DAHIL sa nangyari kay Giana ay palagi nang umuuwi si Louie nang maaga sa bahay para asikasuhin siya. Sa umaga hindi aalis si Louie na hindi pa siya nakakaligo at tinutulungan siya ng asawa kahit sa pagligo at sa agahan sa gabi naman ay binibihisan siya nito para makapagpalit ng pantulog. Napapansin ni Giana na napapalunok ng laway si Louie at alam niyang nag-iinit ito sa tuwing nakikita ang hubad niyang katawan pero dahil may sugat pa siya sa braso at kamay ay hindi naman nagtangka itong angkinin siya o halikan siya sa labi. Nakakadama tuloy si Giana ng tuwa dahil sa pag-aalala nito sa kaniya. Ngayong araw ay walang trabaho si Louie at kahait alas-diyes na ng umaga ay nakahiga pa sila sa kama habang nakayakap si Louie sa katawan niya. Nakapikit ang mga mata nito habang siya naman ay ti

