"From the top, class!" sabi ng instructor sa'min. Today is the last day of practice. Bukas na 'yung Prom Night. Excited na 'ko. And then after that, ga-graduate na rin ako. Ano kayang kukunin kong kurso? Hanggang ngayon, 'di ko pa rin sure eh. Kakausapin ko nga sila mommy tungkol dito. Malapit na kasi eh. "Pst!" tawag sa'kin ni Luke. Agad akong natauhan at pumwesto na. Nagtatakang tumingin siya sa akin and I gave an apologetic smile. *** "Sorry talaga, Kiss, ha?" sabi na naman ni Luke. Break kasi namin and ngayon ay nanonood naman kami ng practice ng seniors. "Oo nga. Paulit-ulit na lang. Okay nga lang sa'kin," halos nakanguso ko ng sabi. Ang kulit niya kasi eh. Kanina pa nagso-sorry. "Eh kasi kasalanan ko kung bakit hindi mo ka-partner si Charles ngayon eh. Naabala pa kita," sabi n

