Tres

1045 Words
Ayumi's point of view Ang sakit ng ulo ko. Kahit anong gawin kong pagbabasa walang pumapasok sa utak ko. Naiiyak na ako, may quiz pa naman kami mamaya. First semester pa lang hirap na ako, paano pa kaya sa mga susunod pang semester? Quiz sa Physiology at Gerontology. Tapos nagre-review ako sa Pharmacology kasi magtatawag mamaya si tanda. Haitz, ano ang napasok mo Ayumi Gayle. Inuuntog ko ang libro sa noo ko sa inis. "Stupid," "Aba gag-" 'Di ko natuloy ang sasabihin ko ng makita ko si Shawn na nasa harap ko. "A-anong sabi mo?" utal kong tanong. "Stupid!" Aba, inulit pa talaga. Kalma, self. Mahal mo 'yan. Mag pasensya ka. "A-anong kailangan mo?" sabi ko rito. Hindi ako sinagot at may nilapag na notebook sa mesa bago umalis. "SHAWN, ANO 'TO? PARA SAAN?" sigaw ko pa pero hindi man lang ako pinansin. Binuksan ko ang notebook at napabalik ang tingin ko sa palayong si Shawn. "Sulat niya 'to? Bakit niya binigay sa akin?" mahinang sabi ko sa sarili. Kinilig naman ako. Dahil pakiramdam ko binigay niya ito sa akin. Para ito na lang ang basahin ko kaysa sa ilang libro. Sa loob ng notebook nandoon na ang ilang subject ko at mga pointers. Nakangiti ako habang nagbabasa. Ginanahan ako mag-aral bigla. Ang ganda ng sulat niya at ang linis. Ang galing din ng mga nakasulat summary ng mga topics sa med. Advance pa nga ata 'to sa subject ko. Napatingin ako sa phone ko ng umilaw ito. Nag-text si Yves -Ayumi ingatan mo 'yang notebook ng kambal ko. Hindi mo alam ang hirap ko mahiram lang 'yan para may magamit ka at mabasa. 'Wag mong dumihan, pareho tayong malalagot sa kanya. Ps- 'wag mong itupi ang loob. I love you! Nag-reply lang ako ng, "thank you, I love you too!" bago binalik ang tingin sa notebook na hawak ko. Kahit alam ko na pinilit lang siya ng best friend ko masaya pa rin ako. Maayos kong nilagay ang notebook sa bag ko at pumunta na sa klase ko. Naging okay ang lahat. Feeling ko naman makakapasa ako sa Quiz dahil naka sagot naman ako. Hindi ako sure sa lahat ng sagot ko. Pero alam kong marami ruon ay tama dahil nabasa ko sa notebook. Naglalakad ako sa susunod na subject ko ng may humarang sa akin, dalawang babae. "Yes?" sabi ko. "Ella nga pala," "Ako naman si Wincy. Gusto mong sumabay sa amin sa next subject?" sabi ni Wincy. "Okay," sabi ko na lang. Madaldal ang dalawa at hindi nauubusan ng sasabihin. "Totoo bang best friend mo ang isa sa kambal ng Clemente na si Yves?" tanong ni Ella sa akin. Ito na naman. Kaya ayokong nakikipagkaibigan sa mga babae. Kakaibiganin lang ako para mapalapit kay Yves. "Don't get me wrong, huh. Hindi ka namin nilapitan dahil sa kanya. Tinatanong ko lang," sabi ulit ni Ella. "Hindi rin namin gusto 'yun. Sa itsura naming 'to? Malabo pa sa malabo kung papatulan kami," wika ni Wincy. Wala naman kasi sa itsura. Pero sabagay hindi kikay ang dalawang 'to. Parang ako lang jeans at shirt okay na. "Scholar kayo?" tanong ko. "Si Ella hindi, yayamanin 'yan. Ako naman oo, tumutulong ako sa library minsan. Assistant ako ni mrs. Curto." Napatingin naman ako kay Ella. "Haha, oa lang 'yan. Basta may pera," Naging maayos ang pagsama ko sa kanila. Nagbibiruan sila minsan sumasabay na rin ako. Haha, lakas ng trip ni Ella. Hinalikan niya 'yung lalaki sa unahang pila sa Cafeteria para paunahin kami. "Masanay ka na dyan, may kalandian kasi 'yan!" natatawa na sabi ni Winxy. "Lahat ng tao may kalandian sa katawan. Yung iba tago at ako naman lantaran," sagot ni Ella. Habang nakapila kami, may dumaan sa gilid ko. Shawn Yvan. Deretcho lang ito at agad kumuha ng order. Wala akong narinig na reklamo sa mga naka pila. Sino ba ang maglalakas ng loob magreklamo di ba? Isa siyang Clemente, sikat sa larangan ng iba't ibang negosyo. "Grabe 'yan kanina. Alam mo bang binigyan siya ng chocolate nung anak ni Senador na si Grace. Tapos nakangiti na si Grace dahil tinanggap ni Shawn yung chocolate, pero nagulat kami ng tinapon niya ito sa basurahan at tinalikuran si Grace. Ayun umiiyak ang gaga. Kawawa naman," kwento ni Wincy. "Gaga, deserve ni Grace 'yun. Feeling maganda ang bruha, buti nga sa kanya." Sagot ni Ella. Nakatingin lang ako kay Shawn ng dumating si Yves at inakbayan ang kambal nito. "Bro, tinawagan ako ni mommy. Tawagan mo raw si Serene," rinig kong sabi ni Yves. "Sino ba 'yun?" Natulala ako ng makita ko ang mabilis na pag ngiti ni Yvan. Namamalikmata lang ata ako kaya pinikit ko ulit ang mata ko. "Anyari, girl?" Tanong ni Wincy. "N-ngumiti si Shawn," wala sa sariling sabi ko. "Gutom lang 'yan. Hindi naman ngumingiti si Papa Shawn," sabi ni Ella sa akin. Pero sino 'yung Serene. Kilala ko ang mga kapatid ni Yves at wala akong matandaan na Serene. Girlfriend niya kaya o nililigawan? Hindi ako pwedeng magkamali, ngumiti siya ng marinig ang pangalang Serene. Dahil sa maraming tanong sa utak ko tinawagan ko si Yves na magkita kami pagkatapos ng klase. "You are staring at my face, Ayumi. May problema ka ba sa mukha ko?!- ohhhh," "Ohhh ano?" Tanong ko. Mukha kasing nagulat siya sa kung anong iniisip niya. "Admit it, you're already falling for me!" Nakangising sabi nito kaya hinampas ko ang bag ko sa kanya. "Ang kapal! Ang hangin! May bagyo ata at signal #3 tayo. Hoy, YVES Clemente maghunos dili ka. Hindi tayo talo, pangit mo!" Malakas na sabi ko na ikinatawa naman nito. "Pangit ako? Oh c'mon, Ayumi. Alam mo na hindi 'yan totoo. Women are ready to kneel just to get me," mayabang na sabi nito. "Asa!" Bulong ko. Totoo naman kasi ang sinasabi niya. Ayaw ko lang na lumaki pa ang ulo nito. Ang mga babae sa campus ay may gusto rito o kaya kay Shawn. "Ah, sino pala si Serene? Narinig kong sabi mo kay Shawn kanina," marahang tanong ko. "I don't know," "Anong hindi mo alam? Ikaw nga nagsabi," sabi ko rito. "Inutusan ako ni Mommy. Hindi kasi macontact si Bro. Tinanong ko si Mommy kung sino 'yung Serene. Sabi niya babaeng mahalaga ngayon kay Shawn," "Girlfriend!?" Gulat na sabi ko. "Maybe,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD