Chapter 11 - Kaibigan

1600 Words

"T*ng ina naman!" Sigaw ni Zen at narinig ko na lang ang paghagis n'ya ng bato sa mini fish pond. Napapikit na lang ako. Iniinda ko lang ang nangangalay kong mga braso at binti. Isang oras na akong nakatayo rito at ni isang beses, hindi ko man lang natamaan ang target na may layong fifty meters. "Ang lapit-lapit lang n'yan! Unang beses ng tutorial ni Rim, natamaan n'ya ng kunai ang target na may layong one hundred meters!" nanggagalaiting sabi ni Zen. Akala ko, madali lang ang paggamit ng pana at palaso, kaya ito ang pinili ko. Pero, ang hirap pala. Mabuti na lang din at naka-tutorial mode ako, unlimited ang palaso na lumalabas sa lalagyan nito na nakasabit sa likod ko. Narinig ko ang malakas na pagkalampag ng pinto. Siguro pumasok sa loob si Zen. "Pahinga ka na lang muna, Ashrah,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD