IV : Confuse

1035 Words
"Bakit mo ginawa yun?" Nanginginig ako kapag naaalala ko yung nangyari kanina. Yung pagtanggal nung lalaki sa mata nung lalaki nung isa. "The what? Why I left the mafia? Well I dont need them. I can do whatever I want by myself." Sabi nya habang diretsong nakatingin sa daanan. Saan nga pala ako dadalhin nito? "No. Hindi yan. Yung sa eyeball thingy." Tumingin sya sakin saglit tapos binalik ulit yung tingin sa harapan. Ngumiti sya "Do you think it's my fault? Blame the desperates. I was just kiddin'. I didn't know that they'll take it seriously." He's really a Psychopath. "Hindi ka manlang ba... naawa?" Umiling sya. Dapat pala hindi na ako nagtanong. Alam ko naman na ganto isasagot nya. "Apparently, that's not my fault." Tumigil yung kotse nya sa tapat ng bahay namin. Hindi na ako aasang pagbubuksan nya ako ng pinto dahil alam ko namang wala syang balak. Inirapan ko nalang sya at pumasok sa bahay. Pagpasok ko sa bahay. Napabuntong hininga ako, walang tao. Umiling ako. Masanay ka na. Umakyat ako sa kwarto ko. Pinihit ko yung doorknob at pagkapasok ko ay nakita ko si Travis na nakaupo na naman sa bintana at nakangiti. Tinaasan ko sya ng kilay. Ano na naman bang kailangan nito? Lumapit sakin si Travis at hinalikan ako sa pisngi. "Be ready." *** 8:25AM Naglakad nalang ako papunta sa school. Maaga pa naman eh. Minsan lang ako pumasok nang ganto kaaga. Isa pa, hindi na rin ako kaaganong nakakapag exercise. Ang ganda talaga maglakad tuwing umaga. Ang sariwa ng hangin dahil walang gaanong sasakyan na dumadaan at maraming puno. Maririnig mo rin ang mga huni ng ibon na nakakarelax pakinggan. "Teka, anong araw na ba ngayon?" Kinuha ko yung phone ko na nasa bulsa ng skirt ko. Tinignan ko kung anong araw na. "Friday na pala yes." Napatalon ako sa tuwa nang malamang Friday na pala. Wala ng gagawin. Sana walang ibigay na homeworks para masaya. Makakapaggala na rin ako. Masaya akong naglakad habang iniisip kung ano ang gagawin ko sa weekend tulad ng Movie Marathon with Zeke and Hailey, Star gazing dun sa bahay nila Zeke, Shopping, Video games at madami pa. Ngunit napatigil ako nang may naalala ako. Kung friday ngayon, ibig sabihin nun ay may quiz kami sa Science. I should be saying Oh that's easy. Nagreview ako pero hindi. Hindi ako nagreview. At kahapon, nag cut ako ng klase dahil kay Travis. Hindi ako nakapasok sa Science class namin. Im doomed. Mabilis akong tumakbo papunta sa school. Oh my gosh, kailangan ko talagang manghiram ng notes. Kailangan kong magreview. Hindi rin ako nakinig sa lesson namin. Physics kasi eh, I really hate Physics. Pagpasok ko ng school, biglang may nanghila na naman ng wrist ko. Sino pa ba? "Ano ba! Bitawan mo muna ako! Magrereview muna ako! May quiz kaya kami ngayon at kapag wala akong nasagot, kasalanan mo." Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak nya at buti naman pinaalis nya na ako. Dapat pala sinuntok ko muna yun. Nang makarating ako sa room. Pumunta agad ako kila Zeke at Hailey. Buti nalang talaga maaga silang dalawa. "Huy, may notes kayo? May quiz tayo sa Science diba?" Umiling si Hailey. "Wala eh. Asa ka namang nagsusulat kami." Oo nga pala. Hindi uso yung sulat sa kanilang dalawa. "Genius kasi." Napabuntong hininga ako. Paano na ako nyan? Mahirap pa naman yung Physics. Kainis naman. "Papakopyahin ka nalang namin!" Nagliwanag yung mata ko nang sabihin ni Hailey yun. Buti nalang talaga mga Science genius tong mga to! Niyakap ko si Hailey. "Halaaaaaa! Paano yan? May meeting ang officers ng Science Club?" Napatingin ako kay Zeke. "May meeting tayong Officers mamaya Hailey! 10-12 bali wala kami sa time ng Science. " Nanlumo ako sa sinabi ni Zeke. Kung wala sila edi wala akong pagkokopyahan. "Saan ka ba kasi dinala ni Travis?" "Speaking of Travis." Tumingin ako sa pinto at nakita ko si Travis na nakatayo. Kumulo bigla yung dugo at tumakbo papunta sa kanya. "Walang hiya ka! Kasalanan mo to eh! Kaya wala akong masasagot sa quiz namin sa Science eh." Paulit ulit ko syang pinalo pero paulit ulit din nyang dinidepensahan ang sarili nya gamit yung kamay nya. Sinamaan ko sya ng tingin. Nakakairita yung pagmumukha nya. "Whatever." Hinila nya ulit ako. "Ano ba! Ayan ka na naman! Ayaw mo ba akong pag-aralin? Nakakainis ka na ah." Dinala nya ako sa library. Ano naman gagawin namin dito? Nakakainis na ah. "Pwede bitawan mo kamay ko?" Pinaupo nya ako sa upuan at umupo naman sya sa tapat ko pero hindi nya pa rin binibitawan yung kamay ko. "Ano na naman ba?" Kinuha nya yung bag nya at may nilabas syang papel. "Here." Kinuha ko yung papel at binasa. "Problem Solved." Ito ata yung lesson kahapon. Tumayo agad ako at lumipat sa ibang table. Aba, magrereview ako mamaya guluhin ako nyang Travis na yan. Naku! Buti nalang talaga binigay nya tong Reviewer na to. Okay na rin. Nagbasa ako at nagkabisado. Formulas and definitions ang kakabisaduhin ko. Sa definitions okay lang kasi madali lang pero sa formula. Nakakalito, ang sakit sa ulo. Habang nagrereview ako, napansin kong nakatingin sakin si Travis. Tinignan ko rin sya at tinaasan sya ng kilay. Ayon, iniwas yung tingin. *** Nag-ring yung bell. Recess na pero wala pa rin yung dalawa. Ano ba yan! Bakit ba ang tagal nila? Buti nalang madali lang yung test. Lahat ng nasa reviewer lumabas sa test. Buti nalang binigay sakin yun ni Travis. Wala talaga akong alam doon. Lumabas ako ng room at pumunta ng field pero syempre umupo ako sa bench kung saan malayo sa laging inuupuan ni Travis. Ayoko syang makita nakakainis sya. Bumili na ako ng pagkain, ayaw kong magstay doon. Ang daming epal dun na hindi ko dapat makita. "Hey." Napatingin ako sa nagsalita at halos mabuga ko yung kinakain ko nang makita ko si Travis na may dalang bulaklak. "For you." Napakamura ako sa sinabi nya. Binigay nya sakin yung bulaklak. Wait-- Anong nangyayari? "Seriously?" Tumango sya. Anong nakain nito? Pagkatapos nyang ibigay tumakbo sya at umupo sa isang bench. Napatingin ako sa bulaklak. Para saan ito? Napatingin rin ako sa singsing na binigay nya sakin. Ang hirap nyang hulaan. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD