HINDI naman malalim ang nakuha ni Giana na sugat sa braso kaya matapos gamitin ng Doktor ang sugat niya ay sinabihan na sila ng Doktor na puwede na nang umuwi sa bahay at niresetahan na lang ng mga gamot na pangpatanggal ng hapdi at pangpagaling ng sugat. Nakaupo si Giana sa upuan sa hallway ng Ospital habang inaantay si Louie na bumili naman ng gamut. Pinagmasdan ni Giana ang may gasa sa braso niya at dahil pinainom siya ng pangtanggal ng hapdi ay nawala ang sakit na nararamdaman kanina. “Hermella?” Napalingon siya sa nagbanggit na iyon ng pangalan niya at isang magandang babae, na may kasamang cute na batang babae ang tumawag sa kaniya. Napakunot pa ang noo niya dahil sa emosyong mayroon sa mukha nito habang lumalapit sa kaniya. “We haven't seen each other in a long time. How are y

