"Oh, Kiss. Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang nakakita ng multo," biro ni Ruby nang sinalubong niya ako. Napalunok ako at napayuko. Ang bilis. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba kinakabahan ako o dahil nakita ko siya ulit? No. That's impossible. That was ages ago. I've already moved on. "Kiss!" Lumapit si Cai sa amin at may ibinigay siyang shot sa akin. Agad ko naman itong nilagok. "Woah! Dahan-dahan lang. Anyway, hindi kita papayagan uminom ng shots na ibibigay ng iba. Bukas na ang opening diba? Don't worry, I'll take care of you." Ngumiti siya ng malapad sa akin. Nakahinga ako ng maluwag pero sumisikip pa rin ang dibdib ko. "Thank you, Cai." Pero, totoo ba yung nakita ko kanina? Malay ko ba kung guni-guni ko lang pala yon? "Tara sa VIP section!" aya

