Umuwi ka muna sa bahay Marco. Sa bahay na natin pag-usapan ang lahat. At ikaw Danica ayoko nang makita ang mukha mo! Mag-file kami ng kaso laban sa 'yo. Kailangang pagbayaran mo ang nagawa mong kasalanan Danica. Umalis ka na sa mansion ayokong makita pa ang pagmumukha mo." seryosong wika ni Franco. Nagulat si Danica sa sinasabi nito kaya lumapit siya kay Franco at sinampal niya ito. "Wala kang karapatang palayasin ako Franco! Dahil mag-asawa tayo!" kinuha ni Danica ang kanyang handbag at nagmamadaling lumabas sa opisina. Maagang umuwi si Marco sa mansion dahil wala siya sa mood magtrabaho. Nakita niyang lasing na naman si Jasmin. Nakatayo ito sa tabi ng swimming pool. Pinagmamasdan niya lang si Jasmin. lapitan sana niya, nang biglang lumapit si Angela sa kanya. "Marco nandito ka na

