III : Cruelty

1477 Words
Pagkatapos ng klase, naisipan naming sundan sila Jeff. Jeff pala yung pangalan nung lalaking matapang na kakalabanin daw si Travis. Gusto kong makita kung paano makipag-away si Travis. "Naeexcite na ako." Bulong ko habang sinusundan namin si Jeff. Hula ko papunta sya sa soccer field dahil dun naman lagi si Travis. "Ang tapang mo ah." Nasa harap sila ng nakaupong si Travis. "Sabi nila, malakas ka daw. Ikaw? Parang hindi naman. Hindi kapani-paniwala." Pito sila Jeff. Madami rin sila, kaya ba ni Travis yun. "Watch and Learn Xy." Bulong ni Zeke. Ilang segundo muna ang nakalipas bago sumagot si Travis. "Get out." Kalmado nyang sagot. Walang nagbabago sa ekspresyon ng mukha nya. "Or" "O ano?" Sagot ni Jeff na nilapit pa yung mukha kay Travis na para bang nang-aasar. "Ohhhh." Nagform ng O yung mga bibig namin ng baliin ni Travis yung leeg ni Jeff. "That wont kill him." Kinuha nya yung wallet nya, kumuha ng pera at binato sa nakahigang si Jeff. "Hospital or death?" Dali dali nilang binuhat si Jeff at mukhang dadalhin nga nila sa hospital. OH.MY.GOSH. "Ano? Nakita mo na? Oh tara na!" Bago pa makuha ni Zeke at Hailey yung kamay ko, tumakbo na ako papunta kay Travis. Huminga ako nang malalim. Ngayon ang unang beses na kakausapin ko si Travis. Naglakad ako papunta sa kanya. Bawat hakbang nakikita ko ang napakaamo nyang mukha. Mukha talaga syang anghel. Hindi mo aakalaing ganun sya. "Hey." Umupo ako sa tabi nya. Hindi nya ako pinansin at nakatingin pa rin sa malayo. Nakakainis, snobber pala to eh. "Hey!" Sigaw ko. Tumingin sya sakin nang nakataas yung isang kilay. "Why?" I cleared my throat at tinitigan sya sa mata. Ang ganda ng mata nya, ang gwapo nya, ang cute at nakakatakot. "Let's play." Matapang kong sabi. This might be the greatest mistake of my life. Its like Im out of my mind but Im doing this to test myself. If I lose, atleast I tried. Binalik nya yung tingin nya sa field. "My game is different." "I know and whatever it is. I wanna play with you." Kinuha nya yung bag nya at tumayo. Humarap sya sakin. "Start." Ngumiti sya sakin at biglang umalis. Nagsitaasan yung balahibo ko. Nakakatakot yung ngiti nya. Ang mga taong katulad nya, ang mga ngiti nila ay nakakatakot. Lumapit sakin si Zeke at Hailey. "Ano na? Ano nang nangyari?" Tanong nila. Napangiti ako, buti nalang pumayag sya. "Sabi nya 'Start'! Yes!" Napailing nalang silang dalawa. Ang saya ko kasi gusto ko ring makilala si Travis. Interesting masyado yung buhay nya. "I think we should hire a guard for her. Bilis, give me my phone tatawag na ako." Sinamaan ko ng tingin si Zeke. Ang arte kasi, akala mo naman mamamatay na ako. *** Pagkatapos kong magshower,sinuot ko yung robe ko at lumabas. 6PM palang pero mukhang maaga akong matutulog. Wala naman din kasi akong gagawin. Si Zeke may pupuntahan daw at si Hailey naman may practice para sa sasalihan nyang dance contest. Kaya ako? Tulog nalang. Kinuha ko yung towel at pinunasan yung buhok ko. Pagkatapos kinuha ko yung night gown ko. Hinubad ko yung robe ko at sinuot yung damit. 2 new unread messages Baka galing kay Zeke or Hailey. Tinignan ko kung kanino galing pero unknown number. Galing sa kanya yung dalawang messages. "Hey toy." "Im visiting your house." Kanino nya nakuha yung number ko? Nagreply ako at sinabi ko Who are you? Baka naman nantitrip lang. Wow ha, Toy? Psh. "Sino kaya yun?" Binato ko yung phone ko sa kama. "Its me." Napalingon ako sa bintana at nakita ko si Travis na nakaupo doon. "Hi toy." Napasigaw ako. Paano sya nakapunta dito? Tsaka may guard dyan sa gate ah! "Too soft. They're sleeping. They won't hear you." Kinuha ko yung unan at binato sya pero hindi sya tinamaan. "Kanina pa ba dyan?" Tanong ko. Medyo nanginginig yung tuhod ko. He's creepy. "Not really." Napatakip ako ng bibig. I-ibig sabihin.. "Waaaaaaaah! Nakita mo akong nagbibihis?!" Sigaw ko. Oh my gosh, this is horrible. Una, nakuha nya yung number ko. Pangalawa, pumasok sya sa bahay without my permission. Pangatlo, nakita nya akong nagbibihis. "Yeah. Nice body by the way." Pakiramdam ko nawala lahat ng dugo ko at pakiramdam ko rin ang putla ko na ngayon. Nakita nya nga. Lumapit ako sa kanya at akmang hahampasin sya pero hinawakan nya yung dalawang kamay ko gamit ang kanang kamay nya. "You've just gave me a live p**n baby." Mas nanggigil ako sa kanya at sinubukan alisin yung kamay nya pero malakas sya. Aish! "p*****t!!!" Sigaw ko. Aba. Sabihin na nating gwapo sya pero wala syang karapatang makita tong katawan ko. "Im not. I didn't know that you're changing your clothes." Kapag ako talaga nakatakas dito. "What's the use of your hands huh? You can use that to cover your p*****t eyes and why are you here without asking my permission?" Kinuha nya yung kaliwa kong kamay at kinuha sa bulsa nya ang isang ring. "Wear the ring or death?" Sinuot nya yung ring sa ring finger ko. "I always gather informations about my toys." Sabi nya tapos umalis na. Gawd, he's really creepy. Tinignan ko yung kamay ko at binasa yung nakalagay sa ring. Travis' Toy ang nakaukit doon. Toy? Paano naging toy ako? **** "See? I told you? Ano suko na?" Kinwento ko sa kanila yung nangyari kagabi pati yung tungkol sa ring. Maski sila hindi makapaniwala. "Ang creepy nya nga." Umiling ako. "Hindi ako susuko.Yun palang naman eh." Oo nga yun palang inis na inis ka na. Paano pa kaya sa susunod? "Sabi nya na rin 'I always gather informations about my toys.' Kaya pala nalaman yung number at bahay nyo." I should be more careful. Nakakatakot nga sya. Isa pa, Psychopath sya. Paano kung bigla nya nalang akong patayin? Worse paano kung patayin nya ako yung brutal, yung katulad sa Wrong Turn? Iniisip ko palang natatakot na ako. "Here he comes." Bago pa ako makalingon ay may humila sa kamay ko. Sino pa ba? Edi si Travis. "Hoy ano ba! May klase kami." Pinilit kong kumawala pero napagtanto ko na kapag si Travis na ang nanghila, hindi ka na makakawala. "Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko nang marating namin yung parking lot. "Shut up. Get inside." Napanganga ako ng makita ko yung Black na kotse nya. Im if not mistaken, it is Lamborghini. "Faster." Pumasok ako sa loob, sa tabi ng Driver's seat. Ako na ang naglagay ng seatbelt. Alam ko naman na wala ako sa love story kung saan papasok ako ng kotse tapos makakalimutan ko magseatbelt tapos yung lalaki yung maglalagay tapos magkakalapit yung mukha namin tapos hahalikan nya ako. Hello? Im with a him, a creepy Psychopath. ..... Wait-- Im with him-- Im his toy "I wont kill you." Nanlaki yung mata ko. Paano nya nalaman na yun yung nasa isip ko. Demonyo ba to or what? "You're afraid. I can see it,toy." "Im not your toy." Tumingin ako sa labas. Ayokong tignan yung mukha nya. Nakakalinlang. "We're in a game. Im not your playmate. Im the game master and you're my toy." *** Lahat ng mga lalaki nakatingin samin. Mga lalaking may malalaking katawan, mga nakakatakot. Magtatago dapat ako sa likod ni Travis pero pumunta sya sa likod ko at hinawakan ang dalawa kong braso. "New target," Binitawan nya yung braso ko at umupo sa isang Swivel Chair sa harapan. Naiwan ako sa gitna, mag-isa. Kung titignan mo sya na nakasuot ng uniform. Hindi mo aakalain na sya ang leader ng mga to. Imposible talaga sya. Pinapaligiran ako ng mga miyembro nya. Yung mga tingin nila, nakakatakot na parang kakainin nila ako nang buhay. Hindi ko pinakita na natatakot ako. Nagpretend ako na hindi ako natatakot. Pinakita ko ang pinaka expressionless kong mukha. Palapit sila nang palapit sakin. "Halt." Tumigil sila sa paglapit at humarap kay Travis na nakasandal yung likod at nakacross yung legs. "Come here baby." Sinenyasan nya akong pumunta sa gilid nya. Ew baby. "Kira's out." Kira? Sino si Kira? "Anong ibig mong sabihin Kira?" Tanong nung isa. "Im leaving the mafia." Tumayo sya at hinila na naman ako palabas ngunit bago kami makalabas ay nagsalita yung isa. "Can we talk about this Kira?" Sabi nung lalaking matangkad at gwapo rin. Parang mga kaedaran lang din namin. "Give me eyeballs and I'll stay." Napahawak ako sa braso nya nang lumapit yung lalaki na may kasamang isa pa at unti unting tinanggal yung eyeball nung lalaki. Parang nag slow motion lahat sakin. Yung pagpasok nya ng kanyang daliri na may mahabang kuko sa mata nung lalaki at ang unti unti nitong pagtanggal hanggang sa makita ko yung eyeball nung lalaki sa kamay nya. Dugo.. Nagsisilabasan yung dugo sa mata nya. Nakakadiri. Tumalikod ako at parang bumaliktad yung sikmura ko nang maamoy ko yung dugo. "Eyeballs, not an Eyeball."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD