NAKASUOT ng swimsuit si Giana pero may nakatakip na manipis na dress na kulay white dahil ayaw ni Louie, na masiyadong ipakita ang katawan niya sa ibang tao at sinabi pa nito sa kaniya, na ang asawa lang daw niya dapat ang makakita ng hubad niyang katawan kaya wala na siyang choice kundi sundin ang gusto nito habang si Louie naman ay nakasuot ng short at makulay na polo pero nakabukas ang ilang butones kaya kita ang dibdib nito. Nasa dalampasigan silang mag-asawa at nakaupo habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Hiniling ni Giana na pagmasdan nila ang paglubog ng araw bago maligo sa dagat dahil matagal na niya iyong pinangarap kasama ang lalaking mahal niya, na ngayon ay natupad naman. “May kwento ako sa’yo, bo,” untag ni Louie habang tahimik silang pinapanood ang paglubog ng araw.

