Sunday has come and it’s Krizette pre-wedding photoshoot day. Wala kaming pinag-usapan ni Irene kung ihahatid o sasamahan ko siya roon kaya no sight of her today. I have no usual plans for Sunday, but I have a special plan for this day.
Bago bumangon ay tinawagan ko ang isang kaibigan. “Kumusta na?... Good, sige sige.” Nakangiti akong pumasok ng CR para maligo. Pagkatapos maligo ay isinuot ang gray three-fourth polo paired with white pants na kagabi ko pa hinanda.
Bumaba na ako at bumungad si Papa na nasa sala at nagkakape. “Ayos ang pormahan natin, ah?”
“Syempre, it’s a special day.” Inayos ko pa ang kwelyo ko. “I wish you luck, Dominic. You got it,” and tapped my shoulder.
“Thanks, Pa.”
Lumabas na ako at nandyan na ang one call away taxi. Ito ang mahirap sa walang sasakyan. Pero kaunting tiis na lang at magkakaroon na rin.
The taxi drove off to the location. Pagkarating ay sinalubong ako ni Jake, my photographer friend.
“How is it going?” tanong ko.
“All set, siya na lang hinihintay.”
I just nod and take a look at the whole place. It is a combination of nature’s green and white decorations. The cold breeze is just fine to cool up everyone. It’s calming, opposite of what I am feeling right now.
“She’s coming, Dominic!” tarantang sigaw ni Krizette.
“Krizette, kumalma ka nga. Dagdag kaba ka rin eh,” I retorted.
“Sorry, kinakabahan din ako eh.”
Pumunta ako sa mini bridge na nagsilbing stage, sa ilalim ng bridge ay ang man-made river na may floating scented lotus. I inhaled-exhaled to calm myself. But it didn’t help when I saw her smiling brightly at the entrance with Krizette. She’s wearing a white flowing dress making her more radiant. She’s making her way now, and as soon as she sees me, our eyes meet, and a sweet music starts to fill the venue.
Her smile faded. She was stunned when Krizette left her at the center.
Bumaba ako sa bridge at sinalubong siya since she really doesn’t have the idea. Nang makalapit ay nag-alanganin pa akong kunin ang kamay niya dahil ramdam kong malamig ang kamay ko sa sobrang kaba.
“Anong nangyayari?” tanong niya. Ngumiti lang ako at iginiya siya papunta sa harap.
“Dominic,” bigkas niya sa pangalan ko na may halo ng pangbabanta, kumpleto na nga eh.
“It’s Krizette's pre-wedding photoshoot?” I replied, teasing her.
“Well, it doesn’t look like it,” pagtataray niya pa.
“Then, what does it look like?”
“Why are you here? Isa ka sa mga groom’s men?”
Hindi ko na siya sinagot dahil hindi na namin nararamdaman ang moment.
--
“Irene, I know you don’t have the idea, so let me give you the idea. Seven months ago, nakita kitang muli sa reunion, you don’t know how happy I was at that time. Wala akong sinayang na panahon, I confessed my love for you. I’m so happy when you let me court you. Days when we’re together are my most treasured memories, making me fall in love with you every second. Araw-araw rin akong naglalakas-loob para sa moment na ito at mas binigyan mo ako ng lakas noong biruin kita tungkol sa kasalan and you said, “Handa ka naman…” Inulan kami ng hiyawan mula sa mga malapit naming batchmate na siyang narito ngayon para sumuporta.
“Today, with all the courage, strength, and my greatest love for you…Irene, will you be officially my girlfriend?”
They chanted yes and I’m just smiling but deep inside I’m freaking nervous. I can see confusion in her eyes. Without using a mic, I told her, “Don’t be pressured, Irene. I will give you more time, I’m not on a rush.” Napayuko ako while trying to explain. “I guess I’m just getting excited — “
“Yes.” Awtomatikong napaangat ang tingin ko sa kanya. Umaalingawngaw sa utak ko ang sagot niya, hindi ko na nga naririnig ang mga hiyawan nila.
“Talaga?” Mas lalong dumoble ang lakas ng t***k ng puso ko. Tumango-tango siya, “Yes… you are officially my boyfriend,” malapad ang ngiti niyang wika.
“I love you, Irene Castor! Whoo!” Hindi ko naitago ang saya ko kaya napasigaw ako. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit. I cupped her face and we’re leaning on each other’s forehead. “I’ll make sure you won’t regret this decision,” sabi ko. Nang ibaba ko na sana ang kamay ko ay pinigilan niya and gave me a smack on the lips. I was shocked. I didn’t kiss her, afraid that she’ll think I am now stepping on the limits. But she insists, so I seconded.
MATAPOS ang mahabang araw namin ni Irene ay inihatid ko na siya at ako nama’y umuwi na. Isang araw lamang pero pakiramdam ko’y lumipas ang taon dahil sa sayang nadarama ko, para bang hinihele ako sa labis na kasiyahan at kapayapaan ng damdamin.
“Pa?” tawag ko nang makapasok na sa bahay. Naabutan ko siyang nanonood ng action movie, pagkatawag ko ay nilingon niya ako. Parang baliw pa rin akong ngumingiti kaya sigurado akong napansin niya iyon dahil siya rin ay nahawa sa ngiti ko.
“Hindi ko na kailangan tanungin ko ano ang inspirasyon ng ngiting ‘yan,” aniya. Sa sobrang saya ng pakiramdam ay niyakap ko si Papa, naramdaman ko naman ang pagtapik niya sa likod ko. “I’m happy for you, anak.”
Kumalas ako sa yakap. “Salamat, Pa.”
“Sana magtagal kayo, anak. Ingatan mo siya, ‘wag na ‘wag kang magloloko.”
“I won’t Pa,” nakangiti kong tugon.
Lumipas ang mga araw ay wala namang nagbago sa aming gawi. I would send her morning messages and her reply will light up my day. After that sabay kaming magla-lunch, sometimes with Papa’s specialty, sometimes kung saang makakainan. Minsan, sa mamahaling restaurant kami kakain minsan naman ay kahit sa tabi lang. Hindi siya maarte, and I love her more for that.
Sometimes, I would just stare at her and says, “Ang swerte ko sa kanya.
Naglalakad ako sa hallway ng university at papasok na sa classroom. Agad namang nagsi-transform ang mga estudyante ko.
“Good morning,” bati ko.
“Good morning, Sir.”
“How’s your lunch yesterday?” sigaw ng estudyante kong lalaki kaya napatingin ako sa kanya at suot-suot niya ang mapang-asar niyang ekspresyon.
“Yes, how about my lunch?” I asked professionally.
“Girlfriend mo po ‘yon, Sir?” singit naman ng katabi niya. Nagtilian ang mga babae kong estudyante. Napahawak na lang ako sa ilong at napapikit. Nakita siguro kami nito kahapon.
“’Wag ka ng mahiya, Sir.”
“Yes,” sagot ko na lamang. Mas lalong lumakas ang tilian.
“Sir, how to be her po?”
“Maganda?”
“I-describe mo nga siya.”
“May picture ka?” Daldalan nila na parang wala ako rito.
“Sir, paano na kaming umaasa sa’yo?” Napaangat ako ng tingin mula sa pagseset-up ng laptop ko dahil sa tanong. Bahagya akong napangiti.
“The right man will come to you,” tanging nasabi ko bago mag-umpisa. “Okay, let’s start.”
“Aww,” they react in chorus.
“Patay, ganado si Sir mag-discuss nito.”
Napapatawa na lang ako sa mga reaksyon ng mga estudyante ko.
Lunch time at papunta na sana ako sa kanya nang matanggap ko ang text niya.
Loves, I’m sick. Umuwi ako.
Pagkabasa ay agad ko siyang tinawagan. Nasa apartment siya at hindi ko siya mabisita, ayoko namang pilitin siyang hayaan akong pumunta sa kanila. Kaya tinawagan ko na lang si Krizette para pumunta at magpabigay ng gamot at pagkain.
And I texted her, Kriz is on her way there. Pagaling ka, loves. I love you.
That one lunchtime na hindi ko siya nakasabay dahil nagkasakit siya at hindi ko siya mapuntahan turned 3 days, 1 week, and up until now. It’s been three weeks!
What the hell happened?