I flooded her with my messages and missed calls, ni isa wala siyang reply. Hindi na siya nagparamdam, iyong nagkasakit siya ang last text niya. Para na akong mababaliw. Pumunta ako sa bankong pinagtatrabauhan niya and she’s on sick leave. Normal bang sakit ang pinagdadaanan niya o seryoso na? ‘Wag naman sana. Bakit hindi man lang siya nagsasabi sa akin? Para niya akong iniwan sa ere. Noong una’y inintindi ko siya, but up to now? This is too much. I miss her badly.
I called Krizette instead. With just two rings she picked up.
“Hello, Kriz may nasabi ba sa’yo si Irene?”
Wala naman, bakit?
“Hindi ba kayo nakapag-usap? Kumusta na ba siya?”
Hindi. Teka, may problema ba?
“Three weeks nang ‘di niya sinasagot ang text at tawag ko.”
Huh, medyo matagal na rin kaming ‘di nakapag-usap eh. Ang last naming pagkikita ‘yong pumunta ako sa kanila dahil nagkasakit siya. Nag-away ba kayo?
“Hindi kami nag-away, that’s why I’m clueless about this. Biglang hindi na siya nagparamdam.”
Oh my. This is a problem. Susubukan kong kontakin siya, Nic. If I can reach her, I’ll contact you.
“Thanks, Krizette.” Mabigat ang loob na pinatay ko ang tawag.
Pagkatapos ay bumalik ako sa pag-dial ng number niya. “Anak, umupo ka nga muna.” I stopped pacing back and forth. Umupo ako sa sofa at ‘di ko naiwasang sabunutan ang sarili. “Kalma anak, you need to think. Kung magpapadala ka sa frustration mo, baka mabaliw ka,” ani Papa habang tinatapik pa ang balikat ko.
“Pa, what should I do? I can’t reach her?”
“Bakit hindi mo siya puntahan sa kanila?”
“Kung pwede lang Pa, matagal ko nang ginawa.”
“Bakit, hindi ba pwede?”
“Magagalit ang Tita niya, bawal ang lalaki sa apartment nila at ayaw nitong magka-boyfriend siya.”
“Oh, c’mon Dominic, you are both old enough. 24 na kayo pareho. What are you talking about na magagalit ang Tita ‘pag magka-boyfriend siya? Hmm… let me guess, matandang babae ang Tita niya?” Dahan-dahan akong napatango. “Ipakilala mo sa’kin para ‘di siya maging bitter sa lovelife ng pamangkin niya,” natatawa niyang turan.
“Papa naman eh.”
“Biro lang. Pero seryoso puntahan mo na sa kanila. You are on the right side, Dominic. Tatlong linggo nang hindi siya nagpaparamdam sa’yo. You are just her lover who is sick and worried.” Matagal kong tiningnan si Papa. “Ano? Titingnan mo lang ako? Dapat gumalaw-galaw ka na. Galawang Dominic Gello.”
“Thank you, Pa. The best ka.” Agad akong gumayak and the next thing nasa taxi na ako papunta sa kanila. Patuloy ko pa ring dina-dial ang number niya, umaasang sagutin niya ‘cause it’s definitely ringing kaya bakit hindi niya sinasagot?
“Dito lang po,” sabi ko sa driver at bumaba sa labasan nila. Medyo masikip na kasi sa looban kaya hindi na makakapasok ang mga sasakyan, motorsiklo pwede pa. Naglakad ako patungo sa 2-storey building, which is the apartment. Tuloy-tuloy ang pasok ko dahil wala namang gate, diretso lang, hanggang sa may nakasalubong akong babae.
I cleared my throat, “Uhm…excuse me po, nandito ba si Irene Castor?” tanong ko. Biglang tumaas ang kilay ng babae, medyo may katandaan na rin siya na sa tingin ko’y nasa mid-40’s. Hindi ko pa nakikita ang Tita ni Irene kaya hindi ako sigurado kung siya ito.
“Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?” mataray nitong tanong.
“Ah… katrabaho niya po ako. Pinadala po ako ng boss namin para kumustahin siya since naka sick leave siya and we’re thinking po na baka may maitulong kami sa kanya kung ano mang kailangan niya.”
Sometimes, we need white lies.
Biglang lumambot ang ekspresyon ng babae. “I’m Emma, pamangkin ko si Irene. Nag-sick leave lang siya? Naku, ang tigas talaga ng ulo, akala ko nag-resign na siya. Ba’t nag-leave lang?” Nagulat ako sa mga lumabas sa bibig niya.
“Ay teka po, bakit po siya magre-resign?” nagawa kong itanong kahit na nagsimula nang dumoble ang t***k ng puso ko dahil sa kaba.
“Bumalik na siya ng France noong nakaraang linggo, nagkaayos na kasi sila ng asawa niya. Kita mo rin ‘yon, nag divorce divorce pa, magkakabalikan lang din pala. Ang laki kaya ng nagastos para lang magpa-divorce…”
Hindi ko na narinig pa ang kasunod niyang mga sinabi dahil pabalik-balik sa utak kong nagkabalikan sila ng asawa niya.
…nagkaayos na kasi sila ng asawa niya.
…nagkaayos na kasi sila ng asawa niya.
…nagkaayos na kasi sila ng asawa niya.
Anong asawa? May boyfriend siya at ako ‘yon.
Pinilit kong ngumiti. “Si Irene po ba ang tinutukoy niyo? Baka nagkakamali po kayo?” Ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko, dagdagan pa ng puso kong ano mang oras pakiramdam ko ay sasabog.
“Si Irene nga iho, saan naman ako magkakamali?”
“Wala po siyang nabanggit na may asawa siya.”
“Divorcee, oo dati. Ngayong nagkabalikan naman na sila, may asawang tao na talaga siya. Tsaka alam mo ‘yang si Irene, hindi makwento ‘yan eh. Kung hindi mo tatanungin, walang lalabas tungkol sa sarili niya ‘yan.”
Ramdam ko na rin ang pag-init ng mga mata ko, alam kong ano mang oras ay may tutulong butil ng luha mula rito.
“Ah… pwede po bang tawagan niyo siya?” Pilit kong pinatatag ang boses kahit pakiramdam ko’y mababasag na ito at mawawalan ako ng boses.
“Ha? Naku iho, ang mahal pa naman ng overseas call pero teka sige, sandali at kukunin ko ang cellphone.” Pagkapasok ni Tita Emma ay agad akong tumingala, pilit pinipigilan ang luha.
Irene! Irene! Damn! Please tell me, this is not happening, that I just misheard everything!