“PINAPAPUNTA tayo ni Mama sa bahay nila,” sabi ni Louie sa asawa sa araw na iyon. Mag-iisang buwan na si Giana sa pamamalagi sa Bulacan sa pamilya nito at nakikita niyang talagang nagkakaayos na ang buong pamilya ng asawa at kahit siya ay nakaayos na rin si Papa na nagalit din sa kaniya noon. Nakikita niya na ang saya-saya ni Giana dahil nakasama nito muli ang pamilya at talagang bumabawi ito sa lahat ng naging pagkakamali nito. “Okay lang naman sa akin, Louie. Gusto ko ngang makilala ang Mama, Tita at kapatid mo nang lubusan saka makahingi ng sorry dahil sa inasta ko sa kanila nang magising ako na walang maalala,” payag ni Giana sa sinabi niya kanina. “Sige, bukas na tayo pumunta. Tatawagan ko si Mama na pupunta tayo doon at magpaalam na rin tayo kina Papa na aalis tayo,” tugon ni Loui

