Chapter 5- Victoria's Pain°

1446 Words
Isang umaga, umalis si Ricardo at Diana at namasyal ang dalawa. Naiwan naman si Victoria sa mansiyon. Kahit apat na taon na ang nakalilipas ay hindi parin siya nasanay. Siya ang tunay na asawa pero pakiramdam niya ay parang siya ang sampid sa kanilang pamamahay. Sa loob ng apat na taon simula ng isinama ni Ricardo ang kabit nitong si Diana sa mansiyon ay mabibilang na lang sa daliri ang mga araw na tumabi ang kanyang asawa sa kanya sa pagtulog. Nahihirapan na siyang sikmurain ang nangyayari sa buhay niya at sinisisi niya ang sarili sa pagiging mahina niya. Gusto niyang umalis na lang sana at magpakalayo-layo ngunit iniisip parin niya ang kinabukasan ng kaniyang anak na si Rafa. Binantaan siya ni Ricardo, oras na umalis siya ng mansyon at iwanan niya ito ay wala silang makukuhang mag ina kahit na singkong pamana buhat dito at hindi na nito susuportahan ang mga luho at pangangailangan niya. Narito siya ngayon sa hardin at nililibang ang sarili sa pagtatanim ng mga halaman. Natutuwa siyang pagmasadan ang Ampel Petunia na nakalagay sa labing limang mga paso at nakasabit sa pader ng kanilang bakuran. May iba't-ibang nagagandahang kulay ang mga ito at talaga namang nakakawala ng pagod dahil ang sarap nito sa mga mata, kapag iyong pagmamasdan ay nakakawala ng pagod. "Parang kailan lang ay maliliit na dahon pa lang sila." Napalingon siya sa kanyang tagiliran at napangiti ng makita si Rebecca sa kaniyang tabi. Ito ang mayordoma sa kanilang bahay, matagal na itong naninilbihan sa mga Ilustre bata pa ito ay nagtatrabho na ito bilang kasambahay sa pamilya. Si Rebecca ay itinuturing niyang matalik na kaibigan. Ito at ang anak nitong si Henry ang bukod tangi nilang pinagkakatiwalaan dito sa mansiyon dahil alam nilang tapat sa kanila ang mag ina at maasahan nila sa lahat ng bagay. Simula ng si Diana na ang nagpapatakbo sa mansiyon ang lahat ng kasambahay ay naging mas maamo rito, nawala na ang loyalty ng mga ito sa kaniya. Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil si Diana ang nagpapasweldo sa kanila ang lahat ng mga pangangailan at gastusin sa mansiyon pati na ang sahod sa mga empleyado ay siya nag aapruba. Ibinigay na sa kanya ni Ricardo ang lahat ng karapatan. Nang unang buwan pa lang nito sa ancesteal house ay pinabago agad nito ang interior design ng buong bahay. Ang pinaghirapan ni Victoria ay binalewala na ni Ricardo at hinayaan niya si Diana na gawin ang lahat naisin nito. Ang sama-sama ng loob niya noon. Nang komprontahin niya ang asawa at ipaglaban ang karapatan niya rito ay sinaktan lamang siya nito. Hindi lang emosyonal na pananakit kung hindi pati pisikal ay nararanasan niya sa walang puso at makasariling si Ricardo. "Tama ka, hindi natin napapansin, isang araw ay namukadkad na lang ang mg bulaklak nila," nakangiting tugon niya rito na hindi inaalis ang tingin sa mga halaman. Sabay silang napalingon ni Rebecca ng bumukas ang malaking gate at pumasok sa loob ang mamahaling sasakyan ni Ricardo. Malawak ang kanilang lupain at kahit sampung sasakyan ay maaring makapag-park sa loob. Tanaw nila si Ricardo at Diana, lumabas ng sasakyan ang dalawa na masaya at nagkukulitan. Yumakap si Diana sa baywang ni Ricardo, ito naman ay umakbay kay Diana at pinaghahalikan pa ito sa buhok. Maririnig ang malakas na tili ni Diana na para bang kiliting-kiliti dahil sa may ibinubulong na kung ano si Ricardo rito. Naglakad na ang dalawa papasok ng bahay samantalang humahangos naman ang dalawang tagapagsilbi kinuha ng mga ito sa sasakyan ang maraming paper bag na pinamili ni Diana. Lahat ay mga branded na alam mong sa high end store lang mabibili. Ipinag-shopping pala ni Ricardo ang kaniyang kabit. Nakaramdam ng paninibugho si Victoria kahit ayaw niyang isipin ay hindi niya mapigilang maiinggit kay Diana dahil inagaw na nito ang lahat sa kaniya pati na ang pagmamahal at atensiyon ni Ricardo. Siguro nga tanga siya pero hindi parin kasi siya nawawalan ng pag-asa na isang araw ay magigising na lang si Ricardo at mapapagtanto ang mga pagkakamali niya. Tawagin na siyang hangal ng iba pero mahal niya ang kaniyang asawa at hindi lang kayamanan ang habol niya rito. Kaya niyang bumalik sa hirap maging buo at masaya lang ang kaniyang pamilya kagaya ng dati. Katulad noong bagong kasal pa lang sila at bata pa si Rafael. Hindi niya alam na tumulo na pala ang luha sa kaniyang mga mata, naramdaman na lamang niyang nabasa ang kaniyang pisngi. Mabilis niyang pinahid iyon at bumaling kay Rebecca pilit siyang ngumiti rito. "Babalik na muna ako sa kuwarto ko para makapagpahinga," paalam niya rito at hindi na niya hinintay na makasagot ito. Agad na siyang lumakad at tinalikuran ito. Pinagmasdan lang ni Rebecca ang papalayong kaibigan. Alam niya ang pinagdadaanan nito at nalulungkot siya para rito. "Laban lang, Victoria," mahinang usal niya. - Nagmamadaling tinungo ni Rafa ang bahay ng kaniyang Tita Vanessa. Tumawag ito at naroon daw ang kanyang ina at lasing na lasing. Hindi na niya ipinasok sa loob ng garahe ang kaniyang sasakyan ipinarada na lamang niya ito sa harap ng bahay. Pagpasok niya sa loob ay naabutan niya ang ina na nakahiga sa mahabang sofa. "Nakatulog na siya sa kalasingan," sabi ng kaniyang Tita Vanessa. Isa-isa na nitong inililigpit ang mga nagkalat na bote ng alak sa lamesa. Lumapit si Rafa at naupo sa bandang paanan ng ina. Pinagmasdan niya ang mukha nito, napakaganda ng kanyang ina lalo na noong kabataan nito at hanggang ngayon naman ay hindi kumukupas ang gandang iyon kaya lang medyo nagkaka-edad na at maraming iniisip na problema kaya mababakas na ang ilang wrinkles sa noo nito. Bumuntong hininga siya nang malalim. "I'll take her to the guest room," sabi niya na para bang nanghihingi ng permiso. "Mabuti pa nga, hindi ko siya kayang buhatin. Hindi mo rin naman siya pwedeng iuwi ng mansiyon sa ganyang kalagayan." Pinangko ni Rafa ang ina at saka tumayo at binuhat ito patungo sa guest room na nasa ibaba lang ng bahay, umalalay naman ang kanyang Tita Victoria at ito na ang nagbukas ng pinto. Marahang inilapag ni Rafa ang ina sa kama. Halos kalahating oras din siyang naroon nakaupo sa gilid ng kama at pinagmamasdan lamang ito. Hinagod niya ang makintab na buhok ng ina. Maya'y nakita niya ang luha na lumalabas sa gilid ng mga mata nito. He feels so sorry for his mother that even when she is asleep, she still can't forget her problem. Pinunasan nito ng palad ang luha ng kanyang ina. He can't take to see his mom in so much pain. Tumayo na siya at lumabas ng silid, marahang inilapat ang pinto at nagtungo sa kusina upang magpaalam sa kanyang Tita Vanessa. "Please look after her, Tita. Aalis na muna ako. Please tell mom to take care of herself and not to worry too much," bilin niya rito. "Okay, ako na ang bahala sa kaniya, tinawagan lang naman kita para malaman mong narito siya at isa pa baka hanapin siya ng iyong ama." "As if he cares for my mother," inis na sagot niya rito. Mapait na ngumiti si Vanessa. "Basta pag hinanap ng daddy mo ang mommy mo just tell him that she's here." Tumango na lamang siya at humalik na sa pisngi nito. "I'll get going, Tita," paalam niya rito. "Okay, mag iingat ka sa pagda-drive," bilin nito na tinanguan naman niya. Hindi siya dumiretso sa kanilang bahay dumaan muna siya sa bar para uminom ng konti. Alas nuebe pa lang naman ng gabi at hindi niya nais ang nakatambay sa bahay ng matagal kaya umuuwi lang siya roon kapag gusto na niyang matulog. Iniiwasan niyang makita ang kaniyang ama, si Diana at si Gabriel. Lalo na at ayaw niyang makasabay ang mga ito sa hapunan. Matagal na siyang naroroon ng may mga bagong dating na grupo ng kababaihan ang pumuwesto malapit sa kinaroroonan niya. Pamilyar sa kanya ang isa sa mga ito ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. "Katsumi, what do you want to drink?" tanong ng isa doon sa pamilyar na babae. Hindi niya inaasahan na bigla na lang lilingon ang pamilyar na babaeng iyon sa direksyon niya at nagkatagpo ang mga mata nila. Ilang segundo rin silang nagkatitigan nang hatakin ito patayo ng isa sa kaniyang mga kaibigan. Sinundan niya nang tingin ang magandang babaeng iyon, dumiretso ang mga ito sa counter bar para kumuha ng kanilang inumin. Ibinalik na lamang ni Rafa ang atensiyon sa kanyang alak at tinungga iyon. Uubusin na lamang niya ang laman ng bote at uuwi narin siya, mahirap mag-drive ng lasing kaya hindi siya masyadong uminom dalawang bote lang ng alak ay ayos na sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD