CHAPTER 3

1161 Words
"Spoiled brat ka, 'di ba? Tingnan natin kung hanggang saan mo ipagpatuloy ang ugaling ganiyan," saad ni Marco. Nagtangkang bumangon si Jasmin pero tinulak siya ni Marco. "Diyan ka lang! Huwag kang bumangon." Dahan-dahang bumaba ang labi ni Marco sa labi ni Jasmin. Tinulak siya ng dalaga pero malakas ang binata. Mas pinasok pa ni Marco ang dila niya sa bibig ni Jasmin. Ilang sandali pa ay nanlalambot na ang dalaga. Mainit niyan tinanggap ang dila ng binata na nilalaro ang kaniyang dila. Lumingkis sa leeg ni Marco ang kaniyang braso at umigtad na siya sa bawat pagsipsip ni Marco sa kaniyang dila. Hanggang sa bumaba ang dila ni Marco sa kaniyang leeg. Umungol si Jasmin nang dinila-dilaan ng binata ang kaniyang leeg. Nagulat si Jasmin nang tumayo si Marco at nagsuot ng damit. "Matulog ka na, Jasmin. Sana mapaginipan mo ako para masarap ang tulog mo," wika ni Marco at lumabas na ito ng kuwarto. Naiwang nahihiya si Jasmin dahil ilang beses na ba ginawa ni Marco sa kaniya na halikan siya at iwanan na lang bigla. Kinuha niya ang kaniyang towel at nag-shower upang matanggal ang init ng katawan niya, dahil sa ginawa ni Marco sa kaniya. Kinabukasan, hindi siya nakaligtas sa bibig ng mommy niya. Nagsisimula na naman itong maglitanya. "Jasmin! Late ka nang umuwi kagabi? Ilang beses ko nang sinasabi sa 'yo iwanan mo na ang pagtugtog mo at tulungan mo si Marco na magpapatakbo sa company!" sigaw ni Danica. "Mommy, no! Kunin niyo na ang lahat-lahat, Huwag lang ang pagtugtog ko. Saka mommy, tumutulong naman ako sa company ninyo ni daddy eh, 'di ba? Pero ayaw kong ialay ang buhay ko sa company. Hayaan mo na lang si Marco na magpatakbo mag-isa. Huwag na ako. Saka mommy hindi kami magkasundo ng mokong na 'yon! Ayaw ko sa kan'ya, mommy kaya hinihingi ko ang pag-intindi niyo." Seryosong saad ni Jasmin. Naabutan sila ni Franco na nag-aaway kaya inawat niya ang dalawa. "Danica, hayaan mo na lang si Jasmin pabayaan mo na lang kung ano ang gusto ng anak mo. As long as nag-enjoy siya sa ginagawa niya. Do let it go. Huwag mong pagbawalan," saad ni Franco. "Franco, kaya 'yan lumaki nang ganiyan dahil konokonsenti mo, ilang beses ko bang sabihin sa' yo, Franco turuan mo siya kung paano dalhin ang company. 'Yan ang pamana natin sa kanila ni Marco. Kaya seryosohin ninyong dalawa," saad ni Danica. "Mommy, ayaw kong makasama si Marco.Galit ako sa kaniya. Hindi kami magkakasundo. Kaya huwag mo nang ipilit, mommy," saad ni Jasmin habang nakasimangot. "Anak, sinabi na ba sa 'yo ni Marco na siya na ang bagong CEO ng company natin? At ikaw assistant ka niya. Bawat desisyon ng company ay dumadaan kay Marco. Sana magtulong-tulong kayong dalawa kasi kung wala na kami ng mommy niyo, kayo na lang ang maiiwan. Mabuti nang alam niyo na kung paano ipagpatuloy ang mga naiwan namin ng mommy mo," paliwanag ni Franco. "Anak, makinig ka sa daddy mo. Ikaw, Marco ayaw mo bang mamasyal kasama si Jasmin? Mag-shopping kayo. Siya nga pala, bukas e-deliver na dito ang kotse mo, Marco. Kung gusto mong umalis gamitin mo muna ang kotse ni Jaskin," saad ni Danica. "Sure, mommy. Basta ang gusto ko si Jasmin ang driver ko." Wika ni Marco, kaya't lumaki na naman ang mga mata ni Jasmin. Galit na galit si Jasmin kay Marco dahil sa ginawa nito sa kaniya kagabi. Natawa naman si Franco sa reaction ni Jasmin. "May driver tayo, Marco. Bakit ako pa ang mag-drive para sa 'yo? Saka mommy, may lakad kami ni Alvin mamaya," sad ni Jasmin. "Jasmin, unahin mo muna ang kapatid mo. Saka na ang lakad mo, para naman magka-bonding kayong magkapatid," wika ni Danica. "Bakit ako, mommy? Gamitin mo na ang kotse ko, Marco. Saka may driver tayo kung gusto mo si manong na lang ang dalhin mo!" singhal ni Jasmin. "Daddy, paano niyo ba pinalaki ang kapatid kong hilaw? Bakit ganiyan ang ugali?" tanong ni Marco sa daddy niya. Nakangiti si Danica sa kaniya. At inakbayan niya ito sa balikat. "Marco, anak, mabait si Jasmin. Alagaan mo siya, bantayan mo, dalaga na siya, maganda, at marami na ang nagkakagusto sa kaniya. Ikaw ang kaniyang hero. Huwag mong hayaang magka-boyfriend siya ng mga manloloko," saad ni Franco. "Daddy, sigurado po kayo? Pati 'yan problemahin ko pa? Daddy, 'di ko siya kapatid, 'di ba? Wala akong obligasyon sa babaeng 'yon. Saka ang sama ng pakikitungo sa akin, laging galit." Galit nitong sinabi. "Ayaw kong sasabihin mo 'yan! Magkapatid kayo, hindi man pareho ang dugo na dumadaloy diyan sa ugat ninyo. Ito ang tandaan ninyong pareho, at ipasok niyo sa isip ninyo na magkapatid kayo," saad ni Danica. "Magkapatid kayo Marco at alagaan ninyo ang isa't isa. Naintindihan mo ba?" tanong pa ni Danica. "Anak, tama ang mommy mo, alagaan ninyo ang isa't isa. Next week, aalis kami. Magbakasyon kami ng mommy mo sa America. Kayo lang dalawa rito sa bahay. Kaya gusto ko maayos ang lahat bago kami umalis ng mommy mo. At sana magkasundo na kayong dalawa." Turan ng kaniyang ama. "Daddy hindi kami magkapatid, alam natin 'yan," saad ni Marco. "Marco, ayaw kong marinig ang salitang 'yan, ilagay mo sa puso at isip na magkapatid kayo." Seryosong saad ni Franco. "Okay, daddy. Mauna na po ako, aakyat muna ako sa taas para mag-shower." Tinititigan ni Jasmin si Marco at pinandilatan niya ito ng mata. Medyo naapektuhan si Jasmin dahil sa sinabi ng mga parents nila na magkapatid sila. Hindi niya maalis sa kaniyang isip na naghahalikan sila ni Marco, at ang halik na iyon ay nagpapatunay na hindi niya kayang tanggapin na magkapatid silang dalawa ni Marco. Samantalang si Marco naman habang nakahiga siya sa kaniyang kama ay iniisip niya ang mga salitang binitawan ng kaniyang daddy "Magkapatid? No! No! Puwede ko bang halikan ang kapatid ko? Puwede ba akong ma-attract sa kapatid ko? s**t! s**t!" Bulong niya sa kaniyang sarili. Pumasok na siya sa kaniyang bathroom para mag-shower at ganoon na rin si Jasmin. Pareho sila ni Jasmin hindi nila matanggap na magkapatid silang dalawa. Pagkatapos mag-shower ni Jasmin ay agad siyang lumabas ng bathroom, dahil sanay siya na mag-isa lang sa kuwarto at wala naman makakita sa kaniya ay lumabas siyang hindi maglagay ng bathrobe sa katawan. Pero nagulat siya at napasigaw nang malakas nang makita niya si Marco na nakaupo sa kaniyang kama at nakabihis na ito. Kinuha niya agad ang kumot at tinakip niya sa kaniyang katawan samantalang si Marco na-shocked sa kaniyang nakita at hindi siya nakapagsalita. Nakatitig siya kay Jasmin at hindi ito kumukurap. "Marco ano'ng ginagawa mo rito sa loob ng kuwarto ko! Sinong nagsabi sa 'yo na puwede kang pumasok dito?" tanong ni Jasmin. "Sino ang nagsabi sa'yo na hindi ako puwedeng pumasok dito? Huwag mong kalimutan bahay namin ito ng mommy at daddy ko." Tugon ni Marco, habang nakakunot ang noo, nag-iinit ang kaniyang buong katawan nang makita niya ang hubo't hubad na katawan ni Jasmin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD