Siete

2071 Words
Ayumi's pov "Sa library na lang kita tuturuan." "Sa bahay na lang. Hindi tayo magkakausap nang maayos sa library dahil madaming nakatingin sa akin," saad nito. "May sasabihin ka rin naman sa akin kaya duon na lang." "Eh kasi-" "Sakay na Ayumi 'wag ng mag-inarte hindi ka maganda," biro nito kaya binato ko sa kanya ang bottled water na dala ko bago pumasok sa kotse. Habang nasa byahe sobra akong kinakabahan at nae-excite. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko dahil sigurado akong makikita ko si Shawn sa bahay nila. Dalawang araw ko rin siyang di nakita simula nuong hinabol ko siya sa hallway. Naging busy ako sa pag-aaral at trabaho sa gabi kaya wala akong lakas na maghabol. "Hanggang 7 lang ako ng gabi huh. May gagawin pa ako pag-uwi," saad ko. "Mag-aaral ka? Lagi na lang 'yan at puyat ka pa baka mabalitaan ko na lang kasing talino mo na si Einstein," biro nito. "Ganyan talaga pag masipag mag-aral hindi katulad mo na puro pambababae na lang ang ginagawa," pambabara ko rito. Ayoko naman sabihin na nagtra-trabaho ako sa gabi at nakasuot ng sexy dress habang nagse-serve sa mga lasing. Magagalit 'yan at baka magwala pa. Pagdating namin sa bahay nila ang una kong napansin ay si Ate Erza na nagdra-drawing sa garden. Art ata, ewan. "Ayumi, you're here. Wala pa si Shawn-" "Ate kasama ko siya hindi si Bro ang pinunta niya rito," naiiritang sabi ni Yves. "Oh, okay. I thought-" natigil ito sa pagsasalita at humarap sa akin. "You don't tell him yet. I see." "Po?" "Ate ang weird mo na naman," sabi ni Yves sa Ate nito at hinawakan ang kamay ko. "Aakyat na kami sa kwarto ko dahil tuturuan niya pa ako." Paakyat na kami sa stairs ng biglang may pumokpok sa ulo ni Yves. Gulat akong napatingin sa likod at nakita ko si Ate Erza na may dalang malaking baston. "AHHHH! ARE YOU PLANNING TO KILL ME, ATE?!" Napalayo ako kay Yves nang lumapit si Ate Erza at sinabunutan ito. "AHHHHH! AWWWWW! STOP, f**k-AHHHHH" "You have no dilikadesa! You want to take Ayumi to your room just the two of you? Ang maniac mo!" "WALA AKONG GAGAWING MALI, ANO BA?! BITAW NA ATE MASAKIT NA!" Si Yves 'yung tipong nasasaktan na ng kanyang Ate pero hinahayaan niya lang. Hindi ito gumaganti at may pag-iingat na hawak si Ate Erza. Alam kong biro lang dahil nagiging maayos din sila sa huli, para sa akin napaka-sweet ng ganyan. Haitz, minsan talaga nakakainggit pag nakakakita ako ng magpamilya. Sana all na lang. Nakaupo na kami ngayon sa sofa dahil utos ni Ate Erza pagkatapos bitawan ang buhok ni Yves. "Pwede kayong mag-aral dito para mabantayan ko kayo," sabi ni Ate Erza na poise na poise ang pag-upo. Ang straight ng likod pati ang dalawang legs nakadikit. Nahiya naman ako na parang lalaki umupo. "Ate naman bakit dito pa? Bakit kailangan mo pa kaming bantayan? Hindi na kami mga bata," inis na sabi ni Yves. Hinahayaan ko lang silang magsalita, ayoko namang makisingit lalo na si Ate Erza ang kaharap namin. Laging nasusunod 'yan. "Exactly! Hindi na kayo mga bata para hayaan sa kwarto na kayo lang. Kilala din kita sa pagiging babaero mo-" "Bestfriend ko siya! Hindi ako gagawa ng kabastusan sa kanya," ramdam ko ang pagkairita ni Yves. "Ikaw lang naman ang nag-iisip ng ganyan sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit nandito ka pa at wala ka sa company." "I don't trust you when it comes to women. I know what you're doing, you don't go to your class and you use our hotel to bring in some kind of nasty girl every day. Pasalamat ka nga hindi kita sinusumbong kay Mommy," taas kilay na sabi ni At Erza bago humarap sa akin. "Turuan mo na ang kapatid ko at 'wag niyo akong pansinin dito." Mabilis kong kinuha ang libro at tumabi na kay Yves. Naiilang ako sa pagtuturo kay Yves lalo na at nakatingin si Ate Erza pero ginawa ko pa rin. Syempre kailangan kong magpasikat sa kanya para lalo niya akong magustuhan para kay Shawn. "Weird, ilang beses ka ng kinuhanan ni Mommy ng tutor pero walang pumapasok sa utak mo pero ngayon na si Ayumi ang nagtuturo sayo lahat nakukuha mo. Matalino ka rin pala haha," pang-aasar ni Ate Erza kay Yves. "Sinong gaganahan sa mga matatandang tutor na hini-hire niyo. Kung sexy at maganda sana edi sinipag pa akong mag-aral-OUCH ATE! ANO BA?! HAMPAS KA NANG HAMPAS SA ULO KO, GUSTO MO BA AKONG MAMATAY?" "You're so OA nilalambing ka lang-" "Ate kung lambing 'yan 'wag na lang. Si Bro na lang ang lambingin mo," sabi ni Yves na ikinatawa ni Ate Erza. Napatingin naman ako kay Shawn na kakapasok lang. Una kong napansin ang pasa niya sa braso at ang dugo sa gilid ng labi nito. "Shawn," bulong ko kaya napatingin si Ate Erza at Yves sa tinitignan ko. Agad lumapit ang dalawa kay Shawn habang ako naman ay nakaupo lang habang pinapanuod sila. "Sinong gumawa niyan sayo at babalikan ko! Tang-ina Bro nagdudugo ang ulo mo!" Napatakbo ako palapit sa kinatatayuan nila dahil sa sinabi ni Yves. Nakita ko ang dugo na tumutulo sa mukha nito. Tumingin ito sa akin at naglakad na paakyat. Inalalayan ito ni Yves. Naiwan akong mag-isa sa baba at hinihintay si Yves para tanungin kong okay lang si Shawn. Wala pang ilang minuto nakita ko si Tita Sheen na dumating at mabilis na umakyat, hindi na ako napansin. Halos kalahating oras na nuong bumaba si Ate Erza at lumapit ito sa akin. "Ako na ang maghahatid sayo, binabantayan ni Yves ang kambal niya. Let's go," sabi nito na parang walang nangyari. Hindi ako tumayo at nakatingin sa second floor. "Don't worry he is fine." "Ate maglalakad na lang ako palabas ng village at magje-jeep-" "Sakay na Ayumi. Ayoko ng pinaghihintay." Mabilis akong sumakay sa kotse at tahimik na umupo. Mabilis nitong pinaandar ang sasakyan. "Ate, dyan na ako sa may paradahan ng jeep." Parang wala itong naririnig at deretcho lang sa pagmamaneho hanggang sa huminto sa highway ng papasok sa tinitirhan ko. Paano niya nalaman? "Pinaimbestigahan kita. I don't really care if you get mad, gusto kong malaman ang lahat ng bagay sa mga taong napapalapit sa kambal. Wala akong masamang balak," sabi nito at binigay sa akin ang isang calling card. "Since ayaw mo namang tumanggap ng tulong kay Yves at sa parents namin hahayaan kita sa trabaho mo. Wag mo lang ibenta ang katawan mo para sa pera, if you need anything call me and ask help." "Po?" Nagtatakang tanong ko. " I know your job, Ayumi. I will not judge you for your work because you need that but I hope you know your limitations. I don't welcome slut in our family," seryosong sabi nito. "Now, get out. I need to go home." Nagtataka man mabilis akong bumaba ng sasakyan niya at dumeretcho sa apartment ko. "Family?" Bulong ko at iniisip ang ang lahat ng sinabi niya. Nakatingin rin ako sa calling card na binigay ni Ate Erza. "Anong ibig niyang sabihin? Family---" Kahit habang naliligo ako iniisip ko pa rin ang ibig niyang sabihin. "AHHHH! GUSTO NIYA AKONG MAPAKASAL KAY SHAWN KAYA KAILANGAN KONG INGATAN ANG SARILI KO!" Malakas na sigaw ko nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin. Tumawag rin sa akin si Yves at humingi ng pasensya dahil hindi niya ako nahatid. Sinabi rin nitong okay na si Shawm kaya nakahinga ako nang maayos. Hanggang sa pagpasok ko sa bar nakangiti ako at pansin 'yung ng mga kasamahan ko. Kahit wala akong tigil kakalakad at kaka-serve sa mga alak hindi nawawala ang ngiti ko. Feeling ko napaamo ko si Ate Erza. Ang tanggapin niya lang ako at iniisip niya na mapapasama ako sa pamilya nila sobrang big deal na sa akin. Ang strikto kaya niya at madami rin akong naririnig na hindi 'yun nagtitiwala basta-basta. Pero sa akin blessing niya na ang binigay niya, sinong hindi sasaya. "Malaki ba ang tip mo? Mukhang sobrang saya mo ah," sita ni Wincy sa akin habang nasa counter kami. "Lagi naman," sagot ko. "Ayumi sa VIP room #6 ikaw ang request na mag-serve," sabi ni Jay sa akin. "Huh? Alam mo naman na hindi ako pwede duon," sabi ko. Ang room 6-10 ay private na 'yun. Duon sumasayaw at kung ano-ano pa ang stripper ng bar. Sa tagal ko dito hindi pa ako nakakapasok duon. "Serve lang sabi ni Manager. Pagkatapos mong ibigay ang drinks lumabas ka na agad." "Sinong bang nanduon at masyado atang malakas kay Manager?" Madami nang sumubok na papasukin ako duon pero si Manager na mismo ang tumatanggi dahil alam niya na hanggang sa pagse-serve lang ang kaya ko. "Hindi ko alam -" "La kang kwenta kausap," saad ko kay Jay na tinawanan niya lang. Kinuha ko ang drinks at pumunta na sa room 6. "Ayumi? Anong ginagawa mo si rito?" Tanong ni Jaz isa sa stripper dito. "Order," tipid na sagot ko at agad pumasok sa room 6. Pagpasok sa loob dim light ang bumungad sa akin. May nakita rin akong kama sa gitna kung saan nakaupo ang lalaking nakatalikod. Ganito pala ang itsura dito, alam na agad na may milagrong nangyayari. Mabilis kong nilapag sa maliit na mesa ang dala ko at tumalikod na. "Sandali lang," sabi ng lalaki kaya napaharap ako rito. Tumayo ito at lumapit sa akin kaya napaatras ako. "Ano pa pong kailangan niyo?" Kinakabahang sabi ko. "Alam mo bang malaki ang binayad ko para lang mag-serve ka sa akin?" Mabilis akong tumalikod at lumapit sa pinto pero nahawakan niya ako at hinarap sa kanya. "Saan ka pupunta?" Nakangising tanong nito at pinasandal ako sa may pinto. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa takot. Nasa isang kwarto kami at pwede niyang gawin sa akin ang gusto niya dhail walang makakarinig. "Bitawan mo ako. Nandito lang ako para ibigay ang drinks mo," takot na sabi. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko para makapag-isip ng magandang gawin. "Malaki ang binayad ko at hindi ako papayag na walang mangyari," sabi nito. "Ipapakulong kita," nauutal na sbai ko. Tinulak niya ako hanggang sa mapasandal ako sa may pinto at mabilis ako nitong hinalikan sa leeg. "Ang bango mo at ang sarap," bulong nito at patuloy sa pag halik. Naiiyak na ako dahil kahit anong gawin kong panunulak ay walang nangyayari. Nakita ko ang bote ng tequila sa may mesa at inabot ko 'yun. "Ganyan 'wag ka ng mag-inarte dahil sisiguraduhin ko na magugustuhan mo," maniac na sabi nito. Mabilis kong tinaas ang bote at inihampas sa ulo nito. "AHHH TANG-INA MO!" Napaatras ito at hawak ang ulo na nagdudugo na. Mabilis akong lumabas sa may pinto. Pinagtitinginan na ako dahil basa na rin ang dress ko ng alak. Nakasalubong ko si Manager at agad ko itong niyakap. "Anong nangyari?" Nag-aalalang sabi nito. Hindi na ako nakapagsalita dahil nakita ko ang lalaki na pinukpok ko sa ulo na palapit sa amin. "Tang-ina 'yang alaga mo! Balak pa akong patayin!" Galit na sabi nito at lalapit na sana. "Ang usapan magserve lang-" "Gago ka ba 30,000 ang binayad ko at iisipin mo sa serve lang ang mangyayari!" Galit pa rin na sabi nito kahit tumutulo na ang dugo sa ulo nito. "Mauna ka na sa locker niyo," bulong ni Manager sa akin. Tamang tama naman na dumating si Wincy kaya sinamahan niya ako. Susunod pa sana ang lalaki ng hinarangan ito ni Manager. Pagdating ko sa locker duon ako nakahinga nang maluwag. "Anong nangyari? Binastos ka ba ng lalaking yun?" Hindi ko pinansin si Wincy at kinuha ang alcohol ko sa bag at binuhos 'yun sa leeg ko kung saan ako hinalikan ng lalaki. Pagkatapos ay pumikit ako para mas mapakalma ang sarili dahil sa panginginig ng kamay ko. Unang beses nangyari 'yun sa akin. Kadalasan puro salita at kunting hawak lang sa braso ko ang nagagawa ng customer dahil lumalaban talaga ako pero kakaiba pala talaga pag walang ibang tao at alam mong may masamang balak ang kasama mo sayo. Kahit anong tapang ko hindi ko pa rin mapigilang matakot. Sinabihan ako ni Manager na maaari na akong umuwi kaya nagmadali akong umalis sa lugar na 'yun. Pagkahiga ko sa kama ko bumuhos ang luha ko. "Futcha kasi! Bakit pa ako pinanganak na mahirap at walang kasama sa buhay! Ang h-hirap, pagod na p-pagod na ako, g-gusto kong magpahinga p-pero hindi pwede! Ang u-unfair, Lord."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD