Chapter 9 - Mga Unang Miyembro ng BAS

1517 Words
Sampung pares ng mga mata ang nabungaran ko pagbukas ko sa pinto ng laboratory. Kasali si Dok Jamaica. "Ikaw?" "Ikaw?" Sabay naming naibulalas ni mister pogi. Hanep! Hindi ko inaasahan 'to! "Magkakilala na kayo?" tanong ni Honey. Si mister pogi ang sumagot, "Kanina sa canteen ng Department of Education. By the way, ako si Stephen." Nakatingin ako sa kamay n'yang nakalahad sa harapan ko. Ayaw ko namang matawag na snob, kaya kahit na nag-aalinlangan ay tinanggap ko 'yon, "Xielo." "Akala ko ba Inday ang pangalan mo?" nagtatakang tanong ni Stephen. Muntik nang masumpa ang aroganteng lalakeng 'yon. "Sa'n mo naman napulot 'yan?" natatawang tanong ni Honey. Magsasalita na sana ulit si Stephen nang may biglang nagsalita sa likuran n'ya, "Kaysa ang dami  n'yong satsat d'yan, mag-move in na tayo, para maturuan na 'yang bagong salta. Mukha pa namang mahina." Napayuko ako sa narinig. Tama s'ya, mahina talaga ako. Pero, ang bilis n'ya naman 'ata akong nahusgahan? "Manahimik ka nga, Dennis," saway ng isang babaeng kulot ang buhok, pero bagay naman 'yon sa ganda n'ya. "Totoo naman," sabi ng lalakeng tinawag na Dennis ng babaeng may kulot na buhok, "Kasama ko si Stephen kanina sa canteen at nakita ko pa'no natuod 'yang bagong salta sa kinatatayuan n'ya. Hindi man lang nakapagsalita at naipagtanggol ang sarili. Baka nakakalimutan n'yo, kahit na virtual world lang ang Armenza, p*****n talaga pagdating sa squad tournament." Kaya pala. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Kahit kailan at kahit saan talaga, napupuna ang pagiging mahina ko. Akala ko talaga makakasundo ko silang lahat. Pero, may isang tao pa rin pala ang ayaw sa mga mahihina. Walang ni isa man lang ang nagsalita. Pakiramdam ko tuloy ang liit-liit ko at hindi ako nababagay na maging parte ng grupo nila. "Miss bagong salta," tawag ni Dennis sa 'kin at kahit hindi ko s'ya nilingon, nagpatuloy s'ya sa pagsasalita, "Ngayon pa lang magdesisyon ka na. Totoong laban ang susuungin natin at ayaw namin ng pabigat." Magsalita ka Xielo! Hahayaan mo na lang ba na ganituhin ka na lang lagi? Ginusto mong sumali rito, dahil gusto mong tumapang, kaya ibuka mo ang bibig mo at ipaglaban ang sarili mo! Bumibilis na naman ang t***k ng puso ko. Sh*t! Ganito na lang palagi! "Stop it, Dennis," mahinang sabi ni Stephen. Ano na Xielo! "Lahat naman tayo dumaan sa pagiging mahina, Dennis," sabi naman ni Honey. Hahayaan mo na lang ba na ibang tao ang magsalita para sa 'yo Xielo! Para na akong baliw. Kung anong laban ang ginagawa ng utak ko, gano'n kahina ang puso ko. "Kita mo na?" Nararamdaman ko ang pang-uuyam sa boses ni Dennis, "Hindi ka nga makasalita r'yan." "Tama na 'yan, Dennis." Nakisali na si Dok Jamaica sa usapan, "Isang team na kayo, dapat nagtutulungan kayo." "Tsk!" Kaagad na umalis si Dennis. Hindi ko man lang naibuka ang bibig ko. Ang hina ko talaga. Ipagpapatuloy ko pa ba 'to? "Pagpasensyahan mo na 'yong si Dennis. Mabait 'yon. Inaatake lang minsan ng kasupladuhan," sabi ng babaeng kulot, "Ako pala si Charmaigne." "Ako naman si Julia." Pagpapakilala ng isang babaeng sa unang tingin ko pa lang ay alam kong kikay na, "May regla 'ata si Dennis." "I'm Mika." Nilingon ko ang babaeng pinakamatangkad sa 'min, "Handa kaming tulungan ka." Wala akong ibang nagawa kung hindi ang ngumiti nang tipid sa kanila. Kasi sa totoo lang, hindi ko alam kung anong sasabihin. Nahihiya ako. Unang pagkikita pa lang naming lahat, pero ganito na ang kaagad ang bumungad. "Ako si Carl," sabi ng lalakeng nakasalamin, sa tingin ko isa s'yang lalakeng-libro, nerd kumbaga, "H'wag kang mag-alala, mahina akong tao, puro lang libro ang kaibigan ko. Pero, dahil sa GSO, nagkaroon ako ng mga totoong kaibigan. Higit sa lahat, natuto akong lumaban. Lilipas din ang init ng ulo ni Dennis." Unti-unti akong nabuhayan ng loob. Isang malaking pagkakataon 'to para sa 'kin. "Yow, I'm Michelle." Sa unang tingin, masasabi kong lesbian s'ya. Pero, ayokong tumulad kay Dennis, nanghuhusga na sa unang tingin pa lang, "H'wag mo na lang pansinin si Dennis." "At ako naman si Sherwin," nakangiting pakilala ng isang lalakeng para 'atang naglalakad na christmas tree. Isang nabubuhay na rainbow. Mula sa suot n'yang kalo hanggang sa sapatos n'ya, puro light color. Pagkakataon ko namang magsalita, "Ahm, pa-pasensya na. Bu-Buong buhay ko kasi, hi-hindi ako nagkaro'n ng kaibigan. Pe-Pero, gagawin ko ang lahat, para matuto at hinding-hindi ako magiging pa-pabigat." "Ayos lang 'yan, Xielo." Nakakahawa ang ngiti ni Honey, "Let's say, mga ate at kuya mo kami. One year na lang at ga-graduate na kaming lahat. Pero, don't worry, may four years pa kami rito sa BAS. Kaya, bago namin iwan ang BAS, palalakasin ka muna namin." Napangiti ako sa sinabi ni Honey. At least, si Dennis lang ang magiging problema ko, pero sana, makasundo ko rin s'ya. "Okay, time for check ups." Pumalakpak pa si Dok Jamaica para kunin ang atensyon namin, "Sa araw na 'to, tuturuan n'yo si Xielo sa paggamit ng weapon n'ya at sa mga basic na gagawin sa isang daily task." "Ah, oo nga pala, Xielo," biglang naisambit ni Honey sabay turo kay Stephen, "S'ya pala si Rim, 'yong sinabi kong isa ring long range weapon user." "Woah!" Ang lapad nang pagkakangiti ni mister pogi, este ni Stephen, "Anong weapon ang pinili mo?" "Bow and arrow," tipid kong sagot. Pakiramdam ko tuloy nagiging ng si Maria Clara ako kapag si Stephen kausap ko. "Nice one! Ikaw ang kauna-unahang gumamit ng gan'yang weapon. Kunai naman ang ginagamit ko." Dahil, hindi ko kayang tingnan ang mga ngiti n'ya sa 'kin ay tipid ko s'yang nginitian. "Kaanu-ano mo si Salvador?" bigla n'yang tanong. Kumunot ang noo ko, dahil wala naman akong kilalang may apelyidong Salvador, "Sinong Salvador?" Kumunot din ang noo n'ya at may bahid na ng pagtataka ang mukha n'ya, "Iyong kasama mo sa canteen kanina." Natigilan ako sandali sa sinabi n'ya. Akala ko ba kapatid ng aroganteng lalakeng 'yon ang classmate kong namatay? Ba't magkaiba sila ng apelyido. Joseph Alarcon ang pangalan ng classmate kong namatay at hinding-hindi ko 'yon makakalimutan. Pero, ba't magkaiba sila ng apelyido? Wala sa sarili akong sumagot, "Ahm, sa supermarket kami nagkakilala. Nagkabanggaan, gano'n." Naalala ko na naman ang huli naming pag-uusap kanina ng aroganteng lalakeng 'yon. "Li-Libre sa-sana kita ng lu-lunch." "Hihintayin kita sa canteen, Inday!" Seryoso ba s'ya? "Ang cute mo." Kaagad ko s'yang nilingon at bumungad sa paningin ko ang nakangiti n'yang mukha. Paken skatsteyp! Ano raw? Ang cute mo Anak ng kangaroo! Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. At dahil nawindang na ang kaluluwa ko sa sinabi n'ya, sumunod na ako kina Honey na papunta sa kwarto kung sa'n kami nagmu-move in. M.I.R 'Yan ang nakalagay sa pinto. Hmm. Move in room? Nakaupo na sila sa mga pwesto nilang stretcher bed, kaya dumiretso na rin ako sa pwesto ko na katabi lang ng kay Honey. Nagsalita si Dok Jamaica habang kinukuhanan ng vital signs si Honey, "Hanggang katapusan magre-recruit ng mga bagong member. Sana lang may makuha si El." "Ang ipagdasal natin, ay ang makasali tayo sa squad tournament next month." Binaling ni Dennis ang tingin sa 'kin, "Baka tuluyan na tayong mabuwag." Matapos kay Honey, ay kaagad nang pinuntahan ni Dok Jamaica si Dennis at kinuhanan ng vital signs, "Check natin una ang blood pressure mo, baka na-high blood ka na." Narinig ko ang pagtawa ng iba. Yumuko lang ako, dahil hindi ko talaga kayang tanggapin ang mga tingin na tinatapon ni Dennis sa 'kin. "Ikaw ang huling member sa ngayon, Xielo," sabi ni Honey at nilingon ko s'ya, "Kaya ikaw ang huling kukuhanan ng vital signs. So, ikaw ang huling makakapag-move in. Hihintayin ka namin." Napangiti ako. Kung may isang taong ayaw sa 'kin, at least may walong tao namang maghihintay sa 'kin. Nakapag-move in na silang lahat at ako na ang kinukuhanan ng vital signs ni Dok Jamaica, "Gano'n lang talaga si Dennis. Pero, pagdating sa labanan, hinding-hindi 'yon nang-iiwan." Siguro nga tama si Honey. May kani-kaniya kaming mga kwento. Sana malaman ko kung ba't gano'n na lang ang inis ni Dennis sa 'kin. "Next month ka na makakasali sa picture frame, hihintayin muna nating matapos ang katapusan ng buwang 'to." Binigay n'ya na sa 'kin ang headgear ko pati na rin ng national id ko. Tinanggal ko ang salamin ko sa mata at ibinigay 'yon sa kan'ya. Swipe. Suot. Higa. "Connect." Hindi pa rin nasasanay ang mga mata ko, kaya napapikit ako. Nang maramdaman kong nawala na ang liwanag, saka ako nagmulat ng mga mata. Kaagad kong kinapa ang mukha ko at tiningnan ang kulay ng balat ko. Napangiti na lang ako. Ako na ulit si Ashrah. Lumabas na ako sa hugis garapon na napapalibutan ng salamin. Hanggang ngayon, hindi ko pa alam kung anong tawag dito. Tinungo ko na ang daan na nagliliwanag at hindi tulad nang una kong tapak dito, ang malaking gate kaagad ang sumalubong sa 'kin at hindi ang mahabang kalsada. Kusang bumukas ang gate at sa hindi malamang dahilan, nanindig ang mga balahibo ko nang sabay-sabay na lumingon ang mga nilalang na naghihintay sa pagdating ko. Ang mga unang miyembro ng BAS. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD