Chapter 12 - Sino sa Kanila?

1558 Words
"Sabi na, eh!" "Grabe isang tira lang!" "Oo! Nakita namin s'yang seryosong nakatingin sa menu n'ya, kaya hinayaan lang namin. Tapos bigla s'yang tumayo. Pumikit s'ya, tapos, boom! Sapul!" Napapailing na lang ako dahil sa mga pinag-uusapan nila. Narito kami sa labas at nakaupo sa damuhan. "Kailangan 'ata nating magpasalamat kay Saishu." Sabay kaming napatingin kay Zen. Ibig sabihin, nakita n'ya? Pero ba't hindi s'ya nagalit? "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Rim. Bago pa makapagsalita si Zen, inunahan ko na s'ya, "Si Saishu ang nagturo sa 'kin." Nakita kong nagulat sila sa sinabi ko.  Tumayo ako saka nag-swipe pataas at lumabas ang menu. Pinindot ko ang tutorial mode at saka pinindot si Armia. Lumutang ito sa ere at nakitang kulay dilaw na ang mga palaso. Kinuha ko 'yon at sinuot sa likod ko ang lalagyan ng palaso. Nakita kong masa pwesto na rin ang target. "Ang kamay na nakahawak sa pana ay dapat na mababa kaysa sa kamay na nakahawak sa pisi ng pana," sabi ko at saka ipinwesto ang mga kamay. Pumikit ako at katulad nang nangyari kanina, sa hindi ko malamang dahilan, wala akong ibang marinig, kung hindi ang malamyos na simoy ng hangin, "Pakiramdaman ang ihip ng hangin, kung saang direksyon ito papunta. Kapag papuntang kanan, salubungin sa kaliwa." At saktong sa kanan ang direksyon nang ihip ng hangin, kaya bahagya akong gumilid sa kaliwa at binitiwan ang pisi saka malayang lumipad sa ere ang palaso. At lalong lumawak ang pagkakangiti ko nang tumama iyong sa pinakagitna ng target. "Ayon!" Halos sabay na sigawan nilang lahat. "Haba ng hair mo, Ashrah!" kantyaw ni Yuri sa 'kin. "Biruin mo, isang Saishu ang magtuturo sa 'yo! Bukod sa pagiging mayabang n'ya, mailap din 'yon sa mga babaeng player dito," sabi naman ni Sharee. "H'wag muna kayong magsaya," biglang putol ni Zen sa tuwang nararamdaman naming lahat, "Wala pa s'ya sa tunay na laban." Sinundan ko ng tingin ang likod ni Zen na papalayo sa kinaroroonan namin. Hindi ko talaga s'ya maintindihan. Akala ko okay na sa kan'ya, dahil kahit papa'no ay alam ko na kung pa'no umasinta. "Move out na muna ako, guys," paalam ni Rim at hindi na hinintay pa ang sagot namin, dahil kaagad na s'yang tumalikod at umalis. "Nahawa na 'ata si Rim kay Zen sa menopausal stage n'ya." At nagtawanan silang lahat, dahil sa sinabi ni Shin. "Asus, if I know, may gusto na 'ata si Rim kay Ashrah," Xy concluded. Ano raw? Gusto? Naiilang akong tumawa, "Gu-Gusto kaagad?" Kakakilala pa lang namin, gusto kaagad? Imposible naman 'ata 'yon. Bigla kong naalala ang bilis nang t***k ng puso ko kanina, dahil kay Saishu. Aist! "Hay naku, Ashrah." Inakbayan ako ni Kiri, "Almost six years na kaming magkakasama, kaya kilala na namin si Rim. Never 'yon nakikisali sa isang away lalo na sa mga babae. And to think na pinagtanggol ka n'ya sa mga bully, is a big deal." Hindi ko alam kung anong iisipin o mararamdaman. Saka ko na lang siguro problemahin ang tungkol sa bagay na 'yan, kung nagtapat na s'ya nang harapan. Pero, anong gagawin ko kung sakali mang magtapat nga s'ya? Oo at naiilang ako sa mga titig n'ya at hindi ko kayang tagalan ang mga ngiti n'ya sa 'kin. Pero sapat na ba 'yon, para masabi kong may gusto rin ako sa kan'ya. Bigla na namang dumaan sa paningin ko ang mukha ni Saishu. Anak ng kangaroo! Naiisip ko pa lang ang mukha n'ya, bumibilis na ang t***k ng puso ko. Nagdadalaga na ba ako? Ay, naloko na! For Pete's sake, Xielo, you're already eighteen! Pakiramdam ko tuloy, abnormal ako noon. Hindi ko man lang naranasan magka-crush dati. Kaya, hindi rin ako sigurado sa nararamdaman ko. "H'wag mo muna masyadong isipin 'yang mga lalake, Ashrah," sabi ni Yuri, "Focus ka muna sa pag-e-ensayo mo." Tama. Isa pa, wala akong panahon para sa mga gan'yan sa ngayon. Siguro, next time na lang. Tumango-tango ako sa kanila, "Sige, magpapaiwan muna ako rito at pag-aaralan ko lang ang data." Ilang saglit lang at naiwan na akong mag-isa. Nakaharap na ako sa menu at pinindot ko na ang data na galing kay Yuri. ----------- *Mga nasa loob ng MENU (updated version)* _Upper Portion_ 1. WEAPON -> Dito nakalagay ang permanent weapon. -> Makikita rin dito ang mga items na kakailanganin para sa pag-upgrade. -> Makikita rin dito ang mga available items na para pang-upgrade na nasa inventory. -> Makikita rin dito kung anong skill ang magandang gawing combo sa permanent weapon na napili ng isang hero. -> Dito rin mismo mag-a-upgrade ng weapon. 2. INVENTORY -> Dito nakalagay lahat ang items na natanggap ng isang hero. -> Naka-categorized ang mga items; daily task, solo tournament, squad tournament, purchased, gifts. 3. GPS -> Makikita rito ang mga location ng bawat member sa kinabibilangang squad. -> Makikita rin dito ang location ng mga nasa friend list. 4. SHOP -> Dito p'wedeng bumili ng items at skills. 5. HEADBOARD -> Naka-categorized ito sa apat; a. Top Players - mga nangungunang players sa buong GSO (sa buong seven virtual worlds) b. Top Heroes - mga nangungunang heroes sa loob ng Armenza c. Top Hero Squads - mga nangungunang squads sa loob ng Armenza d. Top GSO Squads - mga nangungunang squads sa buong GSO (sa buong seven virtual worlds) _Lower Portion_ 1. MESSAGES 2. FRIEND LIST 3. ANNOUNCEMENTS ------------- *LISTS OF ITEMS* (common/dust) - silver dust - gold dust - bronze dust - alloy dust - metal dust - wood dust - plastic dust - cotton dust - paper dust - aluminum dust - pixie dust - flower dust - mirror dust (rare/stone) - iron stone - copper stone - ruby stone - sapphire stone - emerald stone - amethyst stone - diamond stone - jade stone - aquamarine stone - pearl stone - citrine stone - amber stone (epicandom) [these are examples only] - horn of animals - blood from animals or humans - water from a forbidden lakes Note! - epic items are can not be purchased or can be receive from tournaments, but it can be a gift. (ibig sabihin, ang mga epic item ay kailangang paghirapan na mahanap o makuha ng isang hero) *LISTS OF SKILLS* -> all are upgradable -> items needed when upgrading -> when inside a squad tournament, skills can only be used three times, and also a hero can only use three different skills, regardless of how many skills a hero has. (low level) a. Teleportation - can go to another place in just two seconds - can use once a week b. Invisibility - can not be seen for fifteen seconds - can use twice a week c. - - - - - - - - - - - Natigil ako sa pagbabasa nang may kumalabit sa 'kin. Si Yuri lang pala. "Akala ko nag-move out na kayo?" nagtataka kong tanong. "Hinintay talaga kita. Tara na, ipagpatuloy mo na lang 'yan bukas." Napangiti ako. Buong buhay ko, ngayon ko lang  naranasan na may naghintay sa 'kin at nag-ayang umuwi na. Hindi ko man makuha ang gusto kong maging matapang, ayos lang. Nagkaroon naman ako ng kaibigan. Nakangiti si Dok Jamaica nang makabalik kami sa laboratory. "Ang galing naman ni Ashrah!" Naiilang akong ngumiti, "Hi-Hindi  naman po." "Naku, pa-humble effect pa," panunukso n'ya pa sa 'kin, "Isang beses ka lang tinuruan at nakuha mo na kaagad!" "Pa'no n'yo po nalaman?" nagtataka kong tanong. "May camera ako sa palibot ng bahay ninyo sa Armenza, baka nakakalimutan mong nakuhanan ko sila ng picture, sa anyong avatar nila." Oo nga, 'no? "Naku, fast learner pala si Ashrah kapag gusto n'ya rin ang nagtuturo sa kan'ya," dagdag na panunukso ni Honey. "Ho-Hoy! A-Anong gusto? Ma-Manahimik ka, ba-baka may ma-makarinig!" At tinawanan lang nila ako. Sabay na kaming bumaba ni Honey at naghiwalay kami ng dadaanan. Mukhang makakapagluto ako nito sa kusina ko, ahh. Biglang may humarang sa dinadaanan ko at seryosong mukha ni Stephen ang nakita ko. Bigla akong kinabahan, baka kasi bigla na lang s'yang magtapat. Hindi ko pa talaga alam kung anong sasabihin. "Anong mayro'n sa inyo ni—" Hindi n'ya na naituloy ang sasabihin, dahil siguro naisip n'yang bawal pag-usapan dito sa labas ang tungkol sa pagiging player namin sa Armenza. Narinig ko ang mahina n'yang pagbuntonghininga. Gwapo naman s'ya at alam kong mabait din. Pero, hindi ko pa talaga alam kung anong nararamdaman ko. Everything is just new to me. "Tara, lunch." Sa sinabi n'yang 'yon, naalala ko si ang aroganteng lalake na nagyaya ng lunch at maghihintay raw s'ya. Bago pa man ako makapagsalita ay may humawak na sa kamay ko, "May lunch date kami." Biglang bumilis ang t***k ng puso ko, dahil sa kamay n'ya nakahawas sa kamay ko. Ganito rin kabilis ang t***k ng puso ko no'ng si Saishu ang kaharap ko. Nilingon ko s'ya at ang matangos n'yang ilong kaagad ang nakita ko. Mahahaba ang manipis n'yang mga pilikmata. May katangkaran din s'ya at maayos s'yang manamit. Pakiramdam ko, tumigil sa paggalaw ang mga tao sa paligid. Parang slow motion ang ginawa n'yang paglingon sa 'kin. "Hindi ba at may date tayo? Tapos nakikipag-usap ka sa isang pasayan." Bumalik sa tamang huwisyo ang kaluluwa ko, dahil sa sinabi n'ya. "Sinong tinatawag mong pasayan!" may inis sa tono nang pananalita ni Stephen. Naku, lagot na! Sino sa kanila ang sasamahan ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD