Chapter 57

2786 Words

NANG sumapit ang gabi at oras na para matulog ay nagdesisyon na sila Giana na umuwi sa bahay nila. Nasa daan sila naglalakad pauwi ng bahay ng lapitan siya ni Louie at hawakan ang kamay niya. Hinila niya ang kamay niya pero mas malakas si Louie at hindi siya binitawan. “Sorry na,” bulong ni Louie sa kaniya. Gustong matunaw ng sama ng loob ni Giana sa puso dahil sa pakikipaghalikan nito kay Bettina pero dama pa rin niya ang sakit ng pakiramdam niya’y pagtataksil ng asawa sa kaniya dahil sa ginawa nito kasama si Bettina. Nauna nang naglakad si Juan dahil mukhang napansin nito na kailangan nilang mag-usap ni Louie. “Sige, pinapatawad na kita,” tugon niya saka muling naglakad. Hindi rin naman siya titigilan ni Louie kung hindi niya sasabihin na pinapatawad ito pero sa puso niya nandoon pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD