" Hindi ko alam kung paano ko ipaliwanag sa kanilang lahat kung bakit nagawa kong patayin silang dalawa. Punong-puno na nang lungkot at galit ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit nagawa akong lokohin nina Carlos at Agatha. Hindi nila ako makitang malungkot dahil matapang ako, ayokong ipakita sa mga taong nakapalibot sa akin na mahina ako. Ayokong tawagin nila akong talunan. Hindi ko masisi si Jasmin kung nagagalit siya sa akin. Kasi mahina siya at hindi niya alam ang totoong dahilan kung bakit masungit ako sa kanya. Dahil ayokong lumaki siyang mahina at nakadepende sa ibang tao. Pero masama akong ina para sa kanya. Alam kong hindi ko alam kung paano magpalaki ng anak. Pero ginawa ko naman ang lahat para maging mabuti akong ina sa paraang gusto ko. Pero bakit hindi niya ako naiintindih

