bc

Taming Shawn Yvan Clemente

book_age16+
2.6K
FOLLOW
25.5K
READ
love-triangle
dominant
goodgirl
dare to love and hate
heir/heiress
twisted
humorous
heavy
campus
school
like
intro-logo
Blurb

Si Ayumi Gayle Santiago ang babaeng kinaiinggitan ng maraming babae.

Sabi nga ng iba ang swerte niya. Bestfriend niya ang isang Yves Clemente na sikat sa mga babae. May tsansa pa siyang makita kahit ano mang oras ang isang SHAWN YVAN CLEMENTE.

Paano kong main-love ka sa kambal ng bestfriend mo?

Paano kong malaman mong ang bestfriend mo ay may pagtingin din sa iyo?

Sino ang pipiliin mo? Ang taong mahal mo na hindi ka mahal o ang taong mahal ka pero hindi mo mahal?

Sino ang pipiliin ni Ayumi? ang bestfriend niya o ang kambal ng Bestfriend niya?

Anong mangyayari sa laro ng pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Uno
Ayumi's point of view Tinignan ko ang mini-map na hawak ko. "Building 4," "Building 2," Mahinang basa ko sa map, sabay tingin sa paligid. Tumingin ulit ako sa mini-map ko. Hanla, tama naman. Pero bakit wala? Saan na kasi 'yun. Ayokong ma-late sa unang klase ko. "Excuse me, saan 'yung building 5?" tanong ko sa lalaking nakasalubong ko. Hindi ako nito sinagot at nagmamadaling umalis. "Wow, ah. Feeling gwapo, eh. Pa-famous si Kuya," inis na sabi ko at pasalampak na umupo sa bench. Nakaka-inis. Bakit kasi wala ang best friend kong si Yves. Malalagot sakin 'yun. Sabi ko sa kanya i-tour ako, eh. Kinuha ko ang cellphone ko at agad dinial ang number niya. Walang sumagot sa unang tawag ko kaya, dinial ko ulit. Napangiti ako ng sinagot niya. "It's too early, Ayumi Gayle!" bungad na bati nito. Alam kong nagising lang siya sa tawag ko, base na rin sa tono ng boses niya. " 8:30 na po, Mr. Shawn Yves! I need you here," inis na sabi ko. "W-why?" Inaantok na sabi nito. Bumuntong hininga muna ako nang malalim bago siya sinagot. "Nawawala ako, hindi ko makita ang building ko. Ves," naiiyak na sabi ko rito. "Use the mini map, Ayumi! " ungol nito. Halatang inis na dahil sa antok. "Ginagamit ko naman, pero wala. Hindi ko alam kung saan. Punta ka na kasi rito," pilit ko rito. Shawn Yves Clemente, my best friend. Paano nangyari? Hindi ko rin alam. Tinuruan ko lang siya dati sa isang subject hanggang sa bumuntot na sa akin. Siya rin ang dahilan kaya wala akong ibang kaibigan. Tinatakot niya kasi ang mga lalaki. Ang mga babae naman na classmates ko sa high school, kakaibiganin lang ako para mapalapit sa bestfriend ko. Kaya pinili ko na lang mapag-isa at makuntento sa kanya. "Are you still there?" "Yeah, kainis. Uminom ka kagabi 'no. Alam mong first day ngayon tapos-" "Gracious, Ayumi. Masakit ang ulo ko para sa ratatat mong bibig. Dinaig mo pa si Mommy," sabi pa nito. "Anong gagawin ko!? Late na ako! Nawawala pa! Hindi ko alam kung saan pupunta! Dapat kasi nandito ka!" "Is it my fault, Ayumi Gayle? Nasa dulo ang building mo. Saan ka ba? I'll ask someone para ihatid ka sa building mo. Mas sumasakit ang ulo ko sayo," he mumbled. Halta sa boses niya na hindi siya natutuwa sa akin. One thing about Yves. Ayaw niya ng ginigising siya. "Sa bench. Sa gilid tapat ng building 4, duon sa may tabi ng bulaklak-" "Shut up! Ang sakit mo sa tainga. Stay where you are," "Thank you, best friend. You are the best! Lablab kita," malambing na sabi ko. "K dot!" Kita mo kabastusan niya. Pinatay agad ang tawag. Pero napangiti pa rin ako at hinintay ang kung sino man na susundo sa akin. May 30 minutes pa bago mag start ang klase ko. Sana bilisan ng taong susundo sa akin. 5 minutes na wala pa rin. Kaya tinawagan ko ulit si Yves. "Yves, wala pa!! Bakit ang tagal?" bungad na sabi ko. "Hintayin mo ang kambal ko. Stop calling me!" "K-kambal mo? S-si Shawn Yvan? Why him?" gulat na sabi ko. "You're safe. Mabait ang kambal ko. Bye," sabi nito at binaba ang tawag. Mabait? Mabait daw ang kambal niya? Si Yves lang ang naniniwalang mabait ang kambal nito. Shawn Yvan Clemente ang total opposite ni Yves. Si Shawn Yvan ay kilalang snob, cold at nakakatakot magalit. Huwag na huwag aapak sa personal space nito kung ayaw mong makita kung paano ito magalit. Walang naglalakas loob na kausapin ito o kahit man lang kaibiganin dahil hindi ito palangiti tulad ni Yves. May humintong kotse sa harap ko kaya napaayos ako ng upo. Binaba nito ang window ng sasakyan. Nakita ko si Shawn Yvan na naka sunglass. Hanla, ang gwapo. Magkamukha sila ng best friend ko pero grabe ang dating ng isang ito. "Get in," balewalang sabi nito. Agad naman akong tumayo, kaya nahulog ang bag at minimap na nasa kandungan ko. Agad ko itong pinulot. At pumasok sa sasakyan niya. Pinaglaruan ko ang keychain ng bag ko at hinarap si Shawn Yvan kahit kinakabahan ako. "A-h ano k-kasi... Good morning," mahinang bati ko. Wala akong narinig dito. Pinaandar niya agad ang kotse. "Building 5," mahinang sabi ko. Nagmamadali ko ring ikinabit ang seatbelt. "S-Shawn," utal na sabi ko. Ang gwapo talaga. Ang tangos ng ilong. Crush na crush ko siya nuong high school pa lang kami. Kahit si Yves hindi alam 'yun. Ang astig din ng porma niya. White sa panloob at black jacket. Naka-white shoes at black pants. Kailan ko kaya makikita na ngumiti siya? Ngumiti ako ng tumingin siya sa akin. "Shawn," "Out," balewalang sabi nito. "Huh?" parang tangang sabi ko. Tumingin ito sa labas kaya tumingin din ako sa labas ng kotse. Geez, nasa building 5. Ang bilis naman "T-thank you, Shawn. A-ah ano-" "Out," ulit nito. Kinabahan ako sa boses niya kaya agad akong bumaba. "Thank you ulit, Shawn." nakangiting sabi ko. Wala naman itong sagot at agad pinaandar ang kotse. Napangiti ako. Gosh, lucky day. Nakasama ko si Shawn sa kotse niya. Pinag-drive pa niya ako. Wala masyadong ginawa. Puro pakilala lang at kung ano ang aasahan namin sa buong sem. Natapos ang dalawang subject na wala masyadong nangyari. Tinext ko si Yves. To BFF Yves, 1 hour break ko. Saan ka? Sent Naglakad na ako sa pababa ng building. Napangiti naman ako ng mag-ring ang phone ko. BFF Yves calling... "Saan ka?" sabi ko agad. "Tapat ng building niyo. Faster, I'm hungry." "Ayieee, hindi ka kumain sa mansyon niyo para sabayan ako 'no." Biro ko. "Yeah, faster. Dumadami ang fans ko rito, hahaha!" Mahangin talaga. Sikat talaga 'yan. Clemente, eh! Nakita kong may pinagkakaguluhan ang mga babae. At alam ko na agad kong sino 'yun. "Ehem, excuse me!" sabi ko. Walang humarap sa akin. Hindi ako narinig. "EXCUSE ME, LADIES. DADAAN ANG BEST FRIEND!" sigaw ko. Narinig ko pa ang malakas na tawa ng best friend ko. Ang ilan ay binigyan ako ng daan habang masamang nakatingin sa akin. Ang iba naman ay tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. Kaya tinaasan ko sila ng kilay. "Angal? Best friend ako, oh!" sabi ko pa na lalong nagpalakas ng tawa ni Yves. Malala na po siya. Hindi naman ako masungit, kaya lang minsan kailangan kong gumanito para hindi ako maliitin. "You're so cute," natatawa na sabi ni Yves at umakbay pa sa akin. "Alisin mo nga! Ang bigat ng kamay mo, ang hilig umakbay ang laki mong lalaki. Tsk," sabi ko. "Haha, let's go." Kita mo 'to. Bastos talaga, hindi man lang nagpaalam sa mga babae duon. "Si bro ang naghatid sayo?" tanong niya. "Yeah, ang cold niya. Tatlong salita lang narinig ko sa kanya," sumbong ko rito. "Haha, hindi ka pa sanay? Mabait naman 'yun. Mas gusto lang niya magbasa kaysa makipag-usap." Pansin ko 'rin 'yun. Lagi itong may binabasa pag nakikita ko minsan. Pag naglalakad naman. Deretcho lang, siya 'yung tipo na mapapatingin ka pag dumaan sa harap mo. Walang paki sa nakakasalubong, nakatingin lang sa harap. Awra na walang kinatatakutan. Parang bad boy sa mga movies. "Huwag mong dibdibin ang inasal ng kambal ko. Ganun 'yun sa lahat. Hahah, " sabi ni Yves. "Iniisip ko lang, magkamukha kayo sobra-" "I know" "Pero sa ugali magka-iba kayo," puna ko. "Ganun dati si kuya Ivan," sabi nito. "Hindi kaya, si kuya Ivan nakikita kong ngumiti at tumawa." "Haha, kay ate Jewel at kay Zhaika. Pero dati raw nung binata pa lang siya, magkaparehas daw sila ni Bro. Pag nagka girlfriend na 'yun, magbabago rin. Matututong ngumiti," "Hmmm, swerte ng magiging girlfriend niya." bulong ko. "Ano?" "Ah wala? Sabi ko bilisan mo na at gutom na ako," sabi ko. Shawn Yvan Clemente, ano kaya ang feeling na maging girlfriend mo? 'Yung sa akin lang ngingiti. Haitz, daydream. "ARAY! Ano ba!" inis na sigaw ko kay Yves ng pinitik niya ang noo ko. "Kanina ka pa nakatingin sa mukha ko, are you in love with me?" nakangising sabi ko. Ang kapal talaga nito. "Excuse me, Mr. Yves. Pang-best friend ka lang hindi pang-boyfriend," pang-aasar na sabi ko. "Haha, swerte ka kaya pag naging boyfriend mo ako. Free taste ka sa katawan ko," biro nito. "Whatever, order ka na. Punta lang ako ng ladies room," utos ko rito. Agad akong dumeretcho sa ladies room. Papasok na sana ako ng harangin ako ng dalawang lalaki. "Ito ba ang best friend ng mayabang na Clemente na 'yun?" sabi ng isa. "Huwag 'yan, dude. Mala Lagot ka kay Yves pag ginalaw mo 'yan," pagpapatigil ng isa sa kasama. "Best friend lang naman. Miss pwede ka bang tikman? Mukhang natikman ka naman na ng Clemente na 'yun." Maniac na sabi nito. Napa-atras ako dahil palapit na ang kamay niya sa akin. "Ang bastos mo, ah!" matapang na sabi ko. Yves, sana sundan mo ako. Ang maniac ng mga ito. "Pag si Clemente humawak sayo, okay lang? Pag kami, bastos. Iba ka rin, eh." kita ko na galit na ito. Naramdaman kong may tao sa likod ko. Nakita ko sa dalawang kaharap ko na napa-atras sila. "S-Shawn," utal ng lalaking maniac. "Pasensya na, Shawn." sabi naman ng isa at nagmamadaling umalis. Sumunod ang isa. Hinarap ko si Shawn Yvan. "Shawn," bulong ko. Shawn lang ang pwedeng itawag sa kanya. Bawal ang second name niya kung ayaw mong makalaban siya. "T-thank you," sabi ko. Tumingin lang ito sa akin at agad na umalis. Para siyang magnet, mapapatingin ka talaga sa kilos niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Lone Alpha

read
31.7K
bc

The Vampire King's Human Mate

read
93.4K
bc

The Luna He Rejected

read
119.1K
bc

Just Got Lucky

read
141.8K
bc

My Crush Is My Best Friend's Dad

read
10.6K
bc

Sold to the Ruthless Alpha

read
5.1K
bc

Cruel Love

read
774.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook