Seis

2115 Words
Ayumi's pov Nagising ako ng ala-seis para makapaghanda na at kailangan ko pang pumasok. 9 pa naman ang klase ko kaya lang kailangan kong pumunta sa library. "Aling Celia napaaga ata kayo," sabi ko ng buksan ko ang pinto. "Iha, ayaw pa sana kitang singilin pero magbabakasakali lang ako na baka may pambayad ka na sa upa. Wala na kasi akong pambili ng gamot, kahit isang buwan lang Iha. Nagipit lang talaga ako," mabait na sabi nito. Nilabas ko ang dalawang libo sa wallet ko at binigay sa kanya. "Pasensya na po aling Celia nawala kasi sa isip ko. Sa susunod maga-advance na talaga ako sa inyo," sabi ko. "Ahy naku okay lang naiintindihan naman kita. Alam kong madami ka pang gastusin sa school mo. Kung nagpadala lang ang anak ko hindi kita sisingilin." Mabait talaga ito kaya hindi ko magawang umalis kahit malayo sa school. Habang nakasakay ako sa jeep hindi ko mapigilang mapapikit sa sobrang antok ko. Ramdam ko rin ang pananakit ng legs ko, sobra akong napagod kagabi lalo na pababa at paakyat ng 2nd floor ang ginawa ko habang naka-heels pa kaya dobleng pasakit para sa akin. Napadilat ako ng maramdaman kong may bumubunggo sa boobs ko. Tinignan ko ang lalaking nakatingin sa akin habang nakangisi. Hinampas ko sa mukha nito ang bagpack ko. "Maniac ka, ah! Sa susunod na dumikit ka pa sa akin tatagasin ko ang tagiliran mo," galit kong sabi at pinakita ang maliit na kutsilyo na may takip pa na lagi kong dala. Bigay sa akin ni Yves para daw makalaban ako sa mga ganitong pagkakataon. Mabilis namang bumaba ang lalaki ng makita ang dala ko pero naharangan siya ng isang motor na nasa likod ng jeep. "Okay ka lang Miss?" Tanong sa akin ng driver. "Gusto mo bang idaan kita sa presinto para makapagreklamo ka?" "'Wag na po," sagot ko naman. Hindi naman ako nasaktan at wala rin namang maitutulong ang police. Shuta, naalala ko na naman 'yung nagreklamo ako dahil sinabi kong muntik na akong gahasain ng isang lalaki sa labas ng bar at ang sagot sa akin ng pulis kasalanan ko kasi nasa bar ako. Oh di ba nakaka-tang-ina. Kaya nga wala akong tiwala sa mga pulis, kahit ilang beses na akong nabastos lumalaban na lang ako. Anong magagawa ko mahirap ako, pag mahirap walang paki ang mga pulis sa mangyayari sayo. Pagpara ko sa harap ng University kinailangan ko pang maglakad para makarating sa building namin. Napahito ako ng may itim na sasakyan ang humito sa tapat ko. "Baby, get in!" Ang bestfriend ko na mahilig akong tawaging baby para magselos Ang mga babae. Agad naman akong sumakay, sayang ang puti kong papaaraw ako lagi. "New car huh," saad ko. "Kotse ni Bro ito hiniram ko. Nabangga ko 'yung kotse ko kagabi," natatawang sabi nito. "Nabangga na pero mukhang happy ka pa." "I'm always happy," sabi nito. "Nandito na tayo sa building mo, baba ka na." "Saan punta mo niyan?" "Date-" "Yuck kadiri. Hindi ka papasok para lang makipa-s*x, ewan ko talaga sayo Yves. Dapat nag-aaral ka para hindi ka laging kinokumpara sa kambal mo pero puro ka libog!" "Ayumi, enjoy life. Lalaki ako at gustong matikman ng mga kababaihan ang katawan ko bakit ko ipagkakait sa kanila? Masaya sila-nag-enjoy ako," natatawang paliwanag nito. "Baba ka na nga, tapos na akong senermunan ni Mommy. Wag ka ng dumagdag." "Pag nagka-AIDS ka bahala ka ah. Wag kang lalapit sa akin," malakas na sabi ko at bumaba sa sasakyan niya. "Love you bestfriend. Sunduin kita mamaya!" "Pangit mo!" Sigaw ko pabalik na tinawanan lang nito at umalis na. Kung talagang makapal lang ang mukha ko matagal na akong humiram ng pera dyan sa bestfriend ko. Alam ko rin na bibigyan niya ako at hindi na papabayaran kaya 'yun ang ayaw ko. "Morning, Ayumi. Parehas kayo ni Wincy na mukhang puyat," bati sa akin ni Ella pagpasok ko sa room. Nakita ko si Wincy na nakapahinga ang ulo sa mesa ng upuan niya. "Kita mo nga hindi na nakapunta sa library para mag-assist." Pabagsak rin akong umupo sa tabi ni Ella, buti wala pang Prof. "Sakit ng legs ko," daing ko. "Anong oras na natapos ang trabaho ko kagabi." "Ah, 'yung work na sinasabi mo. Gusto mo pahiramin kita ng pera para hindi ka muna magtrabaho?" "Ayoko," saad ko kay Ella. "Gisingin mo na rin ako pag nandyan na ang Prof. Antok na talaga ako." Imbes na pumunta ako sa library mas minabuti kong magpahinga na lang sa room. Physically at mentally drain ako. "Hoy gising. Nandito si Clemente," rinig kong paggising ni Ella sa akin habang niyuyugyog pa ang balikat ko. "Hayaan mo ang may AIDS na 'yan!" Inaantok na sabi ko at hinayaan ang sarili ko na matulog ulit. Wala akong paki kay Yves dahil hindi naman siya ang prof namin. "AY SHUTTAKA!!!" Gulat na sabi ko pagkagising ko dahil nakita ko si Shawn na nasa harap ko. Tumingin ako sa buong room at kaming dalawa na lang ang natitira. "A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko at pinunasan ang gilid ng labi ko baka may laway nakakahiya. Hindi ito nagsalita at nilapag sa harap ko ang isang libro. "Page 36, answer and pass it to me." "Ah ano?" "Stupid! Do it!" Hindi ko alam kong natakot ba ako o gusto ko lang magpa-impress dahil agad kong sinunod ang gusto niya. Hindi pa ako nakontento pasimple kong hinila pataas ang skirt ko. Tumingin ako rito pero busy ito sa isang libro na binabasa, tsk. Hirap akitin ah, binilisan ko na ang pagsagot. "Tapos na ako, Shawn. Ah-" Walang pakundangan nitong kinuha ang libro sa harap ko ang ang papel bago tumayo at tumalikod sa akin. "Shawn may sasabihin ako," malakas na sabi ko. Huminto ito sa paglalakad at tumingin sa akin kaya ngumiti ako. "Ah kasi-" "I don't have AIDS, Stupid Girl." Iniwan ako nito pagkatapos nitong sabihin 'yun. "Huh anong AIDS ang sinasabi niya? Hindi ko naman siya sinabihan ng ganun. Natawag pa akong stupid, grabe siya." Nagtatakang bulong ko. "Ang hirap namang umamin sa kanya na mahal ko siya. Mahirap kumuha ng pagkakataon." Mabilis kong inayos ang gamit ko at lumabas para habulin siya. "SHAWN! SHAWN, HINTAY!" Tinginan na sa akin ng mga studyante dahil sa ginagawang kong paghabol at pagsigaw sa pangalan ni Shawn. Hindi naman siguro niya ako sasaktan o sisigawan para mapahiya dahil best friend ako ng kambal niya. "SHAWN SANDALI MAY SASABIHIN AKO!" Hindi pa rin ito humaharap hanggang sa maabutan ko siya at nahawakan ang braso niya. Walang emosyon ang mga mata nito habang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa kanya. Mabilis kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya at umatras ng dalawang hakbang. Sobrang nakakatakot siya pero mas nahuhulog ako sa kanya. "Ah, Shawn-" "Next time, don't touch me. I don't know what virus you're carrying," pang-iinsulto nito pero napangiti ako. "Ang dami nung salita. Wow," manghang sabi ko. "Crazy." "May sasabihin ako, 'wag mo muna akong talikuran. Ang layo ng tinakbo ko para maabutan ka oh," pagpapaawa ko. Hindi ako nito pinakinggan at tinalikuran pa rin ako. "Kainis ka naman! Ang hirap mong piliting mag-stay!" Pagdra-drama ko. Madami na ring nanunuod sa kabaliwan niya. Anong magagawa ko simula nuong sabihan ako ni Ate Erza na umamin mas lumakas ang loob ko. Aba, Ate niya na 'yun na may basbas sa akin. Aarte pa ba ako? Hindi man lang itong humarap sa akin at nagpatuloy sa paglalakad habang ang mga studyante ay gumigilid para makadaan ito. Hahabulin ko na sana ng may umakbay sa akin. "Yves? Anong ginagawa mo dito?" Hindi ito sumagot at inakay ako papunta sa cafeteria. Nag-order na rin ito at bumalik sa pwesto ko. "Ano nga?! Bakit ka nandito?" "To save you," baliwalang sabi nito. "Huh?" "Tinawagan ako ni Bro sobrang galit dahil tinawag mo raw siyang may AIDS sa harap ng madaming studyante. Natagalan lang ako dahil tinapos ko pa ang klase ko," paliwanag nito. "Ang naaalala ko antok ako nun tapos sinabi ni Ella na dumating si Clemete kaya akala ko ikaw. Nasabi ko may AIDS, hindi ko naman alam na hindi ikaw 'yun. Malay ko bang siya ang dumating wala rin akong ka-alam alam dahil tulog ako," paliwanag ko. Nainis rin ako sa sarili ko kasi bad shot ako kay Shawn. Bakit ba kasi nakapagsabi ako ng Aids! "Haha, lagi mo kasi akong iniisip kaya ganyan. Nga pala pasalamat ka dumating ako dahil kung hindi baka pinahiya ka na, buti na lang iniisip pa rin niya na best friend kita. Kita mo naman na nagtitimpi na siya sayo. Ano ba kasing ginagawa mo at nakuha mo pa siyang sundan," tanong nito. "Mamaya sasabihin ko sayo-" "Bakit hindi pa ngayon? Kailangan mo ba ang notebook niya ulit? Ako na ang hihiram," sabi nito. Huminga muna ako nang malalim bago napagdesisyunan na sabihin sa kanya ang dahilan ko. "May aaminin sana ako-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may babaeng biglang humalik sa kanya. "Babe kanina pa kita hinihintay sa kotse mo. Nandito ka lang pala kasama ang best friend mo," nakangising sabi ng babae na nakatingin sa akin. Tinignan ko naman nang masama si Yves. "Wenona-" "Rina ang pangalan ko Babe-" "Yeah Rina umalis ka muna dahil nag-uusap kami ng bestfriend ko-" "Best friend mo lang naman 'yan. Hindi ka napapaligaya sa kama," sabi nito at nakita ko na dinilaan ang tainga ni Yves. "Ang kadiri niyo. Umalis na nga kayo dito," inis na sabi ko. "May sasabihin-" "Mamaya na. Kamutin niyo muna ang mga kati niyo. At ikaw naman Rina 'wag mo akong taasan ng kilay dahil isang sabi ko lang hindi ka na hahawakan niyan," mayabanang na sabi ko sa kanya. "Yeah, don't touch me.-" Yves ialis mo muna 'yan dito. Ayokong marinig ang drama niyo," banas na sabi ko. Tumayo naman ito at humalik sa noo ko. "Talk to you later," malambing na sabi nito. Tinignan muna ako nang masama ng babae bago sumunod kay Yves. Akala mo naman girlfriend siya eh isa lang namang f**k buddy. Ewan ko ba sa mga ibang babae dito. Alam naman nilang hanggang kama lang sila kay Yves at hindi sila seseryusuhin pero gusto pa rin nila. Patuloy pa rin nilang isinisiksik ang sarili nila, minsan gusto ko ng maniwala sa bestfriend ko na katawan niya ang ginagamit ng mga babae at hindi siya ang gumagamit sa kanila. Pag-alis ni Yves lumapit sa akin si Wincy at Ella na umupo sa harap ko. "Explain nga, langya kayo hindi niyo man lang ako ginising. Pagmulat ko ng mata ko si Shawn ang nakita ko!" "Ikaw naman kasi ginigising kita sabihin mo ba namang may AIDS. Ayun tuloy natahimik ang lahat at sobrag takot namin dahil galit ang awra nito habang binabantayan kami sa pagsagot. Swerte mo nga ang himbing ng tulog mo haha," kwento ni Wincy. "Lakas mo girl. Sabi niya na wag kang gisingin-" "Oh talaga? Baka concern siya sa akin, tinitigan niya ba ako habang natutulog ako? Hinawakan niya ang buhok ko at sinabihan kayong 'wag maingay para hindi mastorbo ang tulog ko? Ay kinikilig din kayo habang nakatingin sa aming dalawa tulad ng mga nababasa ko sa mga love story," puno ng saya na sabi ko sa kanilang dalawa. "Nakita niya na siguro na sobrang ganda ko at bagay kami." Nakapalumbaba pa ako sa mesa habang nakangiti at iniimagine ang nangyari kanina habang tulog ako. Ganun kadalasan ang nababasa ko at sa huli nagkakatuluyan. "May gusto ka sa kambal ng bestfriend mo?" Tanong ni Ella. "At isa pa girl 'wag masyadong mag-imagine dahil sa lahat ng sinabi mo walang nangyari." "Haha, oo nga. Sinabi pa naman niya sa amin na 'wag gumaya sayo na stupid na nga nakukuha pang matulog sa klase. Hindi sweet 'yun girl mag-move on ka na agad," natatawang sabi ni Wincy. "Oa mo mag-imagine ah pang fairy tale tapos ikaw 'yung bidang babae at ang iniisip mong prince charming si Shawn. Lakas!" "Okay lang, ang importante napansin niya ako. Nakakakilig pa rin," baliwalang sabi ko at nag-umpisang kumain. "At oo mahal ko siya matagal na. Gagawin ko lahat para mahalin niya rin ako." "Wow, hindi ka nun papansinin. Alam mo naman na sobrang bato 'yun ang walang babae dito sa University ang nakapasok sa standard niya. Lahat nga ng nagtatapat ng pag-ibig sa kanya pinapahiya niya lang," paalala ni Ella. "Ibaling mo na lang 'yang kagustuhan mo sa kambal niyang si Yves baka may pag-asa ka pa." "Oo nga si Yves na lang magkamukha naman sila. Wag na duon kay Shawn masasaktan ka lang," payo ni Wincy. "Hindi ako susuko kahit ipahiya niya ako ng ilang beses. Mamahalin niya rin ako, itaga niyo sa bato! Ako ang magpapa-amo sa isang Shawn Yvan Clemente."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD