Chapter 10 - Poisoner

1531 Words
Kaagad akong  nilapitan ni Honey, I mean ni Yuri, kasama ang tatlo pang babae na aakalain mong dyosa na bumaba galing sa langit. Teka? Ba't apat na babae lang? Dapat lima sila, dahil ika-anim ako. H'wag mong sabihing... Nilingon ko ang mga lalakeng nasa likuran nina Yuri. Limang lalake, dapat apat lang sila. Tomboy ngang talaga si Michelle? "Alam ko ang gan'yang tingin, Ashrah," sabi ni Yuri na may nakakalokong ngiti sa mga labi n'ya. "P'wede pala ang gano'n?" bulong ko sa kanila. "Oo naman!" Halos sabay na sabi nila. "Baka nakakalimutan mong ang GSO ay isang mundo na kung sa'n ang mga imposible ay nagiging posible lahat." Ngumiti lang ako kay Yuri at isa-isang sinuri ng tingin ang tatlo pang babae. Ang hirap hulaan kung sino si sino. "Teka lang." Hindi ko napansin na nakalapit na pala ang isang lalake sa kinaroroonan namin, "Ba't parang hawig mo si Saishu?" Napansin ko ang pag-ismid ng isang lalake sa likuran nina Yuri at walang duda na si Dennis 'yon. Katulad ni Yuri may suot din s'yang itim na coat na halos tumatama na sa lupa. Itim din ang suot n'yang damit at pantalon sa loob ng coat n'ya. Wala s'yang bitbit na kahit ano kaya hindi ko alam kung anong weapon ang ginagamit n'ya. Maiksi ang buhok n'ya, pero mataas ang buhok n'ya sa harapan na animo ay naging bangs. Isa lang ang masasabi ko—ang angas ng  dating n'ya. 'Yopng tipong handang makipagbugbugan sa mga tambay sa kanto. "Oo, s'ya si Dennis," bulong ng lalakeng nagsabing hawig ko si Saishu, "Pero, s'ya si Zen dito sa loob  ng Armenza." Sa pagakakataong 'to, s'ya naman ang sinuri ko ng tingin. Gaya ni Dennis, este ni Zen, wala rin s'yang dalang weapon. Kulay pula ang buhok n'ya na kung madadapuan ng langaw, natitiyak kong mamatay kaagad, dahil sa sobrang tulis no'n. May piercing sa kaliwang kilay. Naka-fitted jeans at white t-shirt na sinapawan ng black leather jacket. Gano'n na lang ang pagkagulat ko nang magpakilala s'ya, "Ako 'to si Michelle. Irchy nga pala ako rito sa loob ng Armenza." Nagpakalalake na nga talaga s'ya. "Ako nga pala si Shin. Si Sherwin talaga ako." Kaagad ko s'yang sinuri ng tingin. Sumingit si Yuri sa usapan, "Mukha na ba s'yang tao at hindi rainbow sa lupa?" Dahil tumawa silang lahat, maliban lang 'ata sa supladong si Zen, nakitawa na rin ako. "Grabe kayo sa rainbow, ha," nakasimangot na sabi ni Shin. Pero, tama naman si Yuri, dahil mas mukha pa talaga s'yang tao sa avatar n'ya kaysa sa tunay na anyo n'ya sa labas ng Armenza. Naka-long sleeve s'ya na silk 'ata ang tela at may nakakabit na kapa sa likod n'ya. Naka-fitted jeans at may nakasabit na espada sa baywang n'ya. Aakalain mo talagang isa s'yang superhero sa ayos n'ya.  Kulay golden yellow naman ang buhok n'ya. Hindi naman masakit sa mata tingnan, mas nakakasira ng mata ang ayos n'ya sa totoong buhay. "I'm Jio," pakilala naman ng may pinakamalaking pangangatawan sa mga lalake, nakasuot ng armor. Para s'yang isang prinsipe na sasabak sa gyera. Nasa likod n'ya ang pananggalang at bitbit n'ya naman ang spear, "Ako 'to, si Carl." Akalain mo nga naman! Ang isang nerd ay isang mandirigma pala! Dumako ang tingin ko sa lalakeng may mahabang buhok katulad ko, kulay asul 'yon at nakatali ang kalahati. Para s'yang ninja sa suot n'ya. Naalala ko tuloy ang lumang anime na pinapanood ko. Para s'yang si Kakashi, nga lang mahaba ang buhok at kulay asul pa. Hayop pa rin sa kagwapuhan kahit avatar lang! Oo, walang iba kung hindi si Stephen, na ayon kay Honey ay si Rim. "Wala na ba kayong planong umalis dito?" Nagsimula nang maglakad si Dennis este si Zen kaya naglakad na rin kami. Pero ang tingin ko ay nasa tatlong babaeng hindi ko pa kilala kung sino si sino. Napansin 'yon ni Honey kaya s'ya na mismo ang nagpakilala sa kanila, "Ito si Sharee." Ang tinuro n'yang babae ay may c-cut na buhok at kulay violet. Matutulis din ang mga tainga n'ya katulad ng sa 'kin. Nakamaong shorts at tube na sinapawan n'ya ng kulay violet din na coat. Nakasuot s'ya ng boots, kaya mas lalong naging sexy s'yang tingnan. "Pero ako talaga si Charmaigne sa totong mundo," nakangiti n'yang sabi. Napangiti ako nang  mailapad, dahil sobrang layo talaga ng mga hitsura nila sa tunay na buhay. Muntik ko na ring masapak ang sarili, nakalimutan ko 'ata na malayo rin sa tunay na ako ang anyo ko rito. "I'm Xy." Kaagad kong nilingon sa kabilang gilid ko ang babaeng may mahaba ring buhok na kulay pink, at dahil do'n, naisip kong baka s'ya si Julia. Gaya ni Sharee, nakamaong shorts din s'ya at spaghetti strap na damit. Nga lang, nakasuot s'ya nga sapatos at may suot s'yang knee protector, may suot s'yang belt at naksabit do'n ang dalawang baril. Ang astig! Pinigilan ko ang sarili na mapasigaw at baka mamatay na ako sa tingin na ibibigay ni Zen. At dahil isa na lang ang hindi pa nakakapagpakilala, walang iba kung hindi si Mika. Wala s'yang bitbit na weapon. Halos magkaparehas sila ng suot ni Yuri, nga lang kulay green ang buhok n'ya na lagpas balikat. "Kiri is the name," bigla n'yang sabi. Nakakatawa lang, kasi nababasa ko naman ang mga hero's name nila, pero nagpapakilala pa rin sila. Ilang minutong paglalakad pa at nakarating na kami sa bahay ng BAS, pero laking gulat na lang namin na may naghihintay na mga nilalang sa labas ng gate. Hindi ko alam, pero nilingon ako ni Zen at biglang lumapit sa 'kin si Rim. Anong nangyayari? "Kalma!" sabi ng lalakeng parang si Joker ang mukha, "Una, aksaya lang sa oras, at pangalawa, hindi kami pumapatol sa 0 HP." Bigla s'yang tumingin sa 'kin. Tiningnan ko ang hero's n'ya pati na rin HP level n'ya. Kareem HP 81 Malakas na s'ya kung gano'n. Bakit pakiramdam ko, ako ang talaga ang sadya nila. "So, anong ginagawa n'yo rito?" Matigas na tanong ni Zen. "Gusto lang naming malaman kung anong kinalaman ng isang 0 HP kay Saishu?" "Ang bubulok ng utak n'yo," sabi ni Zen na naging dahilan ng pagkasa ng mga baril ng mga kasama ng kamukha ni Joker na si Kareem saka 'yon tinutok sa 'min. Pakiramdam ko natatae ako at naiihi. Anak ng kangaroo! Kahit na sa isang virtual world lang kami, pakiramdam ko, mamatay ako kapag pinaputukan nila ako ng baril. "Iputok n'yo!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Rim na nasa tabi ko pa rin. G*go ba s'ya? Kung gusto n'yang sumalo ng mga bala, aba, exit na muna ako! "Ang tatapang n'yong magsalita. Nagtatanong lang naman kami." Kalmadong sabi ni Kareem. "Kung may koneksyon s'ya kay Saishu, hindi kami ang kasama n'ya ngayon." May diin sa bawat salitang binitawan ni Zen. Binaba na nila ang mga baril nila, "Pasalamat kayo at bawal sa loob ng Armenza ang basta na lang magpaputok ng baril kung hindi solo o squad tournament." "Eh, 'di salamat," nang-uuyam na sagot ni Zen. Nagulat na lang ako at isa-isa silang nawala. "Aba mayaman sa skills!" Sigaw ni Shin. Nanatili akong tahimik dahil wala naman akong maintindihan sa mga nangyari. Hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay ay hindi ako umiimik. Binasag ni Honey ang pananahimik ko, "Sila ang Poisoner o Black Poison Squad. Isa sa mga kinakatakutang grupo rito sa loob ng Armenza. Kung tutuusin, p'wede nila tayong saktan kanina gamit lang ang mga kamay nila. Kapag kasi ginamit nila ang mga weapon nila at wala naman sila sa isang solo or squad tournament, madi-detect kaagad 'yon ng security system ng Armenza. At permanent ban sila sa loob ng Armenza. Nangyari na 'yon sa kanila sa Zurilla : World of Bullets, kung sa'n sila unang naglaro." "Sila rin ang mortal na kalaban ng Kings o ang Eminent King Squad na kinabibilangan ni Saishu," dagdag pa ni Sharee. "Dahil siguro sa hitsura mo, akala nila mag koneksyon ka kay Saishu," sabi naman ni Rim. "Kapag nagkataon na nakipag-away talaga sila at nawalan tayo ng life, one month tayong hindi makakapag-move in," mahinang sabi ni Jio. Hindi ko alam na dahil sa hitsura ng avatar ko ay muntik pa kaming mapahamak. Nalilito man ako sa mga pinag-uusapan nila, alam ko naman na hindi 'yon magandang balita para sa grupo. "Sa loob ng Armenza, solo at squad tournament lang ang legal na kung saan p'wede kang makipagpatayan. Aabot lang isang linggo ang nagiging penalty. Kapag napaaway ka at nawalan ng life, one month kang hindi makakapag-move in sa loob ng Armenza. At sa estado ng grupo natin, kailangan nating matapos ang mga daily task ng walang palya, para makatanggap ng coins pang-upgrade. Kailangan nating paghandaan ang squad tournament next month, dahil kailangan na nating manalo at makapagbigay na ng pera sa Axfhell. Kaya kung nagkataong napaaway tayo kanina at nawalan ng life, good bye BAS na rin sana," mahabang litanya ni Honey. Grabe naman, dahil lang sa ginawa kong avatar, muntik pa kaming mapaaway. Biglang tumayo si Zen at akala ko ay makakatanggap na naman ako ng mga masasakit na salit, pero nagkamali ako. "Umpisahan na ang pag-e-ensayo kay Ashrah." Lihim akong napangiti. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD