Otso

2178 Words
Ayumi's pov Isang linggo akong hindi pumasok sa bar ng dahil sa nangyari. Pinayagan rin naman ako ni Manager at binigyan ng sampong libo para 'wag ng magreport sa pulis dahil baka ipasara ang bar. Wala naman akong balak magsumbong pa sa pulis dahil hindi naman natuloy ang plano sa akin ng lalaki. "Wala ka na bang balak bumalik sa bar?" Tanong ni Wincy sa akin. Nandito kami sa cafeteria kasama si Ella. "Nag-apply na ako sa club malapit dito bilang singer, dahil sa nangyari hindi ko na kayang bumalik duon. Pupunta ako mamaya duon para magpaalam kay Manager," sagot ko. "Hanla, paano na ako?" "Sabi kasing sa akin ka na magtrabaho. Wala kang gagawin kundi bantayan lang ako matutuwa pa si Mommy," natatawang sabi ni Ella. "Alam mo naman masyado silang nag-aalala sa akin dahil minsan gabi na ako nakakauwi kaya naghahanap sila ng bantay ko at sinabi ko na ikaw na ang kunin. Pwede ka na ring tumira sa bahay para makalibre ka ng upa sa isang kwarto." Tinignan ko si Wincy na nag-aalangan. "Tanggapin mo na. Yung matitipid mo pwede mong ipadala sa pamilya mo sa Probinsya at hindi rin naman siguro kuripot magpasahod ang magulang ni Ella," natatawang sabi ko. "Aba hindi ah. Libre lahat hindi mo naman rin ako kailangan bantayan at hindi rin kita aalilain. Kailangan ko lang talaga para mapanatag si Mommy at hindi niya na ako dalhin sa Japan kasama ng Lola ko. "Ahhh sige pero utos-utusan mo ako ah para naman sulit niyo ang ibabayad sa akin," sabi ni Wincy na sinang-ayunan ni Ella. "Kung ganyan naman ang gusto mo 'wag kang mag-alala aalilain kita. Haha," sabi naman ni Ella kaya natawa ako. Loko talaga. "Ladies hihiramin ko muna ang bestfriend ko," paalam ng kakarating na si Yves. Ang bigat talaga ng kamay ang hilig umakbay. Kaya mainit ang mata sa akin ng mga babae dahil sa pagiging touchy niya sa akin. "Geh lang 'wag mo na ring ibalik," sabi ni Ella kaya inirapan ko ito. "Alagaan mo ah 'wag mong sasaktan virgin pa 'yan! Ibalik mo ring Virgin sa amin." "SHUTTAKA WINCY!" Sigaw ko at lumapit rito para pabirong hilain ang buhok. "Haha, sinasabi ko lang naman. Matinik kasi 'yang bestfriend mo baka madali ka!" Sabay na natawa ang dalawa . Mga bruha talaga, nakakapagbiro na sila ngayon kay Yves dahil nakakasama namin ito minsan. Hinila na ako ni Yves palayo sa dalawa. Sumakay kami sa kotse niya at dumeretcho sa SA restau. "Go na sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin," sabi nito pagdating ng order nitong pagkain. Oo nga pala tinawagan ko siya kaninang umaga para sabihin na may mahalaga akong sasabihin. "Ah-ano kasi bestfriend-" "Mukhang seryoso ka ata sa sasabihin mo ah. Hulaan ko, may boyfriend ka na? May nagkamaling ligawan ka?" "Oh di wow. Liligawan ko pa pag sinagot niya ako ikaw ang unang pagsasabihan ko," sabi ko. "Liligawan? Kailan ka pa naging lesbian?" Tinignan ko siya nang masama. "Biro lang. Ano ba kasi 'yun? Anong ligaw?" "May mahal na ako," pauna ko. Natigil ito sa pagkain at nawala ang ngiti sa mukha habang titig na titig sa akin. "Yves narinig mo ba ako? Sabi ko may mahal na ako at gusto ko sana na tulungan mo akong mapalapit sa kanya," saad ko. Hindi ito nangsalita ang ininum ang drinks sa mesa. "Yves-" "Who?" Seryosong tanong nito. "Huh?" "Sino ang lalaking gusto mong ligawan at sinasabi mong mahal mo?" "Shawn," sabi ko na titig na titig sa kanya. "Shawn? Ako?" "Shawn Yves hindi ikaw na Shawn ang gusto ko kundi ang kambal mo na si Shawn Yvan," pairap na sabi ko. "Tulungan mo akong mapalapit sa kanya please. Sige na bestfriend para naman may lovelife na ako." Hindi ito sumagot at kumain na ulit kaya naiirita akong binato siya ng nilakumos kong tissue. "Ano na?! Tutulungan mo ako o tutulungan mo ako? Wala ka namang gagawin kundi imbitahan lang ako lagi sa bahay niyo o kaya naman isama mo ako pag may lakad kayo," suhestion ko. "Kumain ka muna mamaya tayo mag-usap pagkatapos ko. Nakakawalang gana, isipin ko pa lang na magiging girlfriend ka ng kambal ko kinikilabutan na ako-" "Gago ka! Maganda ako at may utak rin," inis na sabi ko rito at kumain na lang. Lakas talaga niyang mang-asar. Nasabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko kay Shawn kaya lumuwag na ang pakiramdam ko, alam ko na tutulungan niya ako. "Ano tutulungan mo ba ako?" Tanong ko pagkatapos naming kumain. Hindi ito nagsalita at dumeretchop na sa kotse kaya asar akong sumunod. "ARAY KO, ANO?!" Sigaw nito nang batukan ko siya pagsakay namin sa sasakyan. "KAINIS KA! Ngayon na nga lang hihingi ng tulong ayaw mo pang sumagot. Ako todo support sa love life mo kahit ako ang pinag-iinitan ng mga babae mo tapos ngayon hindi mo ako tutulungan," pagdra-drama ko. "Tutulungan ka na nga masyado kang atat. Punta tayo sa bahay sigurado nanduon siya," sabi nito. "Oh, JINJA?" Masayang sabi ko at niyakap siya. "Layo ka nga-" "Bakit ba ang sungit mo? Hindi ka ba masaya na may nagugustuhan na ako?" Nakasimangot na sabi ko. "Dami mong sinasabi tutulungan ka na nga. Ngiti ka na baka pumangit ka mas lalong mawalan ka ng pag-asa sa kambal ko," sabi nito kaya napangiti ako. "Ahyieee mahal na mahal mo talaga ako. I love you too, bestfriend. 'Wag kang mag-alala pag naging kami magkakaruon ka ng magandang sister-in-law," saad ko na ikinasimangot niya. Kahit iritable siya sa byahe hindi ko pa rin siya tinitigilan na inisin. "Asus ayaw mo ako para sa kambal mo baka gusto mo ako. Sabihin mo na ngayon din na may hidden desire ka sa akin. Matagal mo na akong gusto pero hindi mo maamin dahil alam mong hindi ka pasok sa standard ko, haha!" Sabi ko pagkahinto ng sasakyan. "Feeling mo. Model type ang mga gusto ko hindi kagaya mo na tsanak!" Mabilis akong bumaba sa sasakyan at lumapit dito. "Makatsanak ka naman sa akin bestfriend parang wala tayong pinagsamahan. Madaming nagagandahan sa akin tapos ikaw ido-down mo lang ako, paano ako haharap kay Shawny baby kong wala akong tiwala sa pagiging maganda ko?" Tinignan naman niya akon na nagungunot ang noo. "Maganda ka? Saang banda? Gusto mo ipa-belo na lang kita para gumanda ka na talaga?" "Wow ah ang feeling mo naman. Akala mo hindi ko napapansin na natutulala ka sa ganda ko minsan, asus ayaw mong aminin ah. Okay lang 'yan hindi ka nag-iisa na natutulala sa akin," natatawang sabi ko habang papasok sa bahay. Nakita ko si Shawn na kakababa lang kaya agad akong humiwalay kay Yves. Nawala na ang pasa nito sa mukha, sobrang gwapo na ulit niya. Kinikilig ako habang nakatingin sa kanya. Imagine nakakapasok ako sa bahay nila, my gosh kung ang mga babae sa university malaman na napupuntahan ko si Shawn sa sarili nilang bahay madaming magseselos sa akin. 'Yung ibang babae na hirap mapalapit sa kambal ako naman ito na ohhhh abot kamay ko na. "Bro! 'Wag kang umalis nag-order ako ng pagkain, sabay ka na sa amin ni Ayumi. Bawal tumanggi," sabi ni Yves. Kunot noong tumingin si Shawn sa akin. "Ah, hello. Good afternoon, Shawn." Ipit na ipit ang boses ko sa pagbati, nakakahiya. Paano ba naman kasi parang umuurong ang dila ko dahil sa titig niya. Feeling ko pati kaluluwa ko hinuhusgahan niya. Hindi ako nito pinansin at nauna ng pumunta sa visitor's area. Umupo ito sa pang-isahang sofa habang kami ni Yves ay magkatabi sa malaking upuan. "Bff ipakikila mo ulit ako sa kanya," bulong ko. "Ayoko, nakakahiya ka. Makaipit ka ng boses para kang parot," sagot nito at lumayo sa akin kaya nairita ako lalo na at ang tahimik. Si Shawn na may binabasa habang si Yves na naglalaro ng COD. "Ahh Shawn, balita ko magdo-Doctor ka. Siguro nahihirapan ka nuh. Ako nga nursing ang kinukuha ko hirap na hirap na ako sa mga new words na nae-encounter ko everyday," pag-umpisa ko ng usapan. "Because you're stupid," pang-iinsulto ni Shawn sa akin. Hindi man lang ako nito tinignan at naka-focus lang sa librong hawak nito. Tumingin ako kay Yves para sana humingi ng tulong kaya lang natatawa ito habang nakatingin sa phone. Gago, siguradong ako ang pinagtatawanan niyan. Hindi man lang niya ako tulungan para makapagpasikat sa kambal niya. "Matataas ang grades ko," sabi ko ng pumunta sa kusina si Yves. "Ano palang favorite subject mo?" Wala pa ring sagot. "Hehe, ang pangbata ko namang magtanong. Ahhh, May girlfriend ka na?" Ang dami kong tanong pero wala man lang itong reaction. Hindi man lang nakuhang sagutin ang tanong kahit tipid lang. Asar akong tumayo at sumumod sa kusina. "Oh, bakit nandito ka na? Binigyan na nga kita ng pagkakataon para mapag-isa kayong dalawa," bungad ni Yves sa akin na umiinum ng beer. "Hindi naman niya ako pinapansin. Busy sa binabasa niya," sabi ko at inagaw ang beer. "Ang aga mong uminum, hindi pwede dahil ihahatid mo pa ako mamaya." "Tsk, bossy!" "Bestfriend, seryoso na kasi. Ano ang dapat kong gawin para mapalapit sa kambal mo at magustuhan niya ako? Ano ang gusto niyang pagkain para ipagluto ko siya? Ano ang Ideal girl niya?" "I don'k know-" "Wala ka namang kwenta sumagot," asar na sabi ko. "Basta hindi ka niya magugustuhan. Ayaw nun sa madaldal," sabi nito kaya napatahimik ako. "Ayaw niya rin sa babaeng magaslaw gumalaw. Gusto niya lady like... ang pinaka ayaw niya ay ang STUPID!" Pinagdiinan nito ang salitang stupid. "So anong sinasabi mo stupid ako? Eh ano na lang ang tawag sayo? Mas bobo ka pa sa akin ah," pang-iinsulto ko sa kanya. "Lol, habulin pa rin ako ng mga babae. Ikaw ang kambal ko pa ang nahanap mo," natatawang sabi nito sa akin. "Bwesit!" Inis akong bumalik sa pwesto ko malapit kay Shawn at wala pa ring pagbabago. Naka-upo pa rin ito habang nagbabasa at walang paki-alam sa paligid. Dumating ang pagkain. Tahimik lang itong kumakain habang nagbabasa pa rin. Wala talaga siyang balak makipag-usap sa akin. Para akong multo na hindi niya nakikita. Okay lang, I love challenges. Mas nai-inlove ako sa kanya, maya-maya lang ay nagsuot ito ng glasses kaya natulala akong nakatingin sa kanya. Ang gwapo. Ang talino. Ang yaman. Ang lakas ng charisma. Ang hot. Ang sarap kantahin sa harap niya ang kanta ni Daniel na 'nasa iyo na ang lahat...' "Magkamukha naman kami, pwede mo akong titigan lagi. Haha laway mo!" "Pangit mo," saad ko. "Kung pangit ako ibig sabihin pangit rin si kambal ko." Napatingin kami kay Shawn na tumayo na at walang paalam na umakyat sa mansyon nila. "Ang cool niya talaga," puri ko. "Haha hindi ka nga niya pinansin eh." "Tulungan mo kasi ako-" "Anong tulong ba? Gusto mo paki-usapan ko ang kambal ko na i-date ka?" "Hindi ganun. Syempre pag nag-uusap kayo ikwento mo ako sa kanya, purihin mo ako ganun. Sabihin mo na masipag akong mag-aral. Ganung tulong at isama mo rin ako dito lagi," saad ko. "No, he will not believe. Just be yourself na lang malay mo magustuhan ka niya," seryosong sabi nito. "Oh!" Tinignan ko naman ang binibigay nitong pizza. "Busog na ako," sabi ko. "Tsk, puntahan mo sa kwarto niya. 4th floor sa pinakadulo 'yung itim na pinto, sabihin mo pinapabigay ko. Kumatok ka muna para hindi ka masaktan pag bigla kang papasok." "Huh?" "Go, I'm just giving you 5 minutes. Pagbalik mo dito ihahatid na kita may date pa ako." Mabilis kong kinuha ang pagkain at ngumiti sa kanya. "I love you, best friend." Pagdating ko sa harap ng kwaro ni Shawn kumatok ako ng tatlong beses. "Shawn?" Walang sumagot sa ilang pagtawag at pagkatok ko. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko agad siya na nakaupo at nakaharap sa may pinto. "Ah ano kasi sabi ni Yves dalhan kita ng pizza," utal na sabi ko. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kwarto nito. Parang sa napapanuod ko sa hotel na ang mamahal sa ibang bansa. White and black lang din ang theme ng kwarto nito. Hindi ko na hinintay na papasukin niya ako dahil wala naman siyang balak inimbitahan ko na ang sarili ko. Nilapag ko ang dala ko sa maliit na upuan at tinignan ang kabuuan. "Out." Natigil ako sa pagkamangha sa paligid ng magsalita ito. "Ah ano kasi may sasabihin ako," pauna ko. "That you like me? Love me? You think I care?" "Wala naman akong sinasabing may paki ka sa nararamdaman ko. Sinasabi ko lang para maging aware ka," nakangiti pa ring sabi ko sa harap niya. Alam ko para na akong baliw sa paningin niya. "Aware? Why do I need to be aware of something I have nothing to gain?" Ang seryoso naman nito masyado. "Pag minahal mo ako pabalik magiging iyo na ako," kampanteng sabi ko. Ang hilig nitong tumitig, lalo tuloy akong nai-inlove. "I don't want you in my life. Get out!" Mas lumapad ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang inis sa mukha niya. May ibang reaction rin sa akin. Wow. Lumapit ako sa may pinto bago siya hinarap muli. "I love you, Shawn!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD