HANDA na si Giana na masaktan at mabasag ang bungo dahil sa boteng tatama sa ulo niya subalit walang ganoong nangyari at narinig na lang niya ang umuungol na sakit at ang pagsigaw ni Bonila sa pangalan ng asawa niya at nang magmulat siya ng mga mata ay si Louie iyon na hawak sa kwelyo si Gado at duguan na ang nguso nito. “Who the f-ck are you to hurt my wife! You will regret today that your dirty hand lay on my wife's face!” galit na sabi ni Louie saka binitawan ang nanghihinang si Gad at lumapit sa kaniya saka siya inalalayang patayo pero kahit sa kaniya ay ang sama ng tingin ni Louie. “A-Ate, may sugat ka,” nag-aalalang sabi ni Arealli sa kaniya. Ngumiti lang siya sa kapatid saka hinaplos ang pisngi nito na may sugat din. “Meron ka rin,” aniya. “Ano ba namang unang bonding natin it

