Cinco

2187 Words
Ayumi's pov Anak ng pusa naman oh walang masakyan. Alas otso na at late na ako sa bar. Ilang gabi rin akong hindi pumasok sayang ang kita, walang magagawa kasi kailangan ko namang mag-review. Haitz, buhay mahirap nga naman oh ang hirap ikasya ang oras sa daming kailangang gawin. Nilabas ko ang iphone na regalo sa akin ni Yves, ito lang ang tinanggap ko sa dami niyang alok sa akin. Duh, tama na ang phone baka masabihan pa akong gold digger. "Ano 'yun, Wincy?" Naging kaibigan ko na rin talaga sila at lagi ring nakakasama. Hindi naman sila mahirap pakisamahan dahil hindi maaarte. "Naalala ko kasi na sabi mo may trabaho ka sa bar. Tatanong ko lang sana kung may opening, balak ko kasing mag-apply. Nagigipit ako," saad nito. Sinabi ko sa kanya na kita kami sa bar na pinagtra-trabahuan ko. Si Wincy tulad ko 'yan mahirap, ayaw niya ring tanggapin ang mga alok ni Ella sa kanya kahit pera. Sabi nito kaya naman nyang magtrabaho, ako rin naman. Pag inaalok ako ng pamilya Clemente ng pera hindi ko tinatanggap. Magiging kami ni Shawn sa future ayokong maungkat 'yun at masabihan na pera lang ang habol ko. Kahit hirap na hirap na ako sa pag-aaral at trabaho sa gabi okay lang kaysa naman makinabang sa pera nila eh magiging isa naman akong kapamilya nila soon. Tamang hintay lang. 9 pm na ako nakarating sa bar. "Ano ba 'yan Ayumi hinahayaan kitang mag-absent ng ilang beses dahil alam kong nag-aaral ka pero wag mo namang abusuhin ang kabaitan ko, gaga nito. Ngayon na nga lang ulit papasok sobrang late pa," panenermon sa akin ng baklang manager namin. "Sorry na Madam Pretty wala kasing masakyan-" "Sasagot ka pa! Problema ko ba 'yun? Aba bumyahe ka ng maaga ganun lang 'yun, hanla trabaho na masisira ang beauty ko sayo!" Saad nito at tinalikuran ako. Sinuot ko naman ang dress na uniform ng mga waiter dito. "Beh kung hindi ka lang maganda, matagal ka ng tinanggal ni Manager. Pasalamat ka may mga customer na bumabalik para sayo," saad ng isang kasamahan ko. "Kung tatanggalin niya ako mawawalan ng dyosa dito," natatawang sabi ko bago ito tinalikuran. "Ay buti naman nandito ka na, ilang gabi ka ng inaabangan sa VIP2. Ikaw ang request na magserve," saad ni Jay sa akin. Isa siyang bartender dito sa pinapasukan ko. "Si Panot ba?" Tanong ko at kinuha na ang tray na may lamang special drinks. Si Panot na tyoe ako, asa siya na papatol ako sa sobrang pangit nun, ewww! "Oo alam mo namang patay na patay sayo 'yun. Penge sa tip ah," saad ni Jay. "Hingi ka sa mga stripper oh mas malaki tip nila. Ako maliit lang," sagot ko at naglakad na papuntang 2nd floor. Pagpasok ko sa VIP room nakita ko si Panot kasama ang mga kagawad nito. Oo isa siyang chairman na maniac. "Nandito na pala ang favorite kong waiter," saad nito pagkakita sa akin. Hindi naman high end na bar ang pinapasukan ko, kaya 'yung sa mga VIP hindi mga yayamanin talaga. Tamang pangungurakot lang ang tema lalo na itong nasa harap ko. "Hi, Sir. Long time no see. Order niyo," nakangiting sabi ko at nilapag sa mesa ang mga dala ko. May dumating din na dalawa pang waiter na naglagay ng beer at umalis agad. Paalis na ako ng tawagin ako ni Sir Panot kaya humarap ako na may ngiti. Naglagay ito ng 500 sa tray na dala ko. "Thanks," ngiting sabi ko. "Sabi ko naman sayo tumable ka lang dito mas malaki pa dyan ang ibibigay ko, pwede ring mag-date na lang tayo sa labas kung gusto mo. Ako na bahala sa monthly allowance mo," may kamaniakang sabi nito. "Hindi talaga pwede," tinaas ko ang 500 sa harap niya. "Okay na ako dito. Balik na lang ako pag may order ulit kayo." Kita ko ang mga kasamahan nito na nakatingin sa legs ko, kamaniakan overload ang awra sa loob ng vip room. Nakakadiri talaga, kung hindi ko lang kailangan ng trabaho matagal na akong umalis dito. "Vodka nga pampalakas ng loob," saad ko kay Jay pagbalik ko. Naghanda naman ito at binigay sa akin. Libre naman ito sa amin, dalawang shot isang gabi. "Naks 500 ulit ah. Tiba-tiba ka talaga lagi pag pumapasok ka," nakangising sabi nito at may nilapag sa harap ko na bucket. " Vip4 serve mo ito." "Geh, ano bang meron at madaming tao ngayon sa vip rooms?" "May mga bagong hire na babae kaya nag-uunahan siguro," saad nito. "Alam mo na naghahanap ng jackpot." Sayawan lang naman ang mga 'yun sa VIP. No s*x pwera na lang kung ilalabas sila, iwan ko ba bakit nasisikmura nilang mag-ganun sa harap ng mga maniac. Ako kontento na ako sa konting landi at serve. No touch at alam 'yun ni Manager. "Pssst, Ayumi." Nakita ko si Wincy kaya dinala ko muna ito kay Jay. "Hintayin mo ako dyan ipapakilala kita kay Manager pagbalik ko." Nagmadali na akong pumunta sa VIP4, nadatnan ko ang mga kalalakihan na hindi katandaan. Siguro nasa 25-30 years old at may ilang may itsura, nagtatawanan. "Miss may boyfriend ka na ba? Pwede bang manligaw," saad ng isa sa akin. "Date tayo after nito gusto mo," saad naman ng isa pa pagkababa ko ng beer. "Table na lang natin," rinig ko pang sabi ng isa. "Ang ganda mo naman at ang sexy mo rin," nahila ko naman ang dress ko pababa dahil sa narinig ko. Walang pagkakaiba, mga uhaw sa laman. "Waitress lang po ako dito. Kung gusto niyo mamili kayo sa baba ng babaeng pwede niyong i-table," nakangiting sabi ko. "Talaga?" Saad ng nasa gitna at tinaas ang ilang libo na parang pinagyayabang sa akin. "Magkano ba ang isang gabi mo? Name your price." "1 million, kaya mo?" Saad ko. Natahimik naman sila at kita ko ang pagka-irita sa lalaking nag-flex ng pera. "Kung di niyo kaya alis na ako." Hindi ko na sila hinintay na magsalita, lumabas na lang ako. "Shuta siya, kapal ng mukha na tanungin ang isang gabi ko. Peste ang maniac sayang may itsura pa naman," bulong ko at dumeretcho na kay Wincy. Dinala ko ito sa office ni Manager. "Madam-" "Naku, Ayumi magtrabaho ka wala akong mapapahiram sayo-" "Madam hindi ako ba-baley, may mag-aapply na waiter kaibigan ko." Tinignan nito si Wincy at pinalapit sa harap niya. "Umikot ka nga," utos nito. Tumingin si Wincy sa akin at tinanguan ko lang para ipahiwatig na sumunod lang sa mga sasabihin ni Manager. Ang qualification lang naman dito bilang waiter ay sexy at hindi mataba ang tiyan dahil fitted ang dress na uniform. "Nag-aaral ka din ba tulad ni Ayumi?" "Opo sa parehong paaralan." "Nag-aaral kayo sa mamahaling university tapos mga dukha pala. Ewan ko sa inyo, tanggap ka na. Ayumi turuan mo siya," saad ni Manager at hinarap si Wincy. "Dito waiter ka lang hindi ka pwedeng umupo o mai-table lalo na at nag-aaral ka rin. Ayoko ring malaman na sumasama ka sa customer sa labas pwera na lang kung mag-aapply kang stripper." "Waiter lang po," mabilis na sagot ni Wincy. "Good, kung aabsent ka tulad ng bruha sa likod mo magpaalam ka sa akin para alam ko. Walang problema sa akin basta nag-aaral pero kung aabsent ka dahil may date aba 'di kita kailangan dito. Gets?" Mataray na sabi nito kaya napangiti ako. Mabait naman kasi 'yan, madaldal lang talaga lalo pag nahiwalay sa boylet. Mukha lang siyang strikto pero may pusong mamon. "Gets po, kailan po ako mag-uumpisa?" "Ngayong gabi na, sasamahan ka ni Ayumi na magpalit. Alis na," pagtataboy nito sa amin. "Madam masyado kang highblood ngayon masisira beauty mo dyan," biro ko. "Ewan ko sayo Ayumi ilang gabi kang absent stress ako sa mga naghahanap sayo. Umalis ka na nga isama mo na 'yang kaibigan mo. Nakakairita ka," malditang sabi nito. "Asus inggit ka lang sa ganda ko. Haha." "Bwesit, alis!" Natatawa akong lumabas kasama ni Wincy. Sarap niya talagang asarin. Dinala ko si Wincy sa maliit na locker room namin para makapagbihis na. "Kung may nambastos sayo sabihin mo sa akin at umalis ka agad. Madami nun dito 'wag ka lang papayag. Pwede mo ring hampasin ng bote haha," biro ko. "Kaya ko ang sarili ko. Salamat," sabi nito at tumingin sa akin. "Alam ba ng best friend mo na nagtra-trabaho ka dito?" "No," sagot ko. "Alam kong madami kang tanong mamaya sasagutin ko lahat, sa ngayon magtrabaho na muna tayo pampa-goodshot kay Manager." Pinakilala ko na siya sa ibang waiter at kay Jay na rin at hinayaan na siyang mag-isa. Ako namang naging busy sa pabalik-balik na pagse-serve sa VIP. Pero dahil mahirap ako bawal mapagod kaya tuloy tuloy lang ang trabaho kahit ang paa ko gusto ng sumuko sa kakalakad. "Ayumi nalasing si Chell walang kakanta may dalawang song pa. Ikaw muna ang kumanta kahit hanggang dumating si Ron-" "Madam 'di ko alam-" "Alam kong marunong ka narinig kita minsan sa Locker. Bilis na dagdagan ko sahod mo," saad pa nito. "Wag ka ng umarte kailangan mong bumawi dahil madami kang absent." "Oo na Madam pero aabsent ako sa wednesday at thursday, huh! May quiz ako kailangan ko mag-focus." "Oo na, akyat na duon. Ikaw lang ang demanding dito." Nagmadali akong umakyat sa stage at agad na kinausap ang banda. Ang una kong kinanta ay ang 'Mahal ko o mahal ako' at ang sumunod ay ang 'Peaches'. "Salamat po and have a good night," pagtatapos ko. "MORE! MORE! MORE!" Sigaw pa ng iilan pero pinalitan na ako ng pang-10pm na singer namin. 11:30 na ng mag-out kami ni Wincy. Mabilis lang ang trabaho at maliit ang sahod pero malaki ang tips kaya bawing bawi na rin. "Gutom ka na? May mamihan duon tara kain muna tayo sagot ko," aya ko. "Ako na may tip ako oh," saad nito at pinakita ang 700. "Ako na," saad ko at pinakita ang tatlong libo. "Ayusin mo lang sa pagse-serve, tignan mo tip lang ito hindi ako naki-table." "Ang laki naman." "Pagnagtagal ka may mga customer rin na ikaw ang request tapos malaki mag-tip. Wag mo lang pahawakin sayo," turo ko. Lahat ng sinasabi ko ay pinapakinggan niya lang hanggang sa makarating kami sa mamihan. "Tanong na," saad ko habang kumakain kami. "Huh?" "Alam ko may mga tanong ka kaya go na habang nasa mood akong sumagot." Nag-alangan pa itong magtanong. "Bakit hindi alam ni Yves Clemente na nagtra-trabaho ka sa bar? Hindi niya alam na mahirap ka?" "Alam niya na mahirap ako pero hindi ko sinasabi na nagtratrabaho ako sa bar dahil ayokong kaawaan niya ako at bigyan ng pera. Hindi niya ako responsibilidad at ayoko ring matawag na pera lang ang habol ko sa kanya kaya ko kinaibigan," paliwanag ko. "Walang nakakaalam sa school? Nasaan ang magulang mo?" "Wala na akong magulang at ikaw lang ang nakakaalam sa school na waiter ako sa gabi. Medyo malayo naman ito sa university at imposibleng pumunta sila sa bar dahil hindi naman pangmayaman 'yun. Safe naman," saad ko. "Hindi sa nahihiya ako sa trabaho natin huh, ayoko lang ma-bully." "Saan ka nakatira ngayon?" "Nangungupahan ako ng maliit na apartment," saad ko. "Buti nakakaya mo?" Manghang sabi nito. "Kayang kaya pa naman." Nang makita ko na tapos na itong kumain hinatid ko na siya sa sakayan ng jeep. "Bye, ingat ka. Kita na lang tayo sa school." "Geh, ingat." Paalam ko at tumalikod na rin. Pagdating ko agad kong binagsak ang katawan ko sa kama. "Haitz, kapagod. Konting tiis lang self makakaraos ka rin. Tamang tiyaga lang para sa future 'di ka kawawa," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa ceiling. Nabubuhay akong mag-isa, hindi ko na nakilala ang magulang ko. Lumaki ako sa poder ng Auntie ko hanggang sa mag-15 ako, lumayas ako sa poder niya dahil hindi ko na matagalan ang pang-aalila niya at ng anak niya sa akin. Sa murang edad natuto akong pasukin ang iba't ibang trabaho. Dishwasher sa canteen, taga bantay ng sasakyan sa mga mall, tagalinis ng sapatos. Lahat ng mahihirap napagdaanan ko. Hanggang sa makapasok ako sa bar at duon ako nakapag-ipon at pumasok sa sikat na school dahil napag-alaman kong duon nag-aaral ang lalaking nagugustuhan ko 'yun si Shawn Yvan Clemente. Tinawag nga ako ni Madam na ambisyosa dahil poorita pero pinipilit mag-aral sa elite school. Kung hindi ako kikilos paano ang forever ko? Mula nang una kong makita si Shawn sa isang restau na nadaanan ko hindi na siya nawala sa isip ko, kaya nga todo hanap ako ng mapagkakakitaan para sa tuition. Ewan ko ba this sem fully paid na daw ako sabi sa cashier ng university. Kung namali man sila bahala na kasalanan na nila 'yun, aba malaking tulong na 'yun sa akin kaya hindi na ako nagtanong pa. "Ayumi, bakit online ka pa?" Tanong ni Yves na tumawag pa sa akin. "Patulog na rin ako-" natigil ako sa pagsasalita ng may marinig akong babae sa kabilang linya. "Shuttaca talaga Yves nambababae ka na naman. Kadiri bukas mo na ako kausapin." Rinig ko ang tawa nito sa kabilang linya. "Just checking-" "I'm okay. B-bye na. Love you," antok na sabi ko. "Love you too, best friend."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD