CHAPTER 2

1054 Words
"Arogante! Baka akala mo natatakot ako sa 'yo! Puwes hindi! Tingnan natin kung sino ang matibay sa ating dalawa! Hindi ako magpapatalo sa 'yo!" sigaw ni Jasmine kay Marco, nagmadali na rin siyang umakyat sa taas para magshower at matulog. Kinabukasan, nagising siya sa lakas ng kanyang alarm clock. Nagmamadali siyang naligo at nagbihis dahil meron siyang importanteng pupuntahan. Patakbong bumaba si Jasmin sa hagdan halos tumalon na siya sa sobrang pagmamadali bitbit niya ang kaniyang guitar. Pagdating niya sa baba inaayos niya ang tali ng kaniyang sapatos nakatuwad siya kaya wala siyang alam na nasa harapan niya na si Marco. Pagtayo niya nagulat siya nang magkadikit na ang mukha nilang dalawa, naamoy niya ang mabangong hininga ni Marco at hindi niya namalayan na pumikit na pala siya habang inaamoy niya ang hininga nito. Dumilat siya nang patunugin ni Marco ang bitbit niyang guitara. Kinindatan siya ng binata sabay talikod sa kaniya at nag-iwan pa ito ng pilyong ngiti na para bang may ibig sabihin. Napipikon na siya kay Marco at gustong-gusto niya na itong sakmalin. "Grrr. . . Marco! Marco! Bumalik ka rito!" Hindi nakikinig si Marco sa kaniya kaya nilapitan niya ito at hinampas niya ito ng guitara. "Hey! Bakit ka nanakit? Anong kasalanan ko sa 'yo, Jasmin?!" singhal na tanong ni Marco. Pero hinampas pa rin siya ni Jasmin ng guitar. "May gana ka pang matanong, Marco habang umuusok ang ilong ko sa inis ko sa 'yo! nanadya ka ba talaga puwede ba sa susunod huwag kang humarang sa dinadaanan ko, para hindi na maulit ang nangyayari kanina!" saad ni Jasmin. "Hahah bakit Jasmin na-realized mo ba na para kang aso na inamoy-amoy ang katawan ko? At pinikit mo pa ang mga mata mo? Pinagnanasaan mo ba ako Jasmin? Alam mo ba na hindi mo ako puwedeng magustuhan dahil sa mata ng mga tao ay mkapatid tayo?" nakangiting turan ni Marcelo. Mas lalong naasar si Jasmin sa kaniya at tinalasan niya nang tingin ang binata. "Shut up Marco! I hate you! Kahit kailan hindi kita magugustuhan!" "Promise, Jasmin? haha!" kinuha ni Marco ang kaniyang cellphone at pinakita niya kay Jasmin ang picture. Hindi napansin ni Jasmin na kinunan siya ng picture ni Marco habang nakapikit siya kanina. Galit na galit si Jasmin at hinablot niya ang cellphone ni Marco. Pero mabilis na inilayo ni Marco ang kaniyang kamay. "Marco, e-delete mo 'yan! Delete mo sabi eh!" inagaw ni Jasmin ang cellphone ni Marco pero hindi niya makuha kaya't sinuntok-suntok niya si Marco sa dibdib. Hindi pa rin tumigil si Jasmin at inagaw niya ang cellphone. Na-out of balance si Marco at sabay silang dalawa na bumagsak sa sahig, nakapatong si Jasmin kay Marco. Tinititigan ni Marco ang kaniyang mukha, ang kaniyang mga mata, at ang kaniyang malambot na labi. Hindi makagalaw si Jasmin dahil sa init ng kaniyang katawan parang may kuryente na gumagapang sa kaniyang mga ugat. Hindi niya namalayan na dumikit na ang labi ni Marco sa kaniyang labi. Sinipsip ni Marco ang kaniyang labi, mapangahas na pinasok ni Marco ang kaniyang dila sa bibig ni Jasmin. Narinig ni Jasmin na may nag-flash kaya agad siyang natauhan. Kinukunan na naman siya ng picture ni Marco. Da kaniyang, galit sinampal niya si Marco at tinulak niya ito. Tumakbo siya palabas ng bahay at sumakay siya sa kaniyang kotse. Mabilis niya itong pinatakbo, halos paliparin niya ang kaniyang kotse sa sobrang bilis. Naiwang nakangiti si Marco. Nagulat siya nang lumapit ang kaniyang ama nakita kasi nito ang pag-alis ni Jasmin. "Anak, nag-aaway na naman ba kayo ng kapatid mo? Bakit pinalipad niya ang kaniyang kotse? Ginagalit mo na naman yata, anak." Tanong ng kaniyang ama. Nakangiti pa rin si Marco at tila ba nag-e-enjoy pa siya sa pang-aasar kay Jasmin. "Daddy, asar talo lang 'yon sa akin, pero hindi ko naman inaaway masarap kasi asarin kasi pikunin." Paliwanag ni Marco sa kaniyang ama. Ngumiti na lang si Franco, dahil hindi naman niya nakita kung ano ang nangyayari sa dalawa kanina. "Franco, nakita mo ba si Jasmin? Bakit ang aga nawala sa kaniyang kuwarto? Saan ba siya pumupunta? Kagabi hindi ko alam kung ano'ng oras na siya dumating." Tanong ni Danica, ito kasi ang lagi nilang pag aawayan ni Jasmin. Madalas umaga na kung umuwi dahil sa pagkanta sa bar kung nasaan nagtatrabaho si Jasmin bilang singer. Matalik niyang kaibigan ang may ari nang bar na 'yon kaya kampanti si Jasmin na tumugtog at kumanta. Maganda ang kaniyang boses at marami na rin siyang tagahanga. Kahit ano'ng pakiusap ng kaniyang ina na tigilan na niya ang kaniyang pagkanta sa bar na 'yon ay ayaw niya pa rin magpaawat. Si Franco, na lang ang nagsasabi kay Danica na hayaan na lang si Jasmin kung saan niya gusto. Ayaw niyang magkimkim ng galit si Jasmin sa kanila kaya ayaw niyang pilitin ang dalaga na tumulong sa kanilang company. "Danica, pabayaan mo na siya alam na ni Jasmin ang mga ginagawa niya. Hayaan mo siyang mag-enjoy, magsasawa din 'yon balang araw at susundin niya na ang gusto natin na silang dalawa ni Marco ang magpapatakbo ng company, sa ngayon huwag mo muna siyang higpitan para hindi lalong lumalayo sa atin." Paliwanag ni Franco kay Danica gusto kasing kontrolin ni Danica ang kaniyang anak pero mas lalo itong lumala. MADALING araw na naman umuwi si Jasmin. Nagmamadali siyang umakyat sa hagdanan nang harangan siya ni Marco. Pinandilatan niya ito ng mata at mabilis niya itong tinulak. "Sinabi ko na sa 'yo na huwag mo na akong lapitan! Bakit ba ang tigas ng ulo mo Marco!" singhal ni Jasmin. "Spoiled brat! Ganito ba ang lagi mong ginagawa? Umuwi ka kung kailan mo gusto? Balita ko kahit si daddy hindi mo pinapakinggan hindi ka ba kayang desiplinahin ng ina mo? Hinayaan niya na lumaki ang ulo mo?" tanong ni Marco kay Jasmin. "Umalis ka sa dinadaanan ko!" sigaw ni Jasmin at nagmamadaling tumakbo sa kaniyang kuwarto. Sinundan siya ni Marco at mabilis niyang sinara ang pinto pero tinulak ito ni Marco at nakapasok siya sa loob. Galit na galit si Jasmin at tinulak niya palabas si Marco. "Lumabas ka rito! Bakit ka pumasok sa kuwarto ko? Labas!" singhal ni Jasmin kay Marco. Hinawakan ni Marco ang kamay ni Jasmin at tinulak niya ito sa kama, bumagsak si Jasmin at nagulat siya nang hinubad ni Marco ang kaniyang tshirt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD