bc

Chasing Heartaches

book_age16+
1.5K
FOLLOW
3.9K
READ
love-triangle
drama
sweet
bxg
lighthearted
betrayal
childhood crush
enimies to lovers
friendship
slice of life
like
intro-logo
Blurb

How long will I chase and endure the heartaches he has given me?

Oo, hanggang ngayon, gusto ko pa rin siya. Pero hanggang ngayon, 'di pa rin niya 'ko pinapansin. Okay lang naman sa'kin, since alam ko namang wala siyang girlfriend at wala siyang crush at wala siyang ka-M.U., panatag naman ang loob ko. Alam ko namang sa akin ang bagsak ni Charles eh.

chap-preview
Free preview
[1]
Like always, mag-isa akong naglalaro ng doll ko at malayo sa iba pang mga bata. Hindi ako mahilig makipag-friends sa iba when I was little. Kaya nga ngayong pagtanda ko ay sobrang bait ko para lang magkaroon ako ng maraming, maraming friends! Anyways, I was minding my own business when this new kid walked in front of me. Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago umupo sa tabi ko. Agad akong lumayo sa kan'ya. Who is he anyway? Bakit niya ba ako nilalapitan? "Excuse me, masyado kang malapit sa akin. Please stop invading my personal space," umiirap na sabi ko. Sanay na akong mag-english since tinuturuan ako ni Kuya Alex, siya 'yung kumupkop sa akin for 2 months. Para bang sinubukan lang nila kung kaya nilang magpalaki ng isang anak kaya ako napunta sa kanila. "Ano? Ano bang pinagsasabi mo d'yan? 'Di kita maintindihan!" reklamo niya. Binelatan ko na lang siya at bumalik sa paglalaro. "Ako nga pala si Lucas. Ikaw, anong pangalan mo?" tanong niya. 'Di ko siya pinansin at mas lalong lumayo sa kan'ya. He is so FC! Ayoko sa mga tulad niya! And he thinks he's gwapo? Halata naman kasing nagpapa-impress sa akin. Sorry not sorry, pero I'm taken na. By Charles Aldridge. 'Yung pinsan ni Kuya Key. "You don't care," mataray na sabi ko at inirapan siya. Napatawa naman siya kaya agad akong bumaling sa kan'ya. Why is he laughing? Is he laughing at me? "Bakit ka tumatawa?" inis na tanong ko at tinigil na muna ang paglalaro sa mga dolls ko. Napatigil siya sa pagtawa hanggang sa pokerface na siya at nagkibit-balikat. "Ewan ko. 'Di kasi kita maintindihan. Kaya tumawa na lang ako," pabalang na sabi niya. Inirapan ko ulit siya at umiling-iling. Pathetic. Walang alam sa English ang batang 'to. Well, 'di naman sa nagmamayabang pero I'm one of those kids na mataas ang IQ level. Matalino ako, sobra pa nga eh lalo na sa age kong ito. So, I consider those na mas mababa sa'kin na walang alam. "Tss! Go away ang leave me alone! In tagalog, umalis ka na at 'wag na 'wag mo na akong kakausapin!" sigaw ko bago tumayo at iniwanan siya doon. Nakakainis siya. 'Di ko alam kung anong kinakainis ko, pero naiinis ako sa kan'ya! Next day, ayon na naman at sinusubukan niyang makipag-close sa akin. "Lucas, pwede ba, tigilan mo na ako? I told you, ayokong makipagkaibigan sa'yo!" sabi ko. Nakita ko siyang ngumuso at nagpapacute sa akin kaya napairap na lamang ako. Ano bang kailangan ng lalaking 'to sa akin? "Bakit? Mabait naman ako. Tsaka, gusto lang naman kitang maging kaibigan ah? Masama ba 'yon? Napansin ko kasing wala kang kalaro dito kaya nag-volunteer na lang ako. Bakit mo ba ako pinapalayo?" Dahil malungkot ang pagkakasabi niya no'n, agad akong nakaramdam ng guilt. Ganitong-ganito kasi si Charles sa akin. Makikipagkaibigan lang ako, pero lagi niya akong tinataboy palayo. Ibig sabihin, nararamdaman ni Lucas ang nararamdaman ko t'wing pinapalayo ako ni Charles sa kan'ya. Ang saklap pala. Agad kong narealize 'yung mali ko. "Tss! Sige na nga, friends na tayo!" sabi ko. Agad nabura ang nakasimangot niyang mukha at ngumiti siya ng malawak. "Talaga? Anong pangalan mo?" "Kiss," simpleng sagot ko. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil nanlaki ang mata niya. "H-ha?" "Sabi ko, pangalan ko ay Kiss!" Doon niya na-gets at bigla siyang natawa. "Akala ko, gusto mo ng kiss eh." Napairap ako ng wala sa oras. "Ang kapal mo naman! Bakit ako mangihihingi ng kiss sa'yo? And friends don't kiss each other," mataray na sabi ko. "At least naman, in-acknowledge mo na ako bilang kaibigan mo," nakangiting sabi niya. 'Di ko akalain na 'di naman pala ganoon kasama maging kaibigan si Lucas. I mean, sobrang funny niya na lagi akong natatawa sa mga jokes niya. Kahit pa na tinatarayan ko siya, siya pa ang naglalambing. Kapag gusto namin ang isang bagay, pinapaubaya niya sa akin. We became the best of friends in just a week. Hindi na kami mapaghiwalay. Ayaw naming bumitaw sa isa't isa. If I am reading your mind right now, then no. Wala kaming gusto sa isa't isa. Simply friends lang talaga ang turing namin sa isa't isa. No crush. No anything. Super comfortable namin na nai-spill na namin lahat ng secrets namin sa isa't isa. Kaya pala ngayon-ngayon ko lang siya nakita, bago lang pala siya dito sa bahay-ampunan. Halos magkasing-age na rin kami, 7 years old. Mas matanda lang siya ng 2 months. Kwinento niya sa'kin 'yung istorya niya kung bakit siya nasa bahay-ampunan ngayon. Nag-divorce pala 'yung parents niya. Ayaw nilang dalawa na kunin siya dahil gusto nilang magbagong-buhay. Wala naman siyang kilalang relatives niya para kunin siya at kupkupin. Kaya dito sa bahay-ampunan ang diretso niya. While ako naman, 'di ko nakita 'yung both parents ko. Parehas na silang patay. Car crash accident noong 10 months old ako. I survived the crash. Walang nakakakilala sa parents ko so hindi nila ma-contact ang kahit sinong relatives ko so dito ako bahay-ampunan dumiretso. Halos 7 years na akong nandito base sa story ko. "Ang saklap pala ng kwento mo," sabi niya sa'kin matapos naming magkwentuhan. "Oo nga. Swerte mo dahil kahit hindi mo kasama 'yung parehas na parents mo, buhay pa rin sila," komento ko. "Hindi. Mas maswerte ka dahil sa 10 months na 'yon, minahal ka ng parents mo. Ako? Parang 'di na nga ata nila ako naalala eh. Puro sila away. Away. Away. Kahit lumaki na ako, lagi silang nag-aaway. Hanggang sa hindi na nila makayanan ang isa't isa," malungkot na sabi niya. Ngumiti ako para i-cheer up siya. "Ano ba! 'Wag ka ngang malungkot! Nandito naman ako ah! Ikaw na ngayon ang kapatid ko," sabi ko at tinaas ang kamao ko para makipag-fist bump sa kan'ya. Napangiti siya at pinagdikit ang mga kamao namin. "Pramis ah, Vanilla?" Ngumiti ako sa kan'ya. "Oo naman, Choco." Napag-alaman ko kasing mahilig siya sa chocolate flavored foods. At dahil gusto ko siyang kontrahin para maasar, sinabi kong vanilla naman ang hilig ko. Kaya 'yun, 'yun na daw ang tawagan naming mag-bestfriends. Kinabukasan, maaga akong nagising. 'Di ko alam kung bakit. Pagbaba ko, nagtatalon ako sa tuwa nang nakita ko si Kuya Alex at Ate Maika. Bumalik sila! Bumalik sila dito sa bahay-ampunan! Masayang tumakbo ako papunta sa kanila kahit pa kinakausap pa nila ang isa sa mga ate dito sa bahay. "Mommy! Daddy!" bati ko. Napatigil naman sila sa kanilang pag-uusap para lang yakapin ako. "Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ko nung naghiwalay na kami. "Aampunin ka na namin, Kiss. Magiging totoong mommy at daddy mo na kami," sabi sa'kin ni Ate Maika. Mas natuwa ako sa sinabi niya. Parang nawala lahat ng antok na naramdaman ko kanina paggising ko. Magiging official na Park na ako! OMG! Magkakaroon na ako ng family! Dahil ata sa sobrang saya, hindi na ako nakapagpaalam sa bestfriend ko. 'Di na ako nakapagpaalam kay Lucas. Alam ko namang sobrang malulungkot 'yun. Pero maliit lang ang mundo. Alam kong magkikita muli kami. At doon na ako magso-sorry sa kan'ya. *** "Ate! Ano ba 'yang ginagawa mo? 'Lika na!" Nagmamadaling hinila ako ni Ruby nang nag-apply pa ako ng foundation sa mukha ko. Don't worry, hanggang foundation lang ako dahil paniguradong pagagalitan ako ni daddy kapag nalaman niyang gumagamit na ako ng make-up. "Teka lang! Chill lang, pwede ba, Ruby?" inis kong sabi. Ganito talaga ako sa kapatid ko. 'Di kami masyadong close pero 'di rin naman kami magkaaway. Ganito lang talaga ang ugali ko at gano'n lang rin talaga ang ugali niya. "Oo na, ate! Maganda ka na! Sobrang ganda mo na! 'Di mo na kailangan niyan!" Natawa na lang ako dahil para na siyang nagtatantrums. Dito sa bahay, malayang nagagawa ni Ruby ang mga gusto niyang gawin. Sa eskwelahan kasi namin, madalas siyang tahimik at seryoso dahil siya ang SSG president. Isa siyang president sa officers sa school namin, pati sa classroom ay siya pa rin ang president. Gano'n siya kasipag at katalino. Ako? Oo, matalino nga ako. Pero anong silbi ng talino ko kung tatamad-tamad? Tulad nga ng sabi nila, daig pa ng masipag ang matalino. But I could'nt care less. Paki ko ba sa grades ko? Consistent na 2nd placer ako palagi. Si Ruby kasi lagi ang 1st. I'm not jealous. Actually, I'm proud of her. 'Di siya gano'n katalino like me, pero masipag siya at nagpupursige para lang makuha ang 1st honors. "O, mga 'nak. Ihahatid na daw kayo ni Charles. Naro'n na siya sa labas," sabi ni mommy at binigyan namin siya ni Ruby ng halik sa pisngi bago umalis ng bahay. Nadatnan namin ang impatient na si Charles na nakasandal sa bago niyang kotse. "Good morning, Charles!" masayang bati ko. Oo, hanggang ngayon, gusto ko pa rin siya. Pero hanggang ngayon, 'di pa rin niya 'ko pinapansin. Okay lang naman sa'kin, since alam ko namang wala siyang girlfriend at wala siyang crush at wala siyang ka-M.U., panatag naman ang loob ko. Alam ko namang sa akin ang bagsak ni Charles eh. Hihi. Oo na. Assuming kung assuming. Pero 'di ko hahayaang mapunta siya sa iba. "G'morning, Ruby," bati naman niya sa kapatid ko. Okay lang rin sa'kin na si Ruby ang pinapansin niya, since alam ko namang walang gusto si Ruby kay Charles, panatag pa rin ang loob ko. Tinanguan lang siya ni Ruby. Binuksan niya ang pintuan para makapasok si Ruby sa front seat, while pinagbuksan ko naman ang sarili ko sa backseat. Nang nag-start na ang engine, doon na nagsimulang mag-kwentuhan si Ruby at Charles. Okay, I admit. I'm a wee bit jealous. Kasi naman, sobrang close nilang dalawa! Lahat na ata ng sikreto nila, alam nila. Samantalang ako, wala. Left out. Pero syempre, fino-force ko si Ruby na i-kwento sa akin lahat ng pinag-uusapan nila. "Ano favorite food niya, Ruby?" tanong ko. Nag-aayos ng gamit sa backpack si Ruby dahil kakatapak pa lang namin sa bahay. Hindi ko kasi naririnig 'yung mga pag-uusap nila since ayaw iparinig ni Charles. Madamot talaga 'yung lalaking 'yun! "Lasagna. Lalo na 'yung homemade," balewalang sabi ni Ruby. Naramdaman ko na napasulyap siya sa akin nung bigla akong tumakbo papuntang kusina. Alam na alam niya na gusto kong pasayahin si Charles kaya wala lang sa kan'ya na sinasabi niya sa'kin 'yung mga paborito ni Charles.  "Ma! Turuan mo nga akong magluto!" sabi ko kay mommy nang naabutan ko siya sa kitchen.  Napailing habang nakangiti si mommy sa akin. Sanay na siya sa mga ganitong akto ko. "Sige. Ano bang iluluto mo, Kiss?" tanong niya. Sinabi ko na lasagna 'yung favorite food ni Charles kaya alam niya agad na iyon ang gusto kong iluto.  'Di ko alam kung ilang oras kong ginawa 'yun. Pagkatapos kasing ipakita ni mommy sa'kin kung paano lutuin, sinubukan kong gawin nang ako lang ang nagluluto. Hard work to retrieve happiness. Umabot na ata ako ng ala una ng umaga since gusto ko perfect ang pagkakaluto ko sa kan'ya at masarap pa. Then at exactly 1:30, natapos na 'yung lasagna na 'yun.  Gustong-gusto ko si Charles. Sana magustuhan niya 'ko pabalik. Pero hindi niya 'ko pinapansin. Kaya mas lalo ko siyang nagustuhan. Ewan ko nga. Weirdo akong tao. "Oh, ate? 'Di ka pa tapos?" Naaubutan akong nakangiti sa hangin ni Ruby na kabababa galing sa kwarto niya. Iinom ata siya ng tubig. Gan'yan siya eh. Nasanay na siguro.  "Tapos na." Ngumiti ako ng matamis sa kan'ya. "Eh bakit 'di ka pa natutulog?" tanong niya sa'kin.  "'Di naman ako inaantok. Tsaka, binabantayan ko 'to," sabi ko at tinuro ang plato ng lasagna, "Mamaya may biglang kumain. O 'di kaya'y may makapasok na aso at kainin 'to. O baka kainin naman ni dad."  Napailing na lamang si Ruby nang tapos na siyang uminom ng tubig. Binalik niya ang pitsel sa fridge at humarap sa'kin. "Paranoid ka ate. Walang kakain niyan. Iwan mo na lang 'yan sa ref tapos lagyan mo ng note na BAWAL KAININ para 'di nila makain. Tignan mo oh, nagkaka-eyebugs ka na. Pa'no na magkakagusto sa'yo si Charles?"  Dahil nga siguro sa antok ay tinamaan ako sa sinabi ni Ruby. Nilagay ko na lang sa isang lalagyanan 'yung lasagna at nilagyan ng note. Tapos ay iniwanan na ito sa loob. Tama siya. Kailangan ko ng beauty sleep. Kailangan maganda ako sa harapan ni Charles dahil baka humanap siya ng iba.  "May crush na kaya siya?" tanong ko kay Ruby habang paakyat ng hagdanan. "Wala. Pero madaming nagkaka-crush sa kan'ya." Dahil sa sinabi ni Ruby ay bigla akong napatigil sa paglalakad. Napatigil rin siya dahil nakasunod siya sa akin.  "Sino-sino? Ibigay mo sa'kin ang full name, section," seryoso kong saad. Wala na ngang gusto sa'kin 'yung tao, may balak pa 'yung iba na agawin siya sa'kin? No, no, no. 'Di ako makakapayag. 'Di pwede.  Nagtaka si Ruby sa inasal ko pero hinayaan na rin naman ako. "Sige.. ate." *** "Jillian. Section-B. Third floor," bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ang listahan na ibinigay sa akin ni Ruby. Maasahan ko talaga 'yang kapatid ko! Kaya mahal ko siya eh! Napangiti na lamang ako nang makita kong lumabas mula sa classroom na nasa harapan ko ang babaeng nasa picture na hawak ko. Dahan-dahan ako lumapit sa kan'ya with a smile plastered on my face. May kasama siya ngayon, babae, kaya baka hindi ko masabi lahat ng gusto kong sabihin dahil makiki-eps lang 'yung kasama niya. Well, they should know that I would be the one to steal Charles' heart, hindi sila. Kaya kailangan ko 'tong linawin sa kanila.  "Jillian?" tawag ko sa kan'ya. Parehas na napatingin ang dalawang babae sa akin. I smiled to show off my friendly, plastic face. "A-ako po?" tanong ni Jillian at itinuro ang sarili niya. Tumango naman ako sa kan'ya. Lumapit silang dalawang magkaibigan sa akin. "Ano pong kailangan niyo?" tanong niya.  "Drop the 'po', missy. May kailangan lang akong sabihin sa'yo. I heard na may gusto ka daw kay Charles Aldridge?" Pagkabanggit ko pa lang ng pangalan niya ay bigla na siyang namula at nahihiya pang tumingin sa akin. Hindi na siya nakasagot at ang kaibigan niya ang sumagot na para sa kan'ya. "Ay opo, ate! Crush na crush ni Jill si Charles! Alam mo ba, isang time, natapilok si Jill. Parang knight-in-shining-armor naman 'tong si Charles kasi tinulungan niya ang kaibigan ko!" Naiirita akong tumingin sa kan'ya dahil kilig na kilig pa siya habang nagku-kwento. Ganyan talaga si Charles, mabait sa mga nangangailangan ng tulong. Maliban lang talaga sa akin. But duh. He was just helping! Ano bang nakakakilig do'n? Kahit ako, kayang-kaya ko siyang tulungan! Ang OA naman ng knight-in-shining-armor niya! Natapilok, obvious naman na tutulungan siya. Bakit? Iniligtas ba ni Charles' ang buhay ng babaeng 'to? Tss! "Excuse me. Pero, please lang, layuan niyo na si Charles, pwede?" tanong ko sa kanila, 'di ko maitago ang naiirita kong boses. Parehas silang napatingin sa akin habang nakataas ang kilay ko sa kanila.  "B-bakit po?" Nakunot na lamang ang noo ko nang makitang kumikinang 'yung mata nung Jill. Muntikan ko na siyang mairapan kaso napigilan ko. Iyakin. Nakakainis.  "Kasi, may girlfriend na siya. Ayaw ng girlfriend niya na may ibang babaeng magkagusto sa kan'ya, is that clear?" Dahil ata sa gulat ay hindi sila nakakibo. Bago pa nila mabuksan ang bibig nila ay agad na akong umalis ng harapan nila.  Oh well. I gained more haters dahil sa ginawa ko today. Pagsabihan ko ba naman sila ng gano'n? I mean, anong karapatan ko, right? I'm not the girlfriend. Pero darating rin naman kami diyan, nagpe-prepare lang ako para sa future namin.  Nakasalubong ko si Ruby pagkapasok ko ng canteen. "Ate!" bati niya at nginitian ko naman siya. Umupo kami sa usual table namin na malapit sa bintana.  "Salamat nga pala doon sa listahan, Ruby."  "T-teka ate, kinausap mo talaga sila isa-isa?" gulat na tanong niya sa'kin.  "'Wag kang mag-alala, Ruby. Kaya ko naman ang sarili ko. At isa pa, anong laban nila sa akin?" Napangisi ako pero nakita ko sa gilid ng mata ko na pumasok na sa loob ng canteen si Charles' kasama ang mga kaibigan niya.  Nanlaki ang mata ko at bumaling kay Ruby. "Ruby! 'Yung food! I think I left it!"  Pero may iniabot si Ruby sa akin na isang lunchbag. "Don't worry, ate. I got you covered," sabi niya then she winked. Napangiti ako at kinuha 'yung bag mula sa kan'ya. Maaasahan ko talaga si Ruby! So lucky! I happily hopped to where Charles' is sitting. Kinakausap niya pa ang mga kaibigan niya nung lumapit ako. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako napapansin. Napatingin lang siya nung nakita niyang nakatingin lahat ng kaibigan niya sa akin.  Agad na kumunot ang noo niya nang nakita ako. "What?" calm niyang sabi pero halatang naiirita siya sa presensya ko.  "I made you lunch! Eat up!" masaya kong sabi at ibinigay sa kan'ya 'yung lunchbag.  "Kunin mo na 'pre. Kawawa naman," bulong sa kan'ya ng katabi niya. "'Di ba siya 'yung naghahabol sa'yo dati? Hanggang ngayon pa rin pala.." sabi naman nung isa.  "I'm not hungry," malamig na sabi ni Charles at tinalikuran muli ako. Nagpatuloy sila sa pakikipag-usap na para bang hindi ako dumating roon sa table nila. Dahan-dahan kong ibinaba ang nangangawit kong braso.  Tinanggihan niya na naman ako. Again. For the nth time.  Pero hindi ako titigil. Hindi ako titigil hanggang sa pansinin niya na ako.  "Pero Charles, magdamag ko 'tong ginawa para sa'yo," I whined. Lumingon siya sa akin at binigyan ng death glare.  "I don't care. Go away."  Napakagat na lang ako ng labi. Sakit. Pinapaalis niya na ako.  Nanigas ako nang napansin ko ang apat na babae na dadaan mula sa akin. Kilala ko sila. Kilalang-kilala.  "Oh. Akala ko ba, may girlfriend siya? So why are you making papansin?" tanong nung isang babae.  "Oo nga. Ako nga 'yung girlfriend." Pagkasabing-pagkasabi ko no'n ay agad na nagtawanan ang apat na babae.  "Yeah right. After niyang hindi ka pansinin, girlfriend ka nga," natatawang sabi ng isa. "Ang lakas ng loob mong sabihan kami, but you should've been saying that to yourself. Kami, hanggang tingin lang kami. But I think you're being obsessed na. Look. So papansin. Pero hindi ka naman niya papansinin." They all mocked me and used pouty and crying faces. Agad na nag-init ang ulo ko. "Kayo, hanggang tingin lang. Pero ako, ginagawa ko ang lahat para pansinin niya ako. Kasi kung hanggang tingin lang ako, magiging kagaya ko kayo. Mga walang narating!" sigaw ko.  "Whatever. You're so immature. You looking for a fight already?" nakakalokong ngiti ng babae, "Bakit kaya ayaw niya sa niluto mo? Panget siguro lasa noh? Baka kasi nilagyan mo ng poison. Mawalan pa ng pogi sa mundo."  Magsasalita pa sana ako nang biglang hinablot ng isang babae 'yung lunchbag at at inilabas 'yung laman. Hindi ako nakapagsalita nang makitang binuksan nila at inihulog lang sa sahig 'yung pinaghirapan at pinagpuyatan kong lasagna. 'Yung.. pinaghirapan ko.. para kay Charles..  "Ano ba! Kung papansin siya, mas papansin kayo! 'Wag niyo ngang pagtulungan ang ate ko! Mga walang magawa! Tama naman si ate, at least siya gumagawa ng paraan para magustuhan siya ng taong gusto niya at hindi nakatunganga gaya niyo! Paano na uunlad ang Pilipinas kung hindi kayo marunong mag-isip at maghanap ng paraan?"  Susugurin na sana nila si Ruby pero biglang humarang si Charles na kanina pa nanonood. Parang biglang naging kitten 'yung mababangis na leon na parang gustong pumatay kanina. "Go, the hell, away," masamang tingin na sabi ni Charles. Agad na nagsialisan 'yung mga babae.  Napayuko na lamang ako at tumingin doon sa natapon na pagkain sa lapag. "Ate.." tawag ni Ruby.  Ngumiti ako sa kan'ya. "Ano ba. Sinabing kaya ko diba? Kulit mo naman! Tignan mo, muntikan ka ng masaktan kanina!" Lumingon ako kay Charles, "Sorry sa nangyari. 'Di ko sinasadyang makipag-away sa harapan mo."  Bago pa man siya magsalita ay agad na akong lumayas sa harapan nila. Dumiretso ako sa banyo at pumasok sa isang cubicle. Pagkaupo ko, tsaka lang bumuhos lahat ng kinikimkim kong luha.  Sayang.. better luck next time, Kiss. 'Wag kang susuko.  ***  "Sabay na tayo umuwi, Charles!" nakangiting sabi ko nang nadatnan ko siyang dumaan sa kabilang hallway.  Okay, aamin na ako. Sinusundan ko siya.  Napatingin siya saglit sa akin with a bored look on his face at agad ring lumingon sa iba. Napasimangot ako at mahinang siniko siya. "Dali na, Charles. Mamaya pa daw uuwi si Ruby since may groupings daw sila ng kagrupo niya. Hatid mo na ako pauwi, please?" I pleaded.  "Tignan mo girls, oh. Napaka-feeling close. Pero 'di naman siya pinapansin!" halakhak ng mga babaeng nadaanan namin. Sila 'yung apat na babae kanina. Napatahimik na lang ako at inirapan sila.  Pagtingin ko sa gawi ni Charles, nakita kong wala na siya. Narinig ko na naman ang nakakairitang tawanan nung mga babae. Mabilis akong humarap sa kanila at napatigil naman sila, ngunit may malalaking ngisi sa mukha nila. "Aww? Pikon?" asar nung babae.  "Pwede bang tumigil na kayo? Nakakainis na eh," seryosong sabi ko. Nagtawanan na naman sila na mas lalong ikinainit ng ulo ko. "At tigilan niyo na rin si Charles. Dahil hindi niya rin kayo papansinin," mas diniinan ko. "Hindi papansinin? Ikaw ba ang sinasabihan mo? Excuse me lang, ate. Pero hindi mo pag-aari si Charles. Hindi mo rin siya makokontrol. Kaya kung kami ang gusto niyang lapitan, 'di mo siya mapipigilan." Ako naman ang napatawa. "Kayo? Lalapitan ni Charles? Keep dreaming!"  Umalis na rin ako para habulin ko si Charles. Nakita kong malayo na ang malakad niya na kapag tumakbo ako ay mapapagod ako. I never liked running. I hate sweating kasi. Yes, maarte ako. Pero sino ba naman ang may gustong manlagkit ang katawan, diba? Pero para kay Charles, nagawa ko pa ring tumakbo. Para mahabol siya. Para maabutan siya. Para makasabay siya. Sa gitna ng pagtatakbo ko ay bigla akong natapilok, dahilan para masugat 'yung tuhod ko. Malas ko, maikli palda namin. Mas malas dahil may matulis na bagay na tumusok sa akin kaya mas masakit.  Nanlaki na lang ang mata ko nang nakitang nagdugo na 'yung sugat. Kung I disliked running, I hate blood. Nasusuka ako t'wing nakakita ako ng dugo at hindi ko alam kung bakit. Lagi akong nanghihina. Minsan, nahihimatay pa ako.  Sinubukan kong pigilan 'yung pagdugo kaso nalagyan naman 'yung kamay ko. Nagsisimula nang bumaligtad ang sikmura ko. "Ang sakit, nubayan!" angal ko. Ipinahid ko na lang 'yung kamay ko sa palda at tumayo. Sinubukan kong maglakad kahit kumikirot ang kaliwa kong tuhod. Nakasuporta ako sa wall para 'di ako matumba.  Napaupo na lang ako nang biglang sumakit. "What happened?" Napatigil na lang ako sa pag-iyak nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Tumingala ako and saw Charles. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong binuhat. "T-teka! Kaya kong maglakad!" sabi ko kasi pa-demure effect.  "You can't."  Tinikom ko na lang ang bibig ko at tumahimik. Hindi ko nga kayang maglakad dahil masyadong masakit 'yung sugat ko. Pero ayaw ko namang aminin sa kan'ya 'yun.  Actually, gustong-gusto ko nga na binubuhat niya ako ngayon eh. Pwede ba kaming mag-selfie? Gusto ko lang kasing picturan ang moment namin ngayon. As in, first time kasi niya akong pansinin, alam mo 'yun? Sobrang saya ko.  Ibinaba niya ako sa tapat ng bahay at nag-doorbell. "Uh, Charles, gusto mo bang pumasok sa loob ng bahay?" aya ko. Kapag sinabi kong gusto ko siyang papasukin para makabawi sa pagdala niya sa'kin dito, I would be lying. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal. At kung sine-swerte, baka siya pa ang gumamot ng sugat ko. Umirap na lang siya at tinalikuran ako. "You've wasted enough of my time. I'm going," nakatalikod niyang sabi at umalis na. Agad namang nawala lahat ng saya na naramdaman ko kanina. Sinayang ko.. ang oras niya. Ang sakit marinig. Para bang, hindi ka worth ng time niya dahil may mas importante pa sa'yo.  "Kiss? Anong nangyari sa'yo?" gulat na tanong ni mommy nang naabutan niya ako na nakatulala sa malayo at nagdurugo ang binti ko. Pinapasok niya ako sa loob ng bahay para gamutin ang sugat ko. *** "Anong nangyari sa'yo, Ruby?" tanong ko. Nandito ako sa room namin. Nagtataka ako dahil medyo late nakauwi si Ruby kahit lagi naman siyang maagang umuwi lalo na 'pag kasama kami. Bumuntong-hininga siya at binababa ang bag niya. "Ate. Ikaw kasi eh. Kailangan ko pang magtago para 'di ako makita ni Charles. Para maiwan kayong dalawa. Pero dahil doon, nakita ako ng isang teacher. 'Yung teacher dito na tamad? Ayun, pinagawa sa'kin grades ng mga estudyante niya," pagod na sabi niya.  Agad naman akong na-guilty sa ginawa ko. "Sorry Ruby! Sorry talaga!" Dahil sa'kin, mas dumagdag pa 'yung gawain ni Ruby. Masipag nga siya, pero mabilis naman siyang mapagod. Paano kung may assignments pala siya? "May assignment ka ba ngayon, Ruby? Or project? Or presentation? Ako na ang gagawa para sa'yo. Magpahinga ka na," sabi ko at tumayo para kunin ang laptop ko. "May presentation kami bukas, ate. Kunin mo na lang 'yung schedule notebook ko. Nando'n 'yung details. Salamat, ate," sabi niya at nginitian ako. Kaso bigla ring nawala. "Anong nangyari sa'yo?" tanong niya nung nakita akong iika-ikang maglakad. "Nasugat ka ba, ate?"  Tumawa ako. "Oo eh. Pasensya na, 'di ako tumitingin sa dinadaanan ko," nakangting sabi ko, trying to lighten up the mood.  "Or baka hinahabol mo na naman si Charles?"  She confirmed her answer nung hindi ako nagsalita. "Sige na! Matulog ka na, Ruby. Siguradong pagod ka na. Okay lang ako, ako ng bahala sa presentation mo. Sleep well."  Sa kalagitnaan ng paggawa ko ng presentation niya, may lumabas na notif sa sss ko.  'Nakakainis talaga 'yung girl na 'yun! Akala mo kung sino! Kung makaasta, 'kala mo girlfriend! Sorry girly, wake up and stop dreaming. Hinding-hindi ka magugustuhan ng dream guy mo since 'di pa nga kayo, sobrang nakakairita at clingy ka na. Goodluck to your lovelife! Tag anyone who can relate to this post. Harts harts <33  #Malandi #DreamOn'  156 likes   75 comments  2 shares Napakunot na lang ako ng noo ng nakita kong may nag-tag sa akin. Tapos 200+ 'yung likes nung comment. Hindi ko naman siya nilalandi ah? Pinapakita ko lang naman kung gaano ko siya ka-gusto. Masama ba 'yun? Nakakairita ba talaga ako?  Should I stop? No. Hangga't 'di ko naririnig mula sa kan'ya na tigilan ko na ang paghahabol ko, hinding-hindi ako titigil. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook