Cuatro

1099 Words
Ayumi's pov "Good evening po," bati ko sa pamilyang Clemente. Narito kami ngayon sa mansion nila Yves dahil inaya niya akong dito kumain. Nadatnan namin si Tita Sheen, Tito Gavin, Ate Erza at si Shawn. Ang alam ko may kambal pang panganay sa kanilang magkakapatid pero may sari-sarili ng pamilya kaya hindi ko nakikita. "Good evening, Ayumi. Sumabay ka na sa aming kumain," mabait na sabi ni Tita Sheen. Pagkaupo ko ay napatitig ako kay Shawn na hindi man lang ako tinapunan ng tingin, pino itong kumakain. Kahit nag-uusap ang lahat hindi ito nakikisali. "Why are you looking at my brother?" Napaayos ako ng upo ng tinanong ako ni Ate Erza at nakataas pa ang kilay nito kaya mas kinabahan ako. "Po?" Mahinang tanong ko na hindi makaharap sa kanya. "You've been staring at him since you sat down. Do you like him?" Umiling-iling ako at nahihiyang tumingin sa magulang nila. Grabe, totoo pala ang naririnig ko na iba si Ate Erza. Pranka ito, at sasabihin kung ano man ang maisipang itanong. "Tama na 'yan, nahihiya na tuloy si Ayumi." Pigil ni Tita Sheen. "I'm just asking," baliwalang sabi ni Ate Erza. "Ate naman nakatingin lang siya kay Bro dahil naa-amaze pa rin siya na magkamukha kami," sagot ni Yves kaya nginitian ko siya. "Duh, ilang beses niya ng nakita si Shawn. Hindi naman siya taong bundok para ma-amaze ng paulit-ulit," mataray na sabi ni Ate Erza at humarap sa akin. "May gusto ka ba sa kapatid ko?" "Ate naman!" "Yves manahimik ka, nagtatanong lang ako. Wag kang oa," sabi nito at binalik ang tingin sa akin. Tumingin ako kay Shawn na nakatingin na rin sa akin kaya lalo akong kinabahan. "Tama na 'yan Erza, kinakabahan na sayo ang bata. Sige na Iha kumain ka na," sabi ni Tito Gavin. Nakinig naman si Ate Erza at tumawa lang ito bago nagpatuloy sa pagkain. Tahimik lang ako habang kumakain at panaka-nakang tumitingin kay Shawn. Nang matapos kami agad itong umalis. "Hintayin mo ako dyan, kakausapin ko sandali si Bro." Naiwan ako sa sala kasama si Ate Erza. Nakayuko lang ako dahil sa hiya at kunwaring abala sa phone ko. "Me? If I want a man I will tell him and I will do everything just to get him. Mahirap magsisi sa huli." Napatingin ako kay Ate Erza dahil sa sinabi nito. "Po?" Tanong ko. "Alam ko na gusto mo si Shawn, halata ko sa bawat kilos mo. Una mong gawin sabihin mo kay Yves na may gusto ka sa kambal niya para hindi siya umasa, tapos gawin mo lahat para mapalapit kay Shawn- kung gusto mo talaga siya," simpleng sabi nito. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso dahil walang emosyong nakatingin siya sa akin. "I have no problem if you like Shawn and if you end up together eventually," sabi nito. "Magkakaproblema lang tayo pag nakita ko si Yves na masasaktan sa huli dahil sa paglilihim mo ngayon." Iniwan niya ako pagkatapos niyang magsalita. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang sinasabi niya. Siguro hindi niya alam na magkaibigan lang talaga kami ni Yves. Una pa lang malinaw na sa amin ni Yves na hindi bestfriend lang talaga kami. "Okay ka lang ba, Iha? Nasaan si Yves?" Tanong ni Tita Sheen na umupo sa tabi ko. "Nasa kwarto po ng kambal niya," sagot ko. Tamang tama naman na bumaba si Yves. "Mommy hatid ko na siya," saad ni Yves kaya tumayo na ako. "Una na po kami Tita, salamat po sa pakain." "Welcome, 'wag kang mahihiyang pumunta rito kahit anong araw. Ingat kayo." Tsaka lang ako nakahinga nang maayos ng nasa loob na ako ng kotse ni Yves. "Are you okay?" "Grabe 'yung kaba ko pag tumitingin sa akin ang Ate mo. Feeling ko isang maling galaw ko lang papaalisin na niya ako sa mansion niyo," sabi ko na ikinatawa niya. "Ganun lang si Ate pero mabait 'yun," saad nito. "Bakit ka kasi titig na titig sa kambal ko?" "Ang gwapo eh," sagot ko. "Magkamukha lang naman kami kaya ako na lang ang titigan mo, hindi ako magagalit. Gusto mo gawin mo pang wallpaper ang picture ko," biro nito. "Asa boy!" Magkamukha sila pero iba ang dating ni Shawn, kung si Yves pang bestfriend ang awra- Si Shawn naman pang-forever. Minsan nga nakita ko silang dalawa na parehas ng suot pati hair style pero agad kong nalaman kong sino si Shawn sa dalawa. "Ingatan mo 'yan at 'wag mong kusutin," inabot nito sa akin ang notebook. "Gamit niya 'yan last year kaya sigurado ako na makakatulong 'yan sayo this sem." "Sa kanya ito?" Tanong ko dahil penmanship niya ang nakita ko pagbukas ko sa loob. "Alam kong nahihirapan kaya hiniram ko 'yan sa kanya para makapag-advance reading ka." "Sana ikaw rin makapagbasa hindi 'yung puro pambababe ang inaatupag mo," pangaral ko bago lumabas sa kotse niya. "Ingat sa pag-drive. Thank you, I love you bestfriend." "Love you too." Habang nagbabasa ako naalala ko 'yung sinabi ni Ate Erza, may balak naman talaga akong magtapat ng nararamdaman ko kay Shawn. Nag-iipon lang ako nang lakas ng loob. Buong linggo akong nagpaka-busy sa pagbabasa, may balak sana akong ipa-copy kaya lang kabilin-bilinan ni Yves na ayaw ni Shawn na ipa-xerox o kopyahin ang notes nito. Pagkatapos ng klase ko dumeretcho ako sa library dahil sigurado ako nanduon siya, hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko siya sa sulok at nagbabasa. "Shawn," tawag ko at nilahad ang notes niya. "Thank you." Kinuha niya iyun na hindi man lang ako tinitignan. "Ano kasi-" "What?" Napaatras ako ng tumitig siya sa akin. Grabe nakakatakot siyang tumingin pero s**t na malagkit ang gwapo. "Itatanong ko lang sana kung alam mo kung nasaan si Yves," mahinang sabi ko. "Ayumi-" "Ay s**t- ops, sorry." Tinakpan ko ang bibig ko para hindi nito makita ang pagngiti ko. Ito ang unang beses na tinawag niya ang pangalan ko. Inipit ko ang buhok ko sa likod ng tainga ko at ngumiti sa kanya. "Ano 'yun?" Malambing na tanong ko. "Gross," saad nito at naglakad palayo kaya sumunod ako. "SHAWN HINTAY- ay sorry po," nahihiyang sabi ko sa librarian na tinignan ako nang masama. Tahimik kong sinundan si Shawn hanggang sa makalabas kami sa library. "Shawn alam ko na gusto mo ako," biro ko kaya napahinto ito. Kahit ang ilang studyante ay napahinto at naghihintay sa sagot ni Shawn. Biro lang naman eh. "Are you f*****g serious?" Walang emosyong tanong nito. "Biro lang, hehe. Peace," kinakabahang bulong ko. "You're not my type, ugly creature." Ay wow! Grabe manlait. Maghintay ka lang dahil sa akin din ang bagsak mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD