Dos

1518 Words
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng classroom. May mga nag-uusap at nagtatawanan. Ako naman ito napaka- lonely. Walang kausap kanina pa. Ang tagal kasing dumating ni Prof. Ilang minuto pa akong naghintay ng may lalaking pumasok sa room. "Good morning, future nurses. Freddy Gomez, one of your professors. Before we start about Nursing Fundamentals, I'm giving you a chance to ask anything. Syempre anything sa course na pinasok niyo," masiglang bati nito. Hanla, akala ko masungit. Parang mabait naman, 'yung awra kasi chill lang. "Sir, kailangan ba magaling sa math para maging nurse?" Tanong ng lalaki sa likod. "Haha, 'yan din ang unang tanong ko nuon nung nag-aaral pa ako. Actually, nursing generally requires very basic math skills but almost all programs requires at least one college- level math class- usually Algebra." Ang galing din sumagot ni Sir. "Buti naman sir, mahina ako sa math. Haha," Natawa naman ang lahat sa side comment ng isang ka-block ko. Ako rin naman mahina sa math. Kaya nga ito ang napili ko. Ilang mga tanong pa ang narinig ko sa ibang estudyante na sinagot naman ni Sir. "Yes, girl in headband." "How smart do I have to be para maging nurse po?" tanong nung babae. "Being smart is not a prerequisite to becoming a nurse. There are far more valuable skills needed, such as being able to render hard words, patience and commitment. It makes the hard work worth it. Sipag lang sa pag-aaral. Lahat naman natututunan," paliwanag ni Sir. "Sir mahigpit ka raw at mababa ka magbigay ng grades. Totoo ba 'yun?" natawa naman ako sa tanong ng lalaki, "sabi ng Ate ko. Swerte na raw ako pag binigyan mo ako ng 2." "Sa mga students na dumaan sa akin 'yan ang sinasabi. Ang grades niyo depende sa performance niyo. Kayo mismo ang gumagawa ng grades niyo. May isang estudyante ako last year at siya lang ang binigyan ko ng uno. Lahat ng subject ng batang 'yun 1. Siya lang ang studyanteng nakasagutan ng lahat ng prof, isa ako duon." "Sino po, Sir?" "Shawn Yvan Scott-Clemente, alam ko kilala niyo siya." Napa-upo ako ng maayos ng marinig ang pangalan na 'yun. "Matalino 'yun," "Cold kaya 'yun. Nakakatakot lapitan." "Hindi siya pala-ngiti tulad ng kambal niya." "Pero ang lakas ng dating," Ilan lang 'yan ang narinig kong comments tungkol kay Shawn. " Siya ang estudyanteng nakikipag sagutan kung alam niyang tama siya. Lahat ng naka-usap kong professor naiilang pag kasama siya sa klase nila. Madalang pumasok, pag papasok naman sa klase ibang subject ang binabasa, minsan tulog at ang pinaka-ayaw ko sa ugali niya ay lalabas na lang bigla sa klase." Kwento ni Sir. Grabe ganun pala kalala ang ugali niya. "Bakit binigyan niyo ng Unong grado?" takang sabi ko. Napatingin naman si Sir sa akin. Napalakas ata ang boses ko at narinig niya. "He deserved it. Sabi ko nga kayo ang gagawa ng grades niyo. Kung may tataas pa sa uno, 'yun ang ibibigay ko. Madalang siyang pumasok pero pag tinanong mo kahit mga advance na topic masasagot niya. Lahat ng exam niya tama, walang mali. Sisikat ang batang 'yun bilang doktor." Ramdam ko ang paghanga ni Sir kay Shawn. Kahit ako ay mas napahanga sa mga nalaman ko. Natapos ang klase na iniisip ko pa rin si Shawn. Gusto niyang maging Doctor, tamang tama. Kailangan kong galingan at maging ganap na nurse. "Best, lalim ng iniisip." "Tanggalin mo 'yang kamay mo Yves. Bakit ka ba nandito?" tanong ko rito. "Umalis ako sa klase. Lang hiya kasi ng Prof na 'yun. Ikompara ba naman ako sa kambal ko, magkamukha lang kami nun," sumbong nito. Natawa naman ako sa sinabi niya. Hindi na bago sa akin 'yan. Kahit nang highschool pa kami, kinukumpara si best friend sa kambal nito. Tamad kasing mag-aral ang isang 'to. Kaya ayun pinag-iinitan ng mga teacher nuon. Tinanong ko nga bakit dito sila nag-aaral. May sariling school naman ang pamilya nila. Ang sagot niya lang sa akin ay, "Gusto namin!" 2nd year na si Shawn. Ang alam ko advance siya. Naboring siya nuong highschool namin kaya nag-enroll sa college. Pinayagan naman kasi mataas IQ. "Mag-aral ka kasi o kaya magpaturo ka kay Shawn," sabi ko rito. "Ayaw niya, haha. Ayaw ko namang pilitin baka sirain niya ang mukha ko. Paano na ang mga babaeng nababaliw sa akin? Paano ka na?" wika ni Yves. "Anong paano ako?" taas kilay kong sabi. "Alam ko na ang secreto mo Ayumi Gayle," "Sinasabi mo? Baliw ka na!" inis kong sabi. Nang-iinis na naman 'yan. Malakas ang trip. Nabagok ata ang ulo ng bata pa siya. Kaya abnormal, buti pa si Shawn super-normal. " 'Di ba nga, ginawa mo lang akong bestfriend kasi pinagnanasahan mo ang kagwapuhan ko. Para na rin matignan mo ang mukha ko lagi. Haha, amin na best friend." natatawa na sabi nito. Kinurot niya pa ang pisngi ko. "Baliw ka na! Hinding hindi ko pagnanasaan ang mukhang 'yan!" sabi ko. Tumawa lang ang loko ang inaya akong kumain sa labas. May kaartehan kasi ang isang Yves Clemente. Dinala niya ako sa SA restau, ang alam ko pagmamay-ari ito ng kanyang Ate. "Sir," sabi agad ng manager kay Yves. Paano ko nalaman na manager? Nabasa ko sa gilid ng uniform niya. Dumeretcho kami sa isang room sa 2nd floor. Apat na mesa lang ang nasa loob. At makikita kung gaano ka sosyal ang mga kumakain. Napatingin ako sa suot ko. College girl na nawala at napadpad sa lungga ng mga mayaman. "Give us beef Wellington, lobster risotto, ricotta gnocchi and ribeye steak." Napatingin naman ako kay Yves na sinasabi na ang order. My gosh, ano ang mga 'yun. Lobster at steak lang alam ko. "Ayumi may gusto ka pa?" tanong nito sa akin. Umiling naman na ako. Marami na kaya 'yun. "For desserts, hmmm. S'mores pie, salted chocolate chip cookie and Cream brulee. Give me long island iced tea, and for my best friend Chocolate drink. Thank you," nakangiti nitong sabi. Ako naman ay napanganga sa lahat ng gusto niyang ihain samin. "Mauubos mo ba ang lahat ng 'yun? Ang mahal naman-" tumingin ako sa menu habang nagsasalita siya kanina. "Haha, okay lang 'yun. Masasarap ang mga pagkain dito." " 'yung beef wellington 11k agad? Tapos ang mamahal ng iba, haitz. Ang mamahal talaga. May gold ba ang pagkain dito? Sa carinderia na lang sana, libre pa kita." ungot na sabi ko. Natawa si Yves. Pati ang mag-asawang matanda sa kabilang table ay natawa sa akin. "Haha, ang cute. Ganyan ang asawa ko nang dinala ko siya sa restaurant na ito 20 years ago. Wala naman kasi sa amin ang pera. Hayaan mo ang boyfriend mo na gastusan ka, mahal ka niya." sabi ni lolo. "Hindi ko po- hmmm ano ba! Kamay mo." sabi ko at tinanggal ang kamay ni Yves sa bibig ko. "Ang sweet ng girlfriend ko 'no. Laging naiinis. Hahaha," Tignan mo ang kalokohan nito. Hindi man lang sinabi na hindi ako ang girlfriend niya. Sabagay sa dami ng babae ng best friend ko, hindi ko na alam kung sino duon ang number 1. Napatayo naman ako ng makita ang Ate ni Yves na si Ate Erza. Hindi makita ni Yves kasi nakatalikod ito sa papasok sa pinto ng room. Napangiwi ako ng hampasin ng bag ni Ate Erza si Yves sa ulo. "ARA- ohhh Ate," gulat na sabi ni Yves. "Hello po," sabi ko naman. "Hi, Ayumi." ngiti ni Ate Erza sa akin bago balingan ang kapatid. "Why are you here? Hindi ka na naman pumasok sa klase mo!" "Ate naman, 'wag dito. Pinapahiya mo ako sa mga tao at sa best friend ko." rinig kong sabi ni Yves kaya napatawa ako ng mahina. "May hiya ka pa pala!! Bakit hindi ka mahiya sa amin! Nakakahiya ang mga grades mo! Ikaw lang ang bukod tanging ganyan sa atin tapos malakas pa ang loob mong 'wag pumasok," pagalit na sabi ni Ate. "Ang unfair mo naman Ate. Si kambal din naman hindi pumapasok. Minsan sa isang buwan lang 'yun papasok. Tapos lagi pang may kaaway na Prof hindi niyo pinagsasabiha-ARAYYYY ATE! Awww-ouch, tama na." Napangiwi ako ng hilain ni Ate ang buhok ni Yves. "Si Shawn kahit hindi pumasok perfect ang grades, ikaw hindi! Magsikap ka," Natatawa ako kasi hindi ito sineseryoso ni Yves. Kumindat pa sa akin. Sumulpot si Shawn sa pinto at agad umakbay kay Ate Erza. Hindi man lang ito tumingin sa kin. "Let's go, Ate!" seryosong sabi nito. Agad namang umuo si Ate Erza. "Hindi pa tayo tapos," sabi pa nito kay Yves bago sumama kay Shwan. "THANK YOU, BRO! HAHA," Kita niyo na wala talagang sineseryoso 'yan. Parang walang nangyari ang magana pa rin itong kumain. Sa ilang beses kung pagpunta sa bahay nila Yves. Ni minsan hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Shawn. Lagi itong walang pakialam sa paligid. Pero hindi ko pa rin maiwasan na mapatingin sa kanya pag nakikita ko siya. Parehas sila ng mukha ni Yves pero may kung ano sa katauhan ni Shawn na mapapatingin ka talaga. Gusto ko ang mga lalaking pa-mysterioso. Katulad niya... Katulad ng isang SHAWN YVAN CLEMENTE.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD