang tinik, at kahit papa'no, gumaan ang pakiramdam ko. "Wala na rin kaming balita sa kung anong nangyari sa 'yo, dahil lumipat na kami rito. Nagulat na lang ako, no'ng araw ng entrance examination, pinagtulungan ka nina Shaine. Do'n ko napagtanto na galit pa rin sila sa 'yo." Ngumiti ako, "Salamat, dahil sinabi mo sa 'kin. Gumaan talaga ang pakiramdam ko. Alam mo bang, grabeng hirap ang pinagdaanan ko, dahil na-trauma ako sa nangyari." Dumaan ang lungkot sa mga mata n' ya, "Hi-Hindi ko alam." "I was bullied, and I let myself away from everyone." Nakita kong nalulungkot s'ya sa mga sinabi ko. "Pero, ngayon, makakangiti na talaga ako. Oo, nabuhay akong mag-isa, walang kaibigan, nilalayuan ng lahat. Pero, gusto ko nang maging malaya sa pait ng kahapon, at ang malaman ang mga 'yan sa 'yo, ay parang isang pahiwatig, that I have all the chance to move on now." Sapat na sa 'kin ang malamang hindi nila ako sinisisi. Kahit pa may isang Shaine sa paligid, sige lang. Hahayaan ko lang s'yang magalit. Sisikapin kong maging maayos na ang pakiramdam ko—sa pagiging duwag. At ginawa ko ang isang bagay na hindi ko pa nagagawa. Ang ngumiti nang abot hanggang tainga. Saglit s'yang natulala sa 'kin, pero kaagad din akong nginitian. Inilahad ko ang kamay ko sa harapan n'ya, "Hey Zeshue Ralph Salvador, I'm Xielo Raine Arzamella." Tinanggap n'ya ang kamay ko, "Nice meeting you, Inday." Sinamaan ko s'ya ng tingin, "Me too, Dodong." At sabay kaming tumawa. Ang gaan sa pakiramdam. Hoping... This would the beginning of my new life.  New hope.  New me. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD