Ayumi's pov "Wala siya? Hindi na naman pumasok?" "Wala eh," sagot ko at umupo sa tabi nilang dalawa ni Wincy. "Mag-iisang linggo ng hindi pumapasok 'yun ah." Huli kong kita sa kanya ay nuong gabing hinatid niya ako. Ilang araw na akong nagpapabalik-balik sa building nila pero laging wala. "Wala namang bago duon. Sabi nga ni Sir madalang lang pumasok ang isang Shawn Clemente. Mukhang hindi na rin niya kailangan dahil matalino na siya," sabi ni Ella. "Babalik ako mamaya sa building nila dahil sinabi ni Yves sa akin na papasok ang My loves ko," saad ko. "Hulog na hulog ka na talaga-" "Hulog na hulog na nga at mahihirapan na akong umahon. Malakas talaga ang pakiramdam ko na magiging kami sa huli," nakangiting sabi ko. "Support ako," sabi ni Wincy. "Marksman ako," natatawang sabi ni

