TINANGHALI ng gising sina Giana at Louie dahil halos madaling-araw na sila nakatulog sa pagtatalik nila buong gabi. Mabuti na lang din ay hindi umuwi si Juana at sa bahay na ng magulang nag-agahan. Sinabihan na rin niya sa message si Juana na huwag nang umuwi dahil pupunta sila mag-asawa sa bahay ng magulang sa tanghalian at doon na rin kakain. Pagpunta nila sa bahay ng mga magulang ay sumalubong ang Papa ni Giana na nasa labas ng bahay at namili ng soft drinks saka sinabing may dumating silang bisita. Nagtaka si Giana pero nakadama ng excitement dahil mukhang malapit sa pamilya nila ang bisita dahil kita naman ang saya sa mukha ni Papa at ito pa talaga ang bumili ng inumin para sa bisita. Pagpasok nilang mag-asawa sa bahay ay kita kaagad ang sala at nandoon ang bisita nakaupo sa sofa ka

