"Bakit nandito ka?" nakakunot-noong tanong ko sa kan'ya pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan. He wore a grim look at parang kating-kati na siyang makaalis sa harapan ko. Ngunit hindi niya ginawa. "Umalis ka na dito at namumuhay ako ng payapa," inis kong sabi at isasarado na sana ang pintuan pero mabilis siyang kumilos at binuksan na naman niya ang pintuan. "You're living normally, pero paano naman 'yung kapatid mo? I don't know why you turned into a selfish brat, Kiss," pinantayan niya ang inis ko kaya pareho na kaming naiinis sa isa't isa. "Kung gano'n, bakit ako ang pinuntahan mo at hindi siya?" Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na h'wag umasa, umaasa pa rin ako. Sana sabihin niyang nag-aalala siya sa akin. Sana sabihing niyang pinagseselosan niya si Luke. Sana sabihin niy

